Chapter 8

1.5K 43 2
                                    

E I G H T











Nagising ako sa katok na nag mumula sa pintuan ng kwarto ko, gusto ko mang bumangon pero hirap ako dahil sa hilo at sakit ng puson ko.

Tama nga ako, ngayon ang araw na mag kakaroon ako ng dalaw. Hindi man nag tatagal ng isang linggo ang dalaw ko pero grabe naman ang sakit ng puson ko, kahit na tatlo o apat na araw lang naman ang tinatagal ng red days ko.

"Kumain ka na Iha," sabi ni manang Tess sa akin, habang dala-dala niya ang pagkain at ang heating pads, nilapag niya na muna sa mini table ko ang mga dala niyang food. Bago niya ako tinulungan bumangon at makaupo ng maayos sa kama ko.

Pag katapos non ay inayos niya na ang bed tray at isa-isa inilagay ang mga pagkain na dala niya kanina.

Pumpkin soup, garlic butter salmon, at ginger tea, tamang tama lang para mag laway ako sa gutom.

"Ay, oo nga pala Iha, may nag pa deliver pala dito kani-kanina lang ng chicken nuggets at french fries. Hindi ko nga alam kung kaya mong maubos ang lahat ng yun haha." Nailing at natatawa na saad ni manang Tess sa akin.

"Ganon talaga si Kuya, manang haha. Minsan may pag ka-oa ang pag order, pero wait lang manang. Sinabi niyo ba kay Kuya?" Agad na tanong ko sa kanya, ganyan na ganyan kasi talaga si Kuya.

Nag pa padala talaga siya kasi talaga si Kuya ng mga alam niyang cravings ko lalo na pag meron ako.

Pero hindi ko pa naman siya sinasabihan, o baka naman sinabihan na siya nila Jade o si manang Tess ang nag sabi. Icha-chat ko na lang siguro si Kuya mamaya, after kong kumain.

"Hindi ko pa naman na sabihan ang kuya Aki mo, halika na at kumain ka na muna, at kukunin ko  lang ang pina-deliver ng kuya Aki mo sa baba at alam kong gusto mo na rin yun kainin." Saad ni Manang sa akin at iniwan muna ako sa kwarto ko.

Inumpisahan ko na din kainin ang mga hinandang pagkain ni Manang para sa akin at sinugurado ko din talaga na mauubos ko lang ang inihanda niya.

Lalo na yung garlic butter salmon na niluto niya, the best talaga at ang sarap! Inihuli ko yung ginger tea since ayoko ng lasa niya, pero alam kong wala akong karapatan mag reklamo dahil nakakatulong din 'to mabawasan ang sakit ng puson ko.

Sakto naman ang pag dating ni Manang at malapit ko na din maubos lahat ng hinanda niya, pag pasok niya ay dala-dala niya na ang nuggets at french fries na pina-deliver ni kuya Aki.

Agad na naman akong nag laway at na excite sa nakita ko, bago ko umpisahan kainin ang pina-deliver ni kuya ay kailangan ko muna siyang i-text at mag pa salamat sa pina-deliver niyang food.

To: Kuya Aki

Hi! My handsome loving Brother, thank you very much for 40 chicken nuggets and 2 bff french fries haha.


From: Kuya Aki

huh? Do you have menstruation right now lil sis? I didn't know. Sorry.

Ano? Kung hindi si kuya Aki? Sino nag pa-deliver ng mga 'to? Buti na lang talaga at hindi ko muna kinain at mamaya niya'n may lason pala ang mga 'to.

From: Kuya Aki

Hey! Lil sis. I already ordered you chicken nuggets and fries and sino ang nag pa-deliver sayo ng food cravings mo pag meron kang red days?

To: Kuya Aki

I don't know kuya, hindi ko na nga muna kinain baka mamaya niyan may lason pala haha. Lol.

Addicted Love (EDITING & REVISING)Where stories live. Discover now