Five: Ang talo ay siyang manlilibre ft. Bukol.“Guysss I miss you agad.” pa simple yinakap ni Alexis ang dalawa, mas lalo na si Louis.
Ang bango talaga ng bebe ko, yayamanin ang scent! Palihim na kinilig si bakla.
“Ano ba? Nasasakal kami bading!” reklamo naman ni Jasmine. Umirap siya sa kaniya.
“Panira ng moment.” mahinang bulong pa ni Alexis at saka kumalas sa kanila.
Hanggang ngayon ay tahimik padin si Lorelai, napansin naman ni Louis iyon. “Are you okay Lorie?” nag-aalalang tanong niya sa kakambal nito.
She slightly nodded her head. “Maybe napagod lang sa pagwa-walk.”
Napangiwi naman si Alexis sa naging sagot niya. “Ang bagal-bagal kase.” sambit niya dahilan para mapangiti ng bahagya si Lorelai sa kaniya.
“Kung gusto niyo kumain na muna tayo.” suhestiyon naman ni Jasmine sa kanila.
“It's fine, let's play first. Besides, we're here naman na.” napabuntong hininga si Lorelai.
“Tahong is right.” sabat ni Alexis at pumunta na nga sa booth para bumili ng tokens.
“Sige ganito nalang, ang talo ay siyang manlilibre, game kayo?” napangising hamon ni Jasmine.
“Sounds fun.” Louis smiled at her.
“I'm already lose then, I don't usually go here to play arcades.” napanguso si Lorelai.
“Sa basketball lang tayo. Magsho shoot ka lang ng bola at saka mababa lang naman 'yung ring.” paliwanag ni Jasmine.
“You can do it sis.” panghihikayat pa ni Louis sa kaniyang kapatid.
“By pair nalang, like partner ko si Louis while partner naman kayo ni Alexis--”
“Paano na if he refused? Kayo nalang.” tanggi niya kaagad.
“Oh ano pang tinatayo niyo d'yan aber?” sakto naman ang pagbalik ni Alexis na may hawak-hawak ng isang supot ng token sa kanang kamay.
“Sali ka sa pustahan?” nangingising bumaling sa kaniya si Jasmine.
“Yes na yes, paano ba 'yan?” agad namang tugon ni bakla.
“Walang bawian ah?” naningkit ang mga mata ng dalaga.
Napangiwi si Alexis at nakapameywang niyang hinarap ito. “Daming satsat eh--”
“Doon tayo sa basketball.” nginuso naman ng dalaga ang parteng iyon, tamang-tama dahil bakante ang part na iyon ngayon.
“Then?”
“By partner, paramihan ng score.”
“Sino partner ko? Eto si tahong?” namimilosopo niyang dinuro si Lorelai.
Napasimangot naman ang dalaga sa ginawa niya. “I know right?” she sigh.
Tumango si Jasmine sa kaniya.
“Wag na, automatic na talo na kami.” tanggi ni Alexis at napaismid.
Napakamot sa ulo ang kaniyang kaibigan. “Sige na, bawal ang KJ dito, wala nang bawian, pumayag ka na kanina at saka hinihintay nalang ni Lorie ang approval mo.” mahabang paliwanag ni Jasmine.
He snorted. “Sige na, minsan lang naman 'to.” pagsang-ayon naman ni Louis.
Matagal na napaisip si bakla at saglit pang pinasadahan ng tingin si Lorelai. He let out a deep sigh bago tumango.
BINABASA MO ANG
He Pops A Cherry!
RomanceCuriosity. Night club. Wild and drunk. What if a virgin gay meets the hottest girl in the class? *** Disclaimer: This story is written in Taglish. Cover Art by A.K.B Started: June 19, 2024 Completed: -