Isang malamig na hapon ang sumalubog samin pag baba ng eroplano. Ang tagal na panahon na nung bumalik kami dito at hindi kona halos kabisado ang mga lugar dito.
Andito kami para sa isang meeting. Nagpaplano kasing magbukas ng panibagong hideout sa bandang probinsya ng Japan at since kami ang head ng buong Japan, obligado kaming pumunta dito para sa meeting. Swerte na nga lang at di namin kailangan tumira dito.
"Baby, use your coat properly. " utos ni Stephen na naghahatak ng bagahe namin.
Pagkatapos namin magbantay sa hospital ay dumiretso na kami sa airport para sa nasabing flight. Maayos na ang pakiramdam ni Rexanne ng iwan namin.
"Parating na sila Rio." sunod na sambit ni Stephen.
Sila Rio ang susundo samin. Mga half japanese half filipino na resident ng Japan na under ng RCG dito.
Niyakap ng isang braso ni Stephen ang bewang ko at hinalikan ako sa pisngi.
"You tired?" tanong niya at tumingin na lamang ako sakanya at tumango bilang tugon.
Dalawang araw na akong di nakakatulog ng maayos. Hindi ko alam bakit panay ang gising ko tuwing madaling araw.
Sinandal ko ang ulo ko sa balikat ni Stephen at pumikit. Para akong lalagnatin sa lamig ngayon dito sa Japan. Lagi naman akong andito pero kakaiba ata ang lamig ngayon.
Inakbayan ako ni Stephen at hinimas ang kabilang braso ko.
"Lumamig ata ngayong uwi natin." bungad ko sakanya.
"Di kana ata sanay sa klima dito hmm? Kulang ka lang sa halik eh.." mapangasar na bulong niya at pinuno na ng halik ang pisngi ko.
Napangiti ako sa ginawa niya..di na nagbago to..
Nagpatuloy pa ang pangungulit sakin ni Stephen ng bumisina and isang sasakyan sa di kalayuan.
"Andito na sila." sambit ko at inayos ang coat ko.
"Lika na." utos ni Stephen
Lumabas si Rio ng kotse at tumango samin.
"Goodafternoon. How's flight?" bungad ni Rio samin.
"Malamig pala ngayon no? Para akong lalagnatin sa lamig." bungad ko sakanya.
Tumawa sya habbang nilalagay ang gamit namin sa likod ng sasakyan. Pumasok ako sa loob ng kotse at pumasok na din sila.
"Anong balita, Rio?" bungad ko habbang nagdadrive si Rio.
"Inaayos na ang bagong quarters, Jannah. Last stage na ng training ang mga bago, in two weeks pwede na sila irelease at ilipat sa bagong location." kwento ni Rio.
Tumango ako at sumabat na sa usapan si Stephen. Sandali pa akong nakinig pero sobrang sakit ng ulo ko at wala akong nagawa kundi ipikit ito.
Napakadaming iniwang gawain samin si Yanna, di ko alam kung nakakatulog pa ba yon dati eh halos siya may hawak ng lahat ng to. Ilang beses sa isang buwan kaming umuuwi ng Tokyo para asikasuhin ang mga to. Gustuhin man naming dito na tumira ay di naman pwede.
Bukod sa trabaho dito ay may iba pa kaming trabaho sa corporate world. Normal na tao padin naman kami na may normal na buhay. Ayaw ko namang matuon ang buong atensyon ko sa RCG tulad ng ginawa ni Yanna na halos ibuhos ang buong buhay niya dito sa murang edad.
Isang tawag ang gumising sakin. Nakapikit akong sinagot ang tawag.
"Hm--"
"Bitch, guess whose here??" sigaw mula sa kabilang linya. Napapikit ako sa inis dahil ang ingay.