Chapter 9

81 5 0
                                    

A/N: Yay, here's the update! Very raw dahil tinamad na akong mag check ng typos. By the way, ingat po sa mga nabahaan dyan. Stay safe Veris!

Warning: SPG. INGATAN ANG INOSENTENG UTAK AT MATA! HAPPY READING HAHA!

Nine: Crazy In Love

“Hey! It's friday!” masayang bungad ni Jasmine habang tumatalon pa sa tuwa.

Napasimangot sa kaniya si Alexis. “Then what if friday ngayon?” pinasadahan niya ng tingin ang kaibigan at sabay na nailing.

Napairap ang dalaga, “Duh? Syempre let's go in the club later! Skip mo na muna ang study mamayang gabi. Lorelai invited us to join them 'no?”

Mas lalong nailing si Alexis sa kaniyang sinabi. “Ugh! Ayokong sumama.” tanggi niya agad at napairap rin sa ere. Kumuha siya ng aklat sa bookshelf at tinalikuran si Jasmine.

Napasimangot ang dalaga sa naging sagot niya at tuloy na bumuntot dito. “Ang kill joy mo talaga bading! Sulitin mo na ngayon ang paglabas-labas natin, naku stress na tayo sa susunod na araw. Malapit na naman ang midterm exam!” mahina niyang asik at saka sinulyapan ang librarian. Buti nalang ay abala ang atensiyon nito sa monitor ng computer.

Muling humarap si Alexis sa kaniya. “Makakalabas ka naman ng wala ako—”

“Eh dapat kasama ka, we're friends.” nanlaki ang mga mata ni Jasmine at saka hinila-hila ang dulo ng uniporme niya.

Nairita naman si Alexis dahil sa ginagawa nito. He let out a deep sigh at saka mariing pumikit. “Okay, fine!” basta ayaw na niyang maulit 'yong nangyari noon sa kaniya. Muling bumalik ang ala-alang iyon sa isipan ni Alexis.

Ewww super kadiri! Bigla siyang kinilabutan.

“Yes, sabe mo 'yan ah?” malakas na sigaw ni Jasmine dahilan para suwayin sila ng librarian.

Masama ang tingin nito sa kanila. Humingi naman ng paumanhin ang dalaga at mabilis silang lumabas doon.

Malakas na natawa si Jasmine nang tuluyan na silang makalayo sa library. “Grabe, nakakatakot talaga 'yung nagbabantay roon. Parang mananaga eh.”

“Ikalma mo kase ang kipay mo.” napapangiwing sambit ni Alexis sa kaniya. Maarte niyang binitbit ang librong hawak niya habang naglakad sila ng hallway. Maingay ang paligid dahil karamihan sa kanila ay vacant time rin nila.

“Excited na ako, it's been a while since I got drunk. Last noong party ni Lorie eh.”

Hindi naman kumibo si Alexis sa tabi niya.

“May naisip ka na bang outfit bading? Ako wala pa HAHAHA.” humalakhak siya ng napakalakas.

He clicked his tongue. “Hintayin mo, magsusuot ako ng bikini roon.” sarkastiko niyang sabi.

Napangiwi si Jasmine. “Edi ikaw na ang main character.” biro naman nito.

Natawa naman si Alexis. “Basta, I will wear what's comfy.”

“Hoy hindi pajama party ang pupuntahan ah?”

“Oo, gaga 'to! Kung hindi ka lang mapilit eh hindi talaga ako sasama.” lalo na't nandun si tahong!

Napangisi nalang si Jasmine sa kaniya.

***

Lunch break...

“Hi!” nakangiting bati ni Lorelai kay bakla.

He just rolled his eyes on her. Nagkibit-balikat nalang ang dalaga sa inasta nito.

He Pops A Cherry!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon