F O R T H Y
Ang daming nag daan na araw at finally na tapos din ang puyat at pagod kaka-practice. Kakatapos ko lang na mag perform sa stage at hindi mawala-wala ang ngiti ko sa labi ko ng lahat ng kapwa ko studyante ay sumasabay sa akin kanina na kumakanta.
Hinanap agad ng mata ko si Faye na ngayon ay salubong ang kilay na nakatingin sa suot ko na damit.
Naka long sleeve stripped printed shirt kasi ako at binuksan ko kanina ang botones nung nag pe-perform ako, kaya kita ang triangle brealette ko na skintone ang kulay.
"You were great, Miss Valentine. Congratulations, and thank you for performing." Masungit na saad niya sa akin, habang pa minsan-minsan ang tingin niya sa suot ko.
Ngumiti naman ako sa kanya at hindi pinansin ang pag susungit niya sa akin, binati naman siya nila Maki pero tango lang ang sinagot niya dito.
"Thank you po, Miss Sanchez. Basta sa Unibersidad gagawin po namin lahat." Nakangiti ko na pasasalamat sa kanya.
Hindi naka ligtas sa mata ko ang pag irap niya sa suot ko.
"I would like to talk to you personally, just the two of us. If it's okay with you, can we talk in my office?" Seryoso niya na tanong sa akin at na una ng umalis sa harapan ko. Hindi man lang niya inantay ang sagot ko.
"Maki, mauna na kayo, susunod na lang ako sa inyo. Basta pa send na lang sa akin yung location niyo." Paalam ko sa kanila.
"Sige, Mira. Isesend ko na lang sayo mamaya ang location." Nakangiti niyang sagot sa akin.
Nagkaruon kasi ng yayaan kahapon at na pag usapan namin na mag sasamgyup kami sa labas, kapag na tapos at na tawid namin ng maayos ang performance namin kanina.
"Ingat kayo!" Saad ko sa kanila at kumaway pa bago ko sila talikuran, para puntahan ang manliligaw ko na nag susungit na naman.
Pag pasok ko sa opisina niya na abutan ko lang siya na nakaupo sa lamesa niya at seryosong nakatingin sa akin.
"Lock the door." Aagd na utos ni Faye sa akin.
Pag katapos ko ilock ang pintuan ng opisina niya ay agad ako na pa lunok ng pa ulit-ulit dahil sa kung paano niya ako titigan.
"Can you please button up your outfit? You look extra hot today and I might give you a mark." Dagdag niya pa na saad sa akin.
Ngumuso naman agad ako sa kanya at sinunod ang gusto niya, kahit na namumula na ang mukha ko sa sinabi niya at kung paano niya ako titigan.
"Good." Nakangiti niya pa na sabi sa akin at lumapit na sa gawi ko para yakapin ako. "You were amazing earlier, and I'm so proud of you." dagdag niya ng humiwaly na siya sa yakap naming dalawa.
Kitang-kita ko sa mata niya na proud na proud siya sa akin ngayon.
Agad ako na pa hawak sa dibdib ko ng mag simula na naman bumilis ang tibok ng puso ko, dahil lang sa simple na ngiti na ginagawa niya sa harapan ko.
"As the days go by, I have more rivals for your attention." Saad niya pa sa akin, habang naka nguso, napakagat naman ako sa labi ko para pigilan ang pag ngiti sa ka-cutetan na pinapakita niya ngayon sa harap ko.
"And as time goes on, I want to prove to you that I'm worthy of being both your lover and suitor." Seryoso niya pa rin na saad sa akin, habang nakatitig pa rin sa mata ko.
"Ang init! Jusko!" Saad ko sa sarili ko at pinaypayan ko ang sarili ko gamit ang kamay ko.
Bigla kasi na uminit ang buong sistema ko ng makita ko ang mahinang pag tawa ni Faye ng mapansin niya na namumula na ako sa kilig dahil sa mga sinasabi niya.

YOU ARE READING
Addicted Love (EDITING & REVISING)
RomanceAmira Elise Valentine is a 3rd-year college student known in the university for her beauty, talent, and bubbly personality. She is also one of the inheritors of the Valentine family, whom people look up to. However, everything will change when their...