E I G H T E E N
Nag unat-unat ako habang nakahiga sa malambot na kama, hindi ko pa minulat ang mata ko dahil parang gusto ko pa sanang matulog, pero parang ang haba na din ata ng tulog ko ngayon.
At nakaka pag taka kung bakit nasa kama na ako nakahiga, e kanina lang nasa sala kami at nanunuod at nilalantakan ang cake na bigay ni Miss Pascual kay Jade.
Mayamaya lang ay nakaramdam na ako na may lumapit sa gawi ko, dahil sa tunog ng takong niya na tumatama sa tiles ng kwarto.
Ang pamilyar ng amoy niya, tama lang para makaramdam ako ng kaka-ibang kiliti sa aking t'yan na hindi ko malaman kung anong dahilan.
"Good to know that you're awake." Isang malambing na boses ang narinig ko at hindi ako nag kakamali na galing iyon sa asawa ko.
Agad naman ako napabalikwas ng higa ng marinig ko ang boses niya, anong ginagawa ng isa ito dito? Excited ba siya sa date namin mamaya, kaya nandito siya?
"Hey, what's wrong? Does something hurt?" Nag aalala niyang tanong sa akin at inalalayan akong bumangon ng maayos.
"Bakit nandito ka? Ikaw ba nag dala sa akin dito?" Agad na tanong ko sa kanya at napa hawak sa aking ulo, dahil sa hilo na naramadaman ko para kasing umikot yung nasa paligid ko.
"Drink this, Ae." Abot niya sa akin ng tubig na agad ko din tinanggap.
Hindi niya man lang sinagot ang tanong ko, ang hilig niya talaga mag bingi-bingihan pag tinatanong siya.
Pag katapos kong inumin ang tubig na bigay niya ay tatayo na sana ako para mag ayos, dahil alam ko namang lalabas kami ngayon.
Kaya nga nandito siya eh, para sunduin ako.
"What are you doing?" Nag tatakang tanong niya sa akin, kaya naman na pa nguso akong humarap sa kanya.
May amnesia ba siya? At nakalimutan niyang niyaya niya akong lumabas kanina.
Nakakainis na ah.
Alam ko naman na napasarap ang pag tulog ko dahil ang dilim na sa labas at ang usapan namin ay 4 pm kami lalabas.
"Diba lalabas tayo? Hehe. Okay lang ba kung ngayong gabi na lang natin ituloy? Napasarap kasi tulog ko." Kamot ulong kong tanong ko sa kanya, agad naman lumambot ang mukha niya ng tumingin sa akin.
"Regarding that, we can do it tomorrow or later in the evening, since it is already midnight," naka ngiti niyang saad sa akin, kaya naman kunot ang noo ko ng tiningnan ko siya. "I know that look, haha." Natatawa niya pang dagdag, pero nandon pa din ang pag tataka ko sa sinasabi niya.
"Come on, let's go down, Everyone else is already there. Elle and Juliana are there too. We have something to discuss." Saad niya sa akin, sabay hawak sa aking kamay at sabay na kami lumabas ng kwarto. "I think your two cousins are awake as well." Dagdag niya pa, habang na iling, paano ba naman rinig na rinig na agad namin ang boses ni Jade at Miss Pascual na nag sasagutan na naman.
"Ano ba yan Ma'am, ikaw na nga bumungad at yang nakakatakot mong ngiti, mag tatanong ka pa ng kung ano-ano." Dabog na upo ni Jade sa tabi ni Juliana, habang ang isa namang propesora ay nakasunod lang sa kanya.
Umupo naman kami ng asawa ko sa kabilang sofa na tapat nila Iris at Miss Jimenez na seryoso na nag uusap.
"Ano bang tanong sayo ni Miss Pascual?" Pakikisali ko sa kanilang dalawa, naka busangot naman na humarap si Jade sa gawi ko.
"Ito tanungin mo, ewan ko dito, nag tataka na ako kung humihithit ba 'to. At ang lakas ng amats at ako ang bunot araw-araw pag nakikita niya ako." Inis na saad ni Jade sa akin.
![](https://img.wattpad.com/cover/368701908-288-k391825.jpg)
YOU ARE READING
Addicted Love (EDITING & REVISING)
RomanceAmira Elise Valentine is a 3rd-year college student known in the university for her beauty, talent, and bubbly personality. She is also one of the inheritors of the Valentine family, whom people look up to. However, everything will change when their...