S E V E N
Kanina pa ako pa gulong-gulong sa higaan ko, hanggang ngayon kasi ay kinikilig pa rin ako sa Ae na nickname na gawa ng Asawa ko.
Kanina pa ako pa ngiti-ngiti dito, habang naka tingin sa kisame ng kwarto ko at tumitili dahil sa sobrang kilig.
"Ae daw, short for Amira Elise." Sabi ko pa sa sarili ko, habang hawak-hawak ang labi ko at inaalala ang pag dampi ng labi ko sa makinis at malambot niyang pisngi kanina.
Kinuha ko muna ang cellphone ko para icheck kung anong oras na at laking gulat ko na lang na 11:30 pm na pala, kaya naman bumaba na muna ako at pumuntang kitchen para kumuha ng fresh milk para naman dalawin na ako ng antok ko.
Naabutan ko pa si Kuya sa kusina at nag titimpla siya ng kape, suot-suot pa rin ang damit niya na pinang-pasok niya kaninang umaga.
"Kuya," tawag ko sa kanya, ngumiti naman siya agad at siya na din kusang nag lagay ng gatas sa baso ko.
"Can't sleep?" Malambing na tanong niya sa akin, na agad ko namang tinanguhan.
Alam na alam niya na talaga ang gagawin o ibibigay niya sa akin, pag alam niyang hirap na hirap akong makatulog.
"Kuya nag papahinga ka pa ba?" Nag aalalang tanong ko sa kanya, paano ba naman kasi, imbis na mag bihis muna siya sa kwarto niya ay nandito na agad siya sa kusina dala-dala ang laptop at ibang paper works niya.
"Oo naman, sadyang madami lang akong dapat tapusin," Sagot niya sa akin at uminom ng kape.
Naka tingin lang ako sa kanya, habang iniinom ang gatas ko. Ma-itsura naman si Kuya, boyfriend/husband material nga kung tutuosin, pero hindi ko alam kung bakit wala pa siyang pinapakilala sa amin na babae.
Nauna pa nga ata ako sa kanya na mag dala ng babae dito sa bahay e. Hahaha.
"How is school going?" Tanong niya sa akin, habang may chinicheck siya sa laptop niya.
"School is great, nothing special going on." Halos pakikinig at pag take down notes lang naman ang ginagawa ko.
Except sa pag haharot ko kay Miss Sanchez.
"But..." Dagdag ko pa at pambibitin ko sa kanya, kaya naman tumingin ito agad sa akin at tumigil muna siay sa ginagawa niya. "I like someone, but I won't say who it is yet. You'll meet your future sister-in-law soon enough." Naka ngiti ko pang dagdag sa kanya.
"Mhh.. Interesting." Tango-tango at naka ngising pang-aasar na saad niya sa akin. "If I had known you were talking about Juliana..." dagdag niya pa at taas-baba pa ang kilay niya, habang sinasabi niya iyon.
"Woy! Hindi no, Juliana and I are just friends lang Kuya. can't you feel? Ate Elle and Juliana have a thing right now." Pag eexplain ko dito, hindi na talaga sila maka-move-on samin ni Juliana.
Kung sabagay si Juliana lang naman ang ka-una-unahan kong dinalang babae dito sa amin.
Yung mga ka-fling ko naman kasi dati ay never kong dinadala dito sa bahay.
"Mahal ko pa buhay ko Kuya, kaya itigil mo na yang kaka-Juliana mo at baka sapakin ka ni Ate Elle jan," Natawa naman si Kuya sa sinabi ko.
"I didn't know that Elle has a thing with your Ex and also it's okay with you, seeing your cousin having a thing with your first ex-girlfriend?" Curious na tanong ni kuya Aki sa akin.
"Wala pa naman na sapat na ibidensya Kuya, pero ayun kasi ang na nararamdaman ko na something silang and Yes, okay lang sa akin kung totoo man ang gaydar ko sa kanila haha. As long as masaya sila at nag mamahalan." Mahabang sagot ko sa tanong niya.

YOU ARE READING
Addicted Love (EDITING & REVISING)
RomanceAmira Elise Valentine is a 3rd-year college student known in the university for her beauty, talent, and bubbly personality. She is also one of the inheritors of the Valentine family, whom people look up to. However, everything will change when their...