Maaga ako nagising dahil sa patuloy na pagsakit ng ulo ko. Magdamag akong gising sa sakit ng tyan ko, buti nalang ay mahimbing ang tulog ni Stephen dahil sa pagod. Tumayo na ako para magayos. Nasa cr na ako ng magring ang phone ko.
"Hello?"
"Okay kana?" Bungad ni Arvie sakin sa kabilang linya.
"Mmm..ayos lang. Kamusta si Rexanne? Kamusta dyan?" Nagtatali ako ng buhok ko at nag-hairpin ng mga loose hairs.
"Andito si Ate Alfreiy kagabi, she's asking for a night out paguwi nyo. Drinks, gimik , ganon." Napangiti ako. Kelan nga ba huling gimik namin ng mga to? It's been years. Bata pa si Rexanne at Paoline non. Ang bilis ng panahon, hindi na baby ang mga baby namin.
"Aren't we too busy for that? Especially now, may kanya kanyang business tayo. I don't wany any loose ends to happen dahil lang sa isang gimik." Sagot ko pero malakas na tawa ang sinagot nya sakin.
"Girl, chill yo ass out. Minsan lang ano ba? Tita na masyado ang peg mo, loosen up. We're still in the early 20's don't act as if nanay kana." Natatawang sagot nya. Napairap nalang ako.
"Whatever, vie."
Sandaling katahimikan pa ang nabalot sa buong tawag ng iopen up nya ang matagal na naming di napaguusapan.
"You think she's happy?" Napabuntong hininga ako. Masaya ka kaya sa nakikita mo samin ngayon?
"Kilala mo naman yon as long as di tayo nasasaktan, masaya siya." Sagot ko pero tahimik lang siya. Ilang segundo pa ang lumipas at nakarinig ako ng malalim na hininga sakanya.
"I hope so. Magayos kana dyan, magtatrabaho na ako." Binaba kona ang tawag at nagayos ng damit na susuotin ko.
Alas sais ng matapos ako sa pagaayos at tulog parin si Stephen ng lumabas ako ng banyo. Lumabas ako ng kwarto at nakasalubkng ang ibang miyembro na balot na balot dahil sa lamig.
Dumiretso ako kusina at nakita si Ed na nagluluto na ng almusal. Siya ang head chef dito sa quarters. Ngumiti siya sakin at ganon din ang binungad ko sakanya. Umupo ako sa upuan na nasa counter top habbang nag gigisa sya ng sibuyas at bawang.
"Goodmorning Bee, ano atin?" Wag na natin ikataka kung bakit Pilipino ang head chef dito, aminin naman natin iba padin ang lutong Pinoy. Bee ang nakasanayan nyang itawag sakin dahil sa codename ko sa RCG.
"Gusto ko niyang ginigisa mo, anong almusal?" Tanong ko habbang sinisilip ang ginigisang bawang at sibuyas sa harap ko.
"Ano bang gusto mo? Nagpapahanda ng corned beef ang iba, may bacon na at egg nasa counter. Name it." Nakita ko ang buffet counter at halos mapuno na ito. Ganto naman dito araw araw laging buffet set up, may poll din na pinapasagutan every night kung anong uulamin para sa kinabukasan.
"Gusto ko lang niyang bawang at sibuyas, tsaka bagoong isda na may kalamansi." Natatakam na sagot ko. Pero nakatingin lang sya sakin.
"Lalagay ko nalang tong corned beef tas maluluto na to."
"No!" Gulat na sigaw ko. "Ayan lang tlaga gusto ko yung ginisang sibuyas at bawang." Nakangiting sagot ko.
"Huh? Pero—" magsasalita pa sana siya pero sinamaan kona ng tingin. "O'rayt, rice?" Tanong niya at tumango ako.
"Bagoong rice." Dagdag ko ngunit lumingon ulit siya sakin bago magopen ng isang stove para sa fried rice. Matapos ang limang minuto ay nakalatag na sa harap ko ang bagoong friedrice, ginisang bawang at sibuyas, at saka sawsawan. Nagumpisa na akong kumain.
"Bacon? It's homemade." Alok nya pa sakin, gustuhin ko man pero bibigat ang tyan ko. Umiling ako at nanghingi ng tubig. Nagpatuloy pa ang pagkain ko nang dumating si Rio.