A/N: Hiiiiiii sorry po, medyo natagalan. HIATUS na muna po ako dahil pasukan na. 3rd year college na yieee, nasa impyerno era na HAHA charot. Ma-mimiss ko kayo guys at saka salamat sa solid readers ko! Mwaaa senyoooo!
Twelve: Just friends.
“Bakit nakasimangot ka?” takang bumaling si Jasmine sa kaniya. Miyerkules na pero ganito parin ang mood ni bakla.
Anyare? Naguguluhan niyang tanong sa isipan nito.
Malakas na nagpakawala ng malalim na hininga si Alexis at napailing-iling. “Parang ang creepy naman kung nakangiti ako magdamag.” pagdadahilan naman niya.
“May hindi ka sinasabi sa akin eh, halata naman sa hitsura mo. Baka naman tama ang hinala ko, 'wag mong sabihing bothered ka sa manliligaw ni Lorie ah? Ibang usapan na 'yon.” pang-aasar niya at saka natawa.
His lips twitched. “S-So blurred impakta! Bakit naman ako apektado roon? Saka masaya ako para sa kaniya dahil hindi na siya didikit pa sa akin.” dipensa niya at saka napaubo kunwari.
Hindi naman kumbinsido si Jasmine sa narinig. “Hindi raw apektado, edi okay.” hindi siya tinantanan sa pang-aasar.
Alexis clicked his tongue in annoyance. “Bahala ka riyan, basta hindi na ako guguluhin ngayon ni tahong. Period!” napaayos siya ng upo sa kaniyang chair.
“Ikaw na lang ang single dito kung ganun.” napabungisngis siyang sumilip sa nakasimangot na mukha ni bakla.
“So what? Tutal ayaw mo naman akong hanapan ng jowa, edi single lady nalang ang lola mo!” humalukipkip namang tugon niya.
“Si Lorie nga, kaso ayaw mo—”
Napairap siya sa ere. “Pwede ba 'wag mo nang banggitin ang tahong na 'yan. Nawawala lalo ang mood ko.”
Malapit na ata akong maluka!
“Baket? Akala ko ba hindi ka apektado?”
“Shhh... ayokong marinig ang pangalan niya! Baka bangungutin pa ako mamayang gabi por pabor.”
“Mabuti na't maya't-maya'y binabanggit ko para naman palagi mo siyang maalala HAHA!” malakas siyang napahalakhak at namumuntawi na naman ang tawa niya sa loob ng room.
“Impakta!”
Sa totoo lang, wala talaga siya sa mood dahil kay Lorelai. Sobra siyang nangangamba at hindi niya matukoy kung saan nanggagaling iyon. He's really upset!
Napako ang kaniyang paningin sa labas ng bintana. Medyo maaraw na pero maulap parin ang kalangitan.
What's happening to me? Why am I feeling like this?! My god!
Mariin siyang napapikit habang dinadama ang simoy ng hangin na nagmumula sa labas ng kanilang gusali.
Bakit ba ako naiinis tungkol sa bagay na iyon? Edi jowain niya? Pake ko ba?!
He keeps on telling that to himself but everytime she was on his mind, nagiging komplikado ang lahat at namumuo ang inggit sa kaniya. Not because Lorelai already found her suitor but because of her slowly fading attention towards him. Sounds funny but he genuinely want her attention to pour only on him... only for Alexis. And look at him now, he looks so desperate. Gusto na niyang tanungin ang dalaga kung bakit siya iniiwasan nito. He don't want to cross the line but if it is needed, he will.
“Sasabay si Shion sa atin, mamayang lunch. Behave ka ha?” kapagkuwan ay sabi ni Jasmine sa tabi niya.
Mas lalong nalukot ang mukha ni bakla. “B-Bakit pa sasabay? Close ba natin 'yon?”
BINABASA MO ANG
He Pops A Cherry!
RomanceCuriosity. Night club. Wild and drunk. What if a virgin gay meets the hottest girl in the class? *** Disclaimer: This story is written in Taglish. Cover Art by A.K.B Started: June 19, 2024 Completed: -