Three: My Alexa
Maagang papasok si Alexis ngayon dahil may gagawin siyang importante sa school, kaya naman ang kaibigan niyang si Jasmine ay napilitang gumising ng maaga para sumabay sa kaniya.
“Borlog ka pa?” tanong ni Alexis habang isinusuot ang seatbelt nito.
*Borlog(tulog)*
Napailing-iling naman si Jasmine at humikab. “Oks lang, medyo gutom lang.” sagot niya.
Inabot naman kaagad ni bakla ang Tupperware na may lamang sandwiches. “Oh lafang ka muna, baka mahimatay ka.” napangiwing saad niya at saka binuhay ang makina ng sasakyan.
Tipid namang napangiti ang dalaga rito. “Salamat sisterat!” she quickly shoved the bread on her mouth.
Napapairap naman siyang inilingan ni Alexis. “Ang tamad-tamad mo kase eh.”
“Kaya nga salamat dahil may dala ka.” sabi niya at natawa.
Mabilis nilang binaybay ang kalsada, walang gaanong traffic dahil maaga pa naman. Sabay silang pumunta sa office at saka ipinasa ang ilang paper works na ginawa ni Alexis.
“Ano ayos na?” agad na napaayos ng tayo si Jasmine nang makalabas si bakla mula sa office.
Malawak naman siyang nginitian ni Alexis. “Yes, gorabells!” masayang saad niya at ikinalawit ang braso niya kay Jasmine. Nagtuloy silang umalis sa lugar at nagtambay na muna sa malawak na football field.
Umupo sila sa artificial grass. “May quiz pa pala tayo sa first subject eh.” napanguso ang dalaga at napakamot sa ulo.
“Edi mag aral na tayo kung ganun.” mabilis namang inilabas ni Alexis ang notes niya sa biochem.
“Nakakabobo...” malakas ang nagawang pagbuntong hininga ni Jasmine.
Napairap si bakla sa kaniya. “Magbasa ka, review. Wala munang kopyahan ngayon HAHA.” pang-aasar niya dahilan para mas lalong mamroblema ang mukha ng dalaga.
“Sus, hintayin ko nalang si Louis.” napanguso niyang sabi.
“Game! Sabihin mo, bilisan niya.” malandi namang utos ni Alexis at saka inayos kunwari ang suot niya.
Mabilis pa sa alas kwatrong naglagay siya ng pampaganda sa mukha niya. Nagpahid siya ng konting liptint sa labi.
“Ay... ay, ready na ha?” buyo ni Jasmine rito at bahagyang natawa.
“Yes na yes, magpapaganda ang prinsesa para sa prinsepe niya.” untag ni bakla at saka muling sinipat ang hitsura sa maliit na salamin.
Pailing-iling nalang si Jasmine sa kalandian ng kaibigan niya. Grabe 'tong baklang 'to!
“Maganda na ba ako?” kapagkuwan ay tanong niya habang pumipilantik ang mga daliri't pilik mata nito. Nagpo-posing pa.
Napabusangot si Jasmine sa kaniya. “Okay na 'yan.” tipid niyang sagot nang biglang mag-ring ang cellphone niya mula sa hita nito.
“Oh 'yung jowa ko na 'yan.” tili ni bakla dahilan para lumayo ng kaunti si Jasmine mula sa kaniya.
She answered the call at agad na inilapit ang tenga sa speaker ng phone. “Hello?” she spoke.
“Hi good morning, nandiyan ka na sa school? I'm on my way with Lorie.” sabi naman ni Louis sa kabilang linya.
Unti-unting sumilay ang ngiti ni Jasmine at tinusok-tusok ang damo. “S-Sige, nandito pala kami sa field. Punta nalang kayo dito.”
BINABASA MO ANG
He Pops A Cherry!
RomanceCuriosity. Night club. Wild and drunk. What if a virgin gay meets the hottest girl in the class? *** Disclaimer: This story is written in Taglish. Cover Art by A.K.B Started: June 19, 2024 Completed: -