Chapter 19

1.4K 34 0
                                    

N I N E T E E N







Nakabalik na kami sa condo namin at nakapag pahinga na din kami, 6 pm na din kasi natapos ang program ng Unibersidad, tanging na iwan lang don ay sila Iris at ang iba pang USC members at kasama na din don si Miss Jimenez.

Ang kasama ko sa kwarto ay si Jade at si Juliana at sa kabilang kwarto naman ay si Iris at si ate Elle, tapos sa pangatlong kwarto na dapat kwarto ni Jade ay ang tatlong propesora.

Ayun na kasi ang na pag usapan na mag sama-sama na lang kami sa iisang condo dahil sa nangyari samin nila Iris.

"Hoy! Mira ko, dapat ito ang isuot mo. Para easy access na lang pag may emergency na ganap." Pang-aasar ni Juliana sa akin, habang hawak hawak ang contrast trim strappy dress na dala-dala ko.

Maganda naman ito makikita yung magandang hugis ng katawan ko at makikita onti sila miya at maya pag sinuot ko to, pasok din ito sa panahon ngayon lalo na at medjo mainit ngayon at ang balita ko ay dito lang din kami kakain sa hotel na pag mamay-ari niya.





Kinulot ko lang yung mga dulo ng buhok ko at nilugay ko ito at suot ko yung dress na kanina pa pinipilit na ipasuot sa akin ni Juliana kanina, nag kilay lang ako at lipstick para fresh tingnan.

"Dinner lang couz ah, baka mamaya hindi ka makapag pigil sunggaban mo agad si Miss Sanchez. Knowing you pa naman patay na patay ka sa isang yun," pangangaral ni Jade sa akin at tinitingnan ang kabuohan ko.

"Noted, Couz, dinner muna bago ang asawa ko hihi," hagikgik kong saad sa kanya, kinuha ko lang ang cellphone ko at nilagay sa maliit kong bag.

Pag bukas ko ng pintuan ng kwarto ay sakto din na kakatok na sana ang aking magandang asawa sa kwarto namin.

"Let's go?" Namumulang tanong niya sa akin habang naka tingin sa kabuohan ko, nahuli ko pa siyang na pa lunok ng ilang beses at agad umiwas ng tingin.

Agad niyang nilagay ang kamay niya sa likod ko at inalalayan ako na bumaba sa hagdanan kahit na hindi naman gaanong mataas ang heels na suot ko, pag baba namin sa sala ay sakto at nakita ko si ate Elle na kakarating lang pero hindi niya kasama ang kapatid niya.

"Take care of my cousin, Makenzie," seryosong bilin niya sa propesora na agad din tinanguhan ng isa.

Hinalikan ko lang ito si ate Elle sa pisngi niya at nag paalam na.

"Kumalma ka lang jan ate Elle, sa taas lang naman kami ng hotel niya mag didinner." Bulong ko pa sa kanya na agad naman niyang kinatawa ng mahina.

Pag labas namin ng condo ay nakita ko pang pinagsabihan niya ang mga taohan niya na naka bantay sa labas ng condo namin, pag katapos non ay sumakay na kami sa elevator na tanging VIP lang ang may access dahil need mo pa ng black card para makasakay dito.




Pag bukas ng elevator ay may dinaanan pa kaming mahabang pasilyo patungo sa malaking itim na dalawang pintuan, may naka abang pa na dalawang malalaking lalaki na naka suot ng itim na suit at pinagbuksan kami, bahagya pa silang yumoko sa kasama ko.

Namangha ako sa ganda ng rooftop ng hotel para kasi akong nasa malaking garden dahil sa punong-puno ito ng mga sunflower na naka palibot sa gilid, at mga mumunting lantern na nag bibigay liwanag at kasama ang malaking buwan na dumadagdag dito.

Napaka aliwalas din ng langit at makikita mo ang napakaraming mga bituin kaya ang ganda mag stargazing kung gugustuhin mo man.

Dito ko din na pansin na may maliit na round table at dalawang upuan lang ang nandito at pinalilibutan ng mga nag gagandahang sunflower at pulang rosas.

"Did you like it?" Tanong niya sa akin, habang inaalalayan niya akong umupo sa aking upuan bago siya umupo sa tapat ko.

"I–I freaking love it, Faye," Ssgot ko sa kanya, hindi naman nakatakas sa mata ko ang pamumula ng pisngi niya ng tawagin ko siya sa pangalawa niyang pangalan.

Addicted Love (EDITING & REVISING)Where stories live. Discover now