Seven: Chupachups“Hoy! Anong oras na ah? Nakahiga ka parin?” nginiwian siya ni Jasmine at mahinang hinampas ang braso ni bakla.
“Ano ba? Hindi maganda ang pakiramdam ko okay?” paos na sagot niya at isinubsob ulit ang mukha sa unan.
Nakapameywang na sumiring si Jasmine at pinasadahan niya ito ng tingin. “Sira, sino bang hindi lalagnatin sa pagpapaulan mo kahapon? Anong trip 'yon?”
“Wala akong payong, remember?” he says in lazy tone.
“Ewan ko sa'yo. May quiz pa ata tayo sa second subject eh, as far as I know.”
Bumalingkwas ng bangon si Alexis ng marinig niya ang sinabi ng dalaga.
“Ay anak ng kabayo!” bahagya namang napaatras si Jasmine sa gulat. “Basta usapang acads eh, tsk! Sige, labas na muna ako. Bilisan mo d'yan.”
Magulo ang buhok ni Alexis habang napapairap pa sa kaniya. He groaned as he enter the CR.
Ang bigat-bigat ng pakiramdam niya, hindi niya alam kung ano ang sumapi sa kaniya kung kaya't naligo sila ng ulan ni Lorelai.
“Nilagnat naman kaya si burikat?” tanong niya sa kaniyang sarili. “My god! Erase! Erase!” napailing-iling siya at naligo na.
Pagkababa niya sa hagdanan ay agad na nagtayuan ang balahibo niya sa braso. Giniginaw siya.
Agad na isinuot ni Alexis ang bitbit niyang jacket. Naabutan niya si Jasmine na nakaupo sa sala habang nagkukwentuhan sila doon kasama ang mga magulang niya.
“Oh, ayan na. Kumain ka muna ng breakfast anak--”
“No momshie, sa cafeteria nalang ako jumamon, male-late na ang anak niyong maganda.” he said at nilapitan ang mama niya upang bumeso sa pisngi nito.
“Grabe, ang gwapo-gwapo ng bunso mo mama, 'tamo nagpapakabading lang.” sumabat naman ang ate niya, may hawak itong tasa ng kape at galing sa kusina.
“May manliligaw na nga ate eh.” tawang-tawa sabi ni Jasmine dahilan para magulat ang tatlo.
“Ipakilala mo naman 'yan anak.” pangbubuyo ng papa niya sa kaniya.
Mas lalong uminit ang mukha ni Alexis sa mga pinagsasabi nila. Palihim niyang siniringan si Jasmine na ngayon ay nakangisi. He cleared his throat. “W-Wala po popshie, alam mo namang sinungaling 'yang babaitang 'yan.” nginuso niya ang dalaga.
Napalabi kunwari si Jasmine, nang-aasar. “Malakas kase ang alindog ng anak niyo Tito, pati babaeng maganda na-magnet niya.” napahalakhak niyang sabi.
Pinagpawisan kaagad si Alexis at biglang hinila ang braso ni Jasmine. “We're going, bye momshikels, dadikels, and sisterat!” nag-flying kiss pa siya sa ere.
Padarag niyang hinila si Jasmine. “Ano ba?” reklamo ng dalaga at binawi ang braso nito mula sa kaniya.
“Asan na ba ang driver niyo? Sinibak na ata ni kuya Jasmel ah. Ang daldal mo, impaktang 'to!” naaasar na asik ni Alexis nang tuluyan na silang makalabas ng bahay.
She just laughing at him with her mocking face. “Tara na nga uy, malalate na tayo. Hindi pa ako nakapag-review tsaka baka miss ka na ni Lorie--”
“Pweba ba 'wag mo nang banggitin ang merlat na 'yun?” napaiwas siya ng tingin.
Hindi niya binanggit kay Jasmine ang mga nangyari kahapon. Napapikit siya ng biglang pumasok sa isipan niya ang eksena nila ni Lorelai. Bigla siyang kinilabutan ng maalala niya iyon. He wants to forget all of those. So yucky!
BINABASA MO ANG
He Pops A Cherry!
RomanceCuriosity. Night club. Wild and drunk. What if a virgin gay meets the hottest girl in the class? *** Disclaimer: This story is written in Taglish. Cover Art by A.K.B Started: June 19, 2024 Completed: -