T W E N T Y - T W O
Reminder: +18
Nandito ako ngayon sa library at ngudngod sa pag rereview, kakatapos lang din ng unang subject na in-exam namin kanina. Kaya naman nag desisyon ako na mag-aral na lang since may dalawa pa kaming subject ngayong araw.
Si Bianca lang ang kasama ko ngayon sa library dahil si Jade kasi ay umalis muna at may aasikasuhin daw siya, hindi naman niya sinabi kung saan at kung ano ang aasikasuhin niya.
"Mira, kainin mo muna to, wala pa tayong kain simula kaninang umaga," saad ni Bianca sa akin at binigay ang egg sandwich na ginawa niya pa.
Tiningnan ko naman siya ng makita na dalawa ang sandwich na meron siya habang ako naman ay isa lang.
"Lah? Binigay ko na sayo yung isa ko, kahit alam ko na kulang sa akin 'tong dalawa." Pag tataray niya sa akin ng mapansin niyang nakatingin ako sa dalawang sandwich niya.
Tinawanan ko na lang siya sa pagiging patay gutom niya haha. Kahit kailan talaga napaka patay gutom. Charet!
"Oo na! Thank you sa sandwich." Pag papa-salamat ko sa kanya at kinain na ito habang nag rereview ako, tanghali na din kasi at nakalimutan ko na din kumain ng umagahan kanina at na late din ako ng gising kaninang umaga.
May 1 hour vacant pa kami, pero tinatamad na rin akong pumunta sa canteen para kumain.
Hindi din nakakatulong yung pag kain ko ng sandwich na binigay ni Bianca sa akin, nahihilo pa rin ako at ang kailangan ko siguro ng heavy meal.
"Nahihilo ka na naman ba?" Nag aalalang tanong ni Bianca sa akin.
Tumango tango na lang ako sa kanya habang hawak ang sintedo ng ulo ko.
"Late ka na naman siguro na tulog at for sure, hindi ka na naman kumain bago pumasok." Pag lilitanya niya sa akin at kinuha ang wallet niya sa bag niya at tumayo.
"Bibili lang muna ako ng food sa canteen para makakain ka ng heavy meals today." Saad niya sa akin at hindi na hinintay ang sagot ko, tumalikod agad siya at umalis.
Itinigil ko na din muna ang pag babasa ng mga ginawa kong notes kaninang madaling araw at nag pahinga habang hinihilot ang sintedo ng ulo ko.
Simula kasi ng makabalik na kami sa manila ay naging busy na ako sa pag rereview dahil thursday din agad ang exam namin, buti na lang talaga at na isipan nila Faye na mag eroplano na lang kami pa balik ng manila kaysa mag bus.
Kaya may oras din ako makapag pahinga kahapon at makapag review ng mga topic na pwedeng lumabas mamaya, kaso ang problema nga lang ay nag enjoy ako kakabasa ng mga notes na ginawa ko kaya na late ate din ako nakatulog.
Idagdag mo pa ang napaka ingay sa gc namin mag pipinsan, dahil biglaan na agad ang na lalapit na kasal ng kuya nila Jade na si Kuya Jayden.
At alam ko hindi ito magugustuhan nila Lola pag nalaman nila ang plano ni Kuya at panigurado gulo ang mangyayari.
"Ang bilis mo naman Bianca." Saad ko sa kanya ng maramdaman ko ang presensya niya sa tapat ko, nakahiga kasi ulo ko sa lamesa at naka pikit para ipahinga muna ang mata ko.
"Tsk." Saad niya sa akin, kaya naman na pamulat agad ako ng mata ko at napa ayos ng upo.
"Misis ko, ikaw pala yan hehe." Nahihiyang kong saad sa kanya at inaayos ang gamit ko, pero ang sexy na propesora ay inirapan lang ako.
Hays.. Grabe na miss ko siya, simula kasi nung nakauwi na kami sa manila, hindi ko na rin siya nakausap at ngayon na lang din kami nakapag kita dahil ang busy namin ngayon.

YOU ARE READING
Addicted Love (EDITING & REVISING)
RomanceAmira Elise Valentine is a 3rd-year college student known in the university for her beauty, talent, and bubbly personality. She is also one of the inheritors of the Valentine family, whom people look up to. However, everything will change when their...