Chapter 2

101 4 1
                                    


Two: Ikaw na ba si Mr. Right?

“A-Ano?! BWAHAHAHA!” namuntawi ang malakas na pagtawa ni Jasmine habang tinatambol ang armchair nito.

Napapairap nalang si Alexis sa kaniya.

“Ang swerte mo naman kung ganun, bading na 'to!” nanlaki ang mga mata ng dalaga at hindi parin maka-get over sa nangyari.

“Duh? Anong swerte dun? Napahiya pa nga ako eh. She gave me a fucking boner and how dare she calls me that?” kumalumbaba siya sa table niya.

“Hoy, sa arte nun iilan palang ang naka boombayah niya 'no? Sobrang choosy ni Lorie pagdating sa lalaki—ay tapos bakla ka pa! Akalain mo 'yon? HAHAHAHA!” malakas pang kantsyaw ni Jasmine dahilan para mapatingin ang ilang kaklase nila sa kaniya.

Agad siyang napaayos ng upo, “Tsk! Shut up, impaktang 'to!” napanguso si Alexis at binuksan ang face powder niya mula pouch. Nag-apply siya ng konte sa kaniyang mukha. “Saka, hindi ko naman ginusto 'yon, lasing lang ako kaya I did that.” depensa niya. “Muntikan na akong ma krung krung doon, may halong gayuma 'yung alak. I don't know kung bakit mabilis niya akong nakumbinse--”

*Krung krung(baliw)*

Napahagikhik ng mahina si Jasmine habang tutok ang atensiyon sa cellphone nito. Kanina pa pala siya hindi nakikinig sa kaniya.

Malakas ang nagawang pagbuntong hininga ni Alexis. “Paano ka pala nakauwi kagabe?” pang-iiba niya sa topic.

“Ha? Ano... kay Louis ako nagpahatid.” nakangiting sagot niya at muling nagtipa ang mga daliri sa phone nito.

“Sino naman 'yon?” curious na tanong ni Alexis.

“New fuck buddy ko.” proud namang sagot niya.

“Yuck!” nandidiri naman ang hitsura ng mukha ni Alexis at nagpatuloy sa kaniyang ginagawa.

“Sus, kung makita mo lang siya ngayon dito baka mabawi mo 'yang yuck na sinasabi mo. He's oh so yummy and gwapo 'no!”

“Whatever!”' he snorted while rolling back his eyes.

Nagme-make face nalang si Jasmine sa kaniya. Kapagkuwan ay nagsimula na naman ang klase nila.

***

“Saan tayo?” tanong ni Jasmine bago tumayo mula sa table nito.

Napaisip naman saglit si Alexis at nagkibit-balikat. “Wit ko knows.” he shortly replied at mukhang nabo-bored.

“Pupunta ako kay Louis eh, pwede ka namang sumama kung gusto mo.” nakangisi si Jasmine at saka isinabit ang shoulder bag nito sa balikat.

Louis? 'Yung ka fukfuk niya?

Napasimangot kaagad si Alexis. “Sige para matingnan ko kung papabols ba talaga 'yon.” umismid siya at dali-daling tumayo.

“Oo naman, super...” kumindat pa ang dalaga sa kaniya habang napapairap naman si bakla.

Nagtungo sila sa tourism department. Panay ang tingin ni Alexis sa mga dumadaang pogi. Totoo nga ang haka-haka, madami ngang papabols dito. Nawala naman kaagad ang pagkabagot niya at napalitan iyon ng excitement.

“Mukhang dito na ang tambayan natin palagi impakta! Daming chopopo!” mahinang bulong ni Alexis habang nakangiti. Para siyang nakakita ng kayamanan sa paligid. Well, mga lalaki lang naman ang itinuturing niyang kayamanan.

*Chopopo(Gwapo)*

Natawa naman ang kaibigan niya sa kaniya. “Sabe ko kase sa'yo. Naku, makita mo lang si Louis baka maglaway ka!” biro pa ng dalaga at napahagikhik.

He Pops A Cherry!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon