T W E N T Y - F O U R
"Dream on, Kid. Tsk."
Isang malamig at nag babantang tono ng boses ang pag kakasabi ni Faye kay Nicolas, nakita ko naman ang pagka-gulat sa mukha ni kuya Jayden ng makita niya si Faye.
Ganon din naman ang iba.
Kabaliktaran naman ang reaksyon nila Juliana na may alam sa pag lalandi ko sa propesora ng Unibersidad.
"Ni-Ra LUBOG," simpleng pang-aasar ni Juliana kay Nicolas, na ngayon ay nakatulala lang ng makita si Faye.
Don't tell me, na stratstruck siya sa asawa ko at agad siyang nag kagusto dito. NO WAY! Agad kong hinila si Faye palayo sa kanya at lumayo sa kanila para kausapin siya.
"Hindi mo naman sinabi na pupunta ka na pala dito." Saad ko sa kanya at hinawakan ang kamay niya, pero ganon pa rin ang ekspresyon ng mukha niya naka pokerface at salubong ang kilay.
"I texted you, but you didn't reply. Triz and Chia were coming here, so I went with them," malamih na sagot niya sa akin at nakatingin pa rin sa gawi ni Nicolas, tumingin naman ako don at nakita ko din sila Miss Pascual na kausap sila kuya Jayden at mukhang kilala nila ang isa't-isa.
"Nag text ka ba? Hehe, sorry hindi ko na pansin nag-uusap kasi kami nila kuya Jayden kanina." Kamot ulo kong saad sa kanya.
"Tara? Balik na tayo don, hindi pa din kami nakakapag dinner." Pag-aya ko sa kanya, hinila ko na siya pabalik sa mga kasama namin.
Uupo sana si Nicolas sa tabi ko pero hindi ko alam kung sindya ba ni Faye at hinila niya ang upuan at siya na mismo ang umupo rito.
"Ginagawa mo jan, pre?" Nag tatakang tanong ni Jude sa kaibigan namin na nakaupo na sa sahig, hindi niya ata nakita ang ginawa ni Faye dito.
Patay malisya lang na tumingin si Faye sa kanya at malamig niya lang ito tinitigan, "Oh, sorry, were you supposed to be sitting here?" Tanong niya kay Nicolas na para bang ito na ang pinaka boring na ginawa niya sa buhay niya.
Ang weird naman ngayon ni Faye.
"Hun, sit down already. I'm famished." Tawag niya sa akin at tinap ang upuan na katabi niya, agad naman akong tumabi sa kanya.
Tumayo na din si Nicolas at masama niyang tiningnan si Faye bago tumabi kay Jude na katapat lang namin.
Nag umpisa na kaming kumain at grabe napaka sarap lahat ng niluto ni ate Elle. Buti na lang talaga at nandito ang tatlong propesora dahil napa-dami din talaga ang hinanda ni ate Elle ngayon.
"I didn't know you were back in the Philippines, Makenzie. When did you get back?" Tanong ni kuya Jayden sa kanya.
"Last month." Tipid na sagot niya dito, tumango-tango lang naman si kuya Jayden sa kanya at mukhang sanay na siya sa ganitong ugali ni Faye.
"Mag kakakilala kayo?" Curioirs na tanong ni Jade sa kuya niya, kaya naman tumingin na din kami kay kuya Jayden.
Ngumiti naman siya sa amin at tumango habang inaasikaso niya ang mag-ina niya.
"Yes, during our college days, they were classmates with Aki, so I knew them." Sagot ni kuya Jayden sa kanya.
Bigla naman ako nakaramdam ng panlalamig ng marinig ko ang pangalan ni Kuya, hindi ko alam pero nandito yung kaba at lungkot. Naalala ko na naman kasi ang sinabi niya sa akin nung gabi na yun.
"Grabe na mga revelation today ah." Saad ni Jade at kumuha pa ng kanin at ulam.
"May ire-reveal din ako," pakiki-sabat naman ni Miss Pascual. "Jade and I are getting married." Naka ngiting dagdag ni Miss Pascual dito, sabay hawak-hawak ang kamay ni Jade na agad din siyang binatukan.

YOU ARE READING
Addicted Love (EDITING & REVISING)
RomansaAmira Elise Valentine is a 3rd-year college student known in the university for her beauty, talent, and bubbly personality. She is also one of the inheritors of the Valentine family, whom people look up to. However, everything will change when their...