Chapter 3

2.4K 45 5
                                    

T H R E E
















Maaga akong na gising para mag ayos ng sarili ko, 8:30 am pa naman ang start ng first class ko pero until now hindi ko pa rin kilala kung sino ba ang professor namin sa iba ko pang subject.

3rd-year college student na ako, and taking BSA, minsan nga na papa-isip ako kung tama ba na Accountancy ang kinuha kong course.

Eh, hindi ko nga minsan ma-balance buhay ko.

Nag suot lang ako ng white tee, black sweater vest, black straight jeans, and white sneakers nilagay ko na din yung mga essential ko sa white cross body bag ko. Yung ibang gamit ko kasi ay nasa school at nilagay ko sila sa locker ko, so bale ang dala ko na lang ay laptop ko at sarili ko.

Tiningnan ko muna ang wrist watch ko kung anong oras na and it's 7 am pa naman kaya bumaba na muna ako, dahil may oras pa naman ako para mag breakfast.

Naka ready na din naman sa lamesa yung mga niluto nila Manang, nandon na din sila Daddy na kumakain at naka pang office na din sila na suot.

Agad ko silang nilapitan ko at isa-isa ko silang binigyan halik sa mga pisngi nila, after that ay umupo na din ako sa tabi nila at nag umpisa ng kumain.

"Good morning, Love. Are you ready to go to school today?" Tanong ni mommy sa akin, after she finished drinking her coffee.

"Yes, Mommy, I did advance reading on another subject. My head is already hurting," Naka nguso kong saad sa kanya.

The lecture hasn't started yet, but my brain feels like it's about to explode.

"That's okay, Love, but don't forget to take a rest, okay? It's okay if you just pass, no need to pressure yourself," saad ni Daddy sa akin, worried, as he put down the newspaper he was reading.

Hindi man sa pag mamayabang pero ang masasabi ko lang talaga ay, napaka swerte ko sa magulang ko.

Hindi man lang nila ako pinipressure sa mga bagay, lalo na sa pag-aaral ko. Hindi ko din alam kung ano ba ang ginawa ko sa past life ko at napaka swerte ko sa magulang ko.

"Anyway, may susuotin ka na ba sa birthday ng Tito mo?" Tanong ni Mommy sa akin, kaya naman tumango lang ako sa kanya.

"Yes Mommy, nung lumabas kami ni Juliana at Jade nung nakaraang araw. Bumili na din kami ng susuotin namin sa birthday ni Tito," sagot ko sa kanya.

"Mhh.. Nag kaka-mabutihan na ba kayo ni Juliana?" Tanong ni Daddy sa akin, at binibigyan ako ng pang-asar na ngiti.

"Nope. Daddy haha, mag kaibigan lang kami at hanggang dun lang yun." Sagot ko sa kanya at uminom ng hot chocolate milk.

"But you know Daddy, meron akong na gugustuhan ngayon." Dagdag kong saad sa kanila at naka ngiti pa habang sinasabi ko yun. "Pero hindi ko pa rin alam kung anong pangalan niya." Naka nguso kong dagdag sa sinasabi ko.




















































Nandito na ako sa parking lot ng University at sa hindi kalayuan ay nakita ko na ang kaibigan ko at pinsan kong si Jade na kasama na si Bianca na ngayon ay naka ngiting kumakaway sa akin.

Pareho lang kasi kami ng kinuha ni Jade na kurso, habang si Iris at Juliana naman ay marketing naman ang kinuha nilang dalawa.

"Amira Elise! kamusta?" Napa ngiwi naman agad ako sa boses ni Bianca, para din kasing naka megaphone ang boses ng isang 'to parang si Juliana lang.

Addicted Love (EDITING & REVISING)Where stories live. Discover now