Una

433 26 14
                                    

Tulad ng inaasahan dumating na si Stephen at Jannah sa oras ng pagbabantay nila. Tulog si Rexanne nang iwan namin ni Nhicka. Pabalik ako ng RCG at hindi ko na siguro aantayin si Cads para sunduin kami. Anong oras narin at baka kakatulog palang non.

Nang dumating ako sa safe lounge ng RCG ay pinilit kong matulog sa pagaakalang pagod ako at kailangan magpahinga pero heto apat na oras nakong nakatingin sa kisame.

Ilang taon na at nakakamove-on narin naman kami sa buhay namin. Pero sa bawat sulok ng  hideout na to, sa bawat achievements na meron kami laging bumabagsak sa kanya.

Ang hirap na habbang lumalaki si Rexanne, paulit ulit yung tanong nya ng tungkol sa mommy niya at wala kaming maisagot sakanya   kundi yung paulit ulit na kwento namin sakanya mula bata sya.

Ilang taon na siya pero ramdam parin namin ang pangungulila nya sa tinuturing nyang nanay. Hay Yanna, bakit kasi ang aga masyado? Ang hirap ng trabahong iniwan mo samin.

Napapikit nalang ako at tumayo na. Marami pang kailangang gawin. Wala nako sa hulog matulog.

Tumayo na ako at lumabas ng lounge. Pumunta ako ng kusina para kumuha ng tubig at naabutan ang ibang RCG members don. Tumango sila sakin at tinignan ko lamang sila saka kumuha ng tubig.

"Arvie.."

"Hoy, Arvie!"

Nagulat ako ng makarinig ako ng sigaw mula sa malapit. Galit kong tinignan si Jake na nakangising naglalakd papalapit sakin.

"Di ka ba pwedeng magsalita ng mahinahon?" inis na usal ko.

"Sayo ko pa talaga maririnig yan eh no?" Natatawang sagot niya at umismid lang ako.

"Anyway, parating na yung mga container galing America kasabay non yung deliver ng container sa Germany at Japan kakatawag lang nila Hera sakin. Kamusta si Rexanne?" dagdag nya.

"Nagising na. Anytime soon lalabas na yon, inaantay lang mga resulta nya." pagod na sagot ko.

"Kaya mo paba magtrabaho? Walang titingin ng mga container sa bagsakan ngayon. Busy lahat ng RCG."

Kelan ba di nagbusy mga tao sa RCG?

"Sige. Ano oras dating?" tanong ko.

"Alas dos ang bagsak sa warehouse."

Napatingin ako sa relo ko. Alas dose na.

"Sana mas inagahan mo yung sabi no? Ba-biyahe pako di' ba?" iritang sagot ko dahil may kalayuan din mula sa Hideout ang warehouse.

Ngumisi si Jake saka inabot sakin ang isang folder.

"Eto ang listahan ng mga dadating na gamit. May nakaaabang naman na tao don pag may kailangan ka. Aalis na muna ako."

Tinanguan ko siya saka kumuha ng apple sa countertable. Kinagatan ko yon at saka binuklat ang folder. Naglalaman ito ng iba't ibang baril, bomba at kung ano pa.

Busy ang lahat dahil under observation ang buong RCG. Ginagawa ang mga computer laboratories at mas pinapalawak ang system.

Nung nakaraan ay napagusapan namin na pansamantalang ishut down ang buong system
para magive way sa gagawing renovation at construction. Gustuhin man namin na isarado ito ng ilang oras ngunit inisahang gawa na ang lahat ng gagawin kaya tatagal ito ng labindalawang oras.

Hinablot kona ang folder saka umalis patungong kwarto.  Sinuot ko ang jacket ko saka kinuha ang cellphone at wallet ko para makaalis na.

Binabaybay kona ang biyahe ng marinig ko ang cellphone ko. Pinindot ko ang answer button sa manibela para sagutin ito.

Savage QueenWhere stories live. Discover now