Chapter 10

1.6K 43 5
                                    

T E N










"Elise? Is that you?"

Agad namang bumaling ang atensyon namin ni Miss Sanchez sa lalaking papalapit sa gawi naming dalawa.

"Damn! It's you nga, long time no see, Elise." Masayang saad ni Jameson sa akin, tumayo naman agad ako para salubungin siya ng yakap.

"Omg! I miss you, Jame, I didn't know na naka balik ka na pala sa Pilipinas," bati ko sa kanya, pag katapos namin mag yakapan.

Jame, short for Jameson, was one of my closest classmates in senior high school. However, we lost contact when he continued his studies in Fashion Designing in Paris.

"I just arrived last week. I was busy because of my sister's upcoming wedding, and I was in charge of her gown and the bridesmaids' dresses. I only got some free time now, and, perfectly, I saw you here. Are you still playing music with your cousins like we did in high school and senior high?" Mahaba niyang saad sa akin.

"Ikakasal na si ate Cristin? Wow! Congrats kamo sa kanya pa sabi, and yes natugtog pa rin naman kami. Pero hindi na katulad ng dati, pag may pa event na lang ang school." Saad ko sa kanya.

Ate Cristin is my first-ever girl crush, grade 6 ata ako nung naging crush ko ang ate niya at yun din ang rason bat ko siya kinaibigan dati dahil sa ate niya.

"Yes, Elise sasabihin ko talaga kay ate yan na pinapasabi mo yan, and oh, ang swerte ko din naman pala at open ang stage ngayon sa mga gustong kumanta sa mini stage." Saad niya sa akin sabay tawa. "Anyway, hindi mo ba ako ipapakilala sa babaeng kasama mo?" Paniniko niya sa akin.

Agad naman nanlaki ang mata ko ng maalala si Miss Sanchez, nakakainis ang bad ko naman at nakalimutan ko ang future misis ko.

"Ayy.. Oo nga pala Jameson, si Miss Sanchez nga pala, soon to be wife ko." Pag pa pakilala ko kay misis sa kaibigan ko. "Misis ko, si Jameson nga pala, kaibigan ko nung senior high," agad namang inabot ni Jame ang kamay niya kay Miss Sanchez, pero tinanguhan lang siya ng asawa ko at hindi inabot ang kamay neto.

"Sige na Elise, aalis na lang ako at mukhang ayaw sa akin ng propesora mo haha," Nailing at natawa niya pang saad bago siya umalis.

Mag tataka na sana ako kung paano niya nalaman na propesora 'tong asawa ko, pero ng tiningnan ko siya naka i.d nga pala ang aunte niyo.

Mahal na mahal ang sarili niyang Unibersidad? Kaloka.

"It seems like you know a lot of people, Miss Valentine, and I wonder why if it's okay with you to be called by your second name." Walang emosyon na saad niya sa akin at may halong pag tatampo pa ang tingin na tinatapon niya sa akin.

Sabagay, ayoko naman kasi talaga na tinatawag na Elise dahil parang ang babaeng babae pakinggan, aware naman ako na maganda ang pangalan na Elise pero hindi ito bagay sa personality ko.

Since hindi naman ako mahinhin ay mas gusto ko pa ang Amira o Mira para anytime pwede akong manuntok ng mga gustong lumandi dito sa babaeng kasama ko na mapapangasawa ko.

"Makapal kasi mukha ng unggoy na yun asawa ko, nakakairita na nga minsan pero hinahayaan ko na lang." Sabi ko sa kanya at sakto naman dumating na din ang order namin.

Tahimik lang kaming kumakain ni Miss Sanchez sakto din at nasa gitna kami naka pwesto dahil kita din namin ang mini stage.

Nag umpisa na din tumugtog ang banda, kaya may iilan na sumasabay sa pag kanta.

Ang kina-gandahan kasi dito sa bahaghari mini-bar ay binibigyan nila ng chance ang mga gustong kumanta o tumugtog na nag uumpisa pa lang sa larangan ng musika.

Addicted Love (EDITING & REVISING)Where stories live. Discover now