Chapter 11

73 8 0
                                    

A/N: Raw update at fresh from the brain haha! Enjoy! 

Eleven: Suitor

Makalipas ang ilang araw, naging mailap si Lorelai mula kay Alexis na para bang gusto niya itong iwasan.

Nagtataka naman si bakla kung bakit ganun nalang kalamig ang pakikitungo ng dalaga sa kaniya. He's not used to it because Lorelai always teasing him whenever he's around.

But on the back of his mind, he's also relieved because of that.

Tahimik si Lorelai at tulala sa pagkain niya. She's not eating it at kanina niya pa nilalaro iyon gamit ang tinidor nito.

Napaiwas ang mga mata ni Alexis mula sa kaniya ng mag-angat siya bigla ng ulo. She let out a deep sigh.

“Okay ka lang?” nag-aalalang tanong ni Jasmine sa kaniya ng mapansing walang gana si Lorelai.

She nodded her head slightly. “I'll gotta go, may gagawin pa pala ako.” she stood up at kinuha ang hand bag mula sa table.

Sumulyap siya sa kaniyang kapatid. “Sunod ka nalang brother.”

“You didn't eat your food—”

“My stomach is upset eh.” bahagya siyang ngumiti sa kanila at saglit na tiningnan si Alexis na ngayon ay pinapanood siya.

Ano ba ang nangyayare kay tahong? Wala naman akong ginawang masama sa kaniya, arte!

“See you at the parking lot guys.” paalalam niya at saka umalis na.

Palihim na napasimangot si Alexis nang makaalis na si Lorelai mula sa kanila.

Sinundan naman nila ito ng tingin papaalis hanggang sa makalabas na ng tuluyan ang dalaga sa cafeteria ng nursing department.

Parang nakonsensiya tuloy si bakla sa nangyari. Parang may kasalanan siya pero hindi naman niya alam kung ano 'yon.

Baka nag papansin lang ang tahong na iyon! Pake ko ba?

He shook his head to clear his mind at saka itinuon nalang ang atensiyon nito sa kaniyang lunch.

Busy namang nag-uusap ang mag jowa kaya nakinig nalang siya sa topic nila.

Dumating ang hapon at biglang umulap ang kalangitan. Mukhang uulan na naman ata buti nalang ay may dala na siyang payong.

“Last subject na!” tuwang-tuwa naman si Jasmine sa tabi niya.

“Oo at excited ka na niyan?” sarkastikong tanong ni Alexis.

“Of course, may date kami ngayon eh.” kinikilig namang aniya.

Napairap si bakla at napahalukipkip. “Sige, inggitin mo pa ako.”

“Nga pala, ba't ganun si Lorie kanina? Nag-away ba kayo?”

“Ba't naman kami mag-aaway? Close ba kami?”

Nag chukchakan na nga kayo eh! Sigaw naman sa isipan niya.

Naningkit ang mga mata ni Jasmine at mariin siyang tinitigan. “Baka naman...” bitin niya sa sasabihin nito.

“A-Ano?” nanlaki ang mga mata ni Alexis.

“Baka...” napatikhim siya.

“Na baka ano?!” naiinip niyang sambit.

Napangisi bigla si Jasmine, animo'y nanunukso na naman. “Na baka... nagsawa na siya sa'yo kaaasar. Pakipot ka kase masyado eh.” napangiwi pa ang dalaga sa kaniya.

He Pops A Cherry!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon