One: When tahong meets boner...
"Class dismissed... 'wag niyong kalimutang dalhin 'yung index card niyo bukas." sabi ng instructor bago ito tuluyan umalis sa klase.
Nagsitayuan naman na sila habang si Alexis ang isinisilid ang binder nito sa bag.
"Hoy bading!" agad na lumingon ang kaniyang ulo kay Jasmine, ang loka-lokang best friend niya.
Bahagyang siyang nginitian ni Alexis bago tumayo mula upuan nito. "Bakit ngayon ka lang?" tanong niya.
Napabungisngis naman ang dalaga sa kaniya. "Puyat ako kagabe, nga pala may open party mamaya. Sama ka?" sambit niya habang nakangisi.
Nagkibit-balikat lang ito at saka isinukbit ang bag sa kaniyang balikat. "Saan?"
"Doon sa bahay nung tourism student, nalimutan ko na pangalan eh." napapakamot sa ulong sagot ni Jasmine.
"Sige pero sandali lang ah?"
"Nice!" nag apir naman silang dalawa at sabay na naglakad ng hallway papunta sa kanilang next subject.
Nursing student siya at first year college pa lamang. Ito ang ginusto niyang kurso mabuti nalang ay napaka-supportive ng magulang niya sa kaniya kaya hindi na siya nahirapan pang pumili.
Mahal ang tuition ng university at scholar din siya rito, though they're already rich, nakakatulong naman ito sa pag-aaral niya at dahil doon ay nagiging active siya sa mga programs and event participation.
Saktong papasok nila ng room ay nandoon na ang teacher at nagpapa-attendance sa klase. Nakikinig lang ng mabuti si Alexis sa discussion at nagre-raise naman ng kamay paminsan-minsan kapag alam niya ang sagot. Makalipas ang ilang oras ay wala na silang klase.
Maaga pa naman kaya saglit na muna silang tumambay sa cafeteria para magmeryenda.
"Anong oras pala 'yung party na binanggit mo kanina?" Alexis asked before sipping his iced tea.
"6 pm hehe, sabay tayo ah? Alam ko 'yung address eh."
"Okay, sunduin nalang kita sa bahay niyo mamaya."
"Ayos! Pasabay na din mamaya. Wala akong sundo ngayon eh, nagbakasyon kase 'yong driver namin sa probinsiya nila."
Alexis nodded his head. "Sure, no prob."
***
Dumating ang hapon, panay ang sulyap ni Alexis sa kaniyang relos. Malapit nang mag-ala sais, mabilis niyang iniligpit ang mga kalat niya sa kaniyang kwarto at pumasok na sa banyo para maligo.
He decided to wear a black polo and pants, iyan nalang dahil hindi naman siya magtatagal doon. Pinasadahan niya ng tingin ang kaniyang sarili sa harapan ng malaking salamin.
Alexis combed his hair as he tossing them to the side, napasulyap siya sa glasses nitong nakalapag sa vanity.
He let out a deep sigh at napailing. "Huwag nalang." tukoy niya rito, hindi na muna siya magsusuot ng salamin ngayon. He will be attending to a loud party at walang mag-aaral doon.
Nagwisik siya ng kaniyang pabango bago bumaba.
"Dinner's ready." anunsiyo ng mama niya sa kaniya.
"Oh may lakad pala ang prinsesa slash prinsepe namin ah." biro naman ng kaniyang papa habang hawak ang diyaryo nito.
Hapon na pero nagbabasa parin siya ng newspaper...
Napangiti si Alexis sa kanila. "Yes paps, saglit lang po ako." sambit niya saka sunod na binalingan ang kaniyang mama. "I'll drive my car." paalam niya.
BINABASA MO ANG
He Pops A Cherry!
RomanceCuriosity. Night club. Wild and drunk. What if a virgin gay meets the hottest girl in the class? *** Disclaimer: This story is written in Taglish. Cover Art by A.K.B Started: June 19, 2024 Completed: -