Chapter 15

1.6K 40 12
                                    

F I F T E E N











I'm not tired anymore because I see my pahinga

I'm not tired anymore because I see my pahinga

I'm not tired anymore because I see my pahinga

I'm not tired anymore because I see my pahinga

My pahinga

My pahinga

My pahinga

My pahinga







Paulit-ulit na nag pl-play sa utak ko ang mga sinabi niya, kaya naman agad akong na pa hawak sa dibdib ko ng marinig ko yung sinabi niya.

Alam ko na hindi yun guni-guni dahil totoo na sinabi niya talaga ang salitang yun, paano magiging guni-guni yun? Eh, napaka lapit lang ng pagitan naming dalawa kaya maririnig ko talaga kung anong sinasabi niya.

"Naks! Lakas ng tama mo ah. Bumabanat ka na." Kunwaring tawa ko sa sinabi niya at pinapaypayan ang sarili ko gamit ang aking kamay,

"ang init no?" Dagdag ko pa dito at pumuntang kitchen para kumuha ng bottled water.

"Dito ka ba tatambay Miss? Kasi kung oo, ikaw na lang mag bukas ng pintuan sa dalawa kong pinsan at mag papahinga muna ako." Saad ko sa kanya, akmang aalis na sana ako ng bigla niyang hinawakan ang aking braso kaya na pa harap ako sa kanya.

Kitang-kita ko yung madilim pero malungkot niyang mata at isama mo pa yung eyebags niya na halatang wala siyang maayos na tulog, sabagay ikaw ba naman may bebe at kapuyatan tuwing gabi sino ang hindi mag kaka-eyebags.

Sana all na lang talaga.

"What's your deal? You've been avoiding me for days, and it's driving me crazy. I can't sleep thinking about it." Saad niya sa akin, habang hilot hilot ang sintedo niya, hindi ko siya maintindihan.

Parang nung mga nakaraang linggo lang para akong may sakit at todo siya taboy sa akin, tas ngayon bigla siyang mag gaganyan.

Ano bang gusto niya? Maging kabit ako? No way!

"What do you mean po, Miss? diba po dapat matuwa pa kayo kasi ginagawa ko na yung pabor na gusto niyo. Ang tigilan ang pang gugulo ko sa inyo." Magalang na sagot ko sa kanya, kahit na para na akong iiyak habang sinasabi ko yun.

Tao din naman ako, nag mamahal at na sasaktan din.

"No. Non fermarti. Mi piaci." Mahina niyang bulong.

Kaya naman napakunot naman ako noo sa kanya, anong piinag sasabi niya? Hindi ko na lang pinansin ang sinabi niya.

"Miss, hindi ko maintindihan kung anong sinasabi mo, pero sorry po. Hindi ko naman alam na may jowa na pala kayo," saad ko sa kanya. "Edi sana hindi ko na lang kayo nilandi landi. Kaya sorry po talaga," pag hihingi ko ng pasensya sa kanya.

Agad naman niya akong tiningnan ng nag tataka at naka kunot ang noo na nakatingin ito sa akin, binabasa ang mga mata ko kung nag sasabi ba ako ng totoo.

Akala mo talaga may mababasa.

"What the hell are you talking about?" Kunot noong tanong niya sa akin.

"Na may girlfriend ka na?" Patanong kong sagot sa kanya.

"Girlfriend? Who? Why didn't I know that I have a girlfriend?" Naguguluhang tanong niya sa akin.

"Lah? The girl who was with you at my Tito's birthday, the one who was feeding you as if you were helpless and couldn't eat by yourself, and you let her do it even though Mommy was there." Inis na singhal ko sa kanya.

Addicted Love (EDITING & REVISING)Where stories live. Discover now