Chapter 8

93 6 3
                                    

A/N: Good eve Veris, I just wanted to announce that the flow of my updates will be slow as expected because I'm busy finishing my manuscript kase, abala ako sa pagpoproofread doon at baka mapabayaan ko na rin 'to. Pasensiya na kung nabibitin kayo't nakukulangan dito HAHA *peace*. Bawi nalang ako next time. Thank you pala sa patuloy niyong suporta sa akin kahit na boring ang mga gawa ko. Enjoy reading! Jeongmal kamasaheyooo!

Eight: May crush siya sa akin

“Lorie, na-miss kita!” masayang bungad ni Jasmine kay Lorelai, nandito sila ngayon sa cafeteria ng nursing department para kumain ng lunch. Talagang dumayo pa sila para lang makasabay.

Lorelai smiled as she casually glancing at Alexis. Nakasimangot na naman si bading sa kaniya.

“Hi guys, have a seat.” mahinahong sabi ni Louis sa dalawa.

“Tabi tayo!” sambit ni Jasmine at walang nagawa si Alexis kundi tumabi nalang sa babaeng kinamumuhian niya.

“How about you? Hindi mo ba ako na-miss?” kumalumbaba si Lorelai sa lamesa at mariing tumitig rito.

Napangiwi naman si Alexis at inirapan siya. “Kapal ng fez! Si Louis lang ang na-miss ko 'no?” masungit niyang sambit at saka sumulyap sa kakambal niya.

Louis chuckled at him while shooking his head in disbelief.

Bahagyang napanguso si Lorelai sa kaniyang narinig. “That's rude. By the way, wala ka na bang fever? Jasmine says that you are sick daw.” may pag-aalala sa tono ng boses niya.

“Kahapon pa 'yun. Wala na tahong.” napabuntong hininga si Alexis at saka palihim na sinamaan ng tingin si Jasmine na ngayon ay nakikipagharutan na kay Louis.

Nagchika pa siya sa babaeng 'yan. Umismid nalang siya.

Her smirk on her lips grew wider, pinakatitigan niya si bading. “You're so handsome, you know that?”

Nagitla si Alexis dahil sa sinabi niya, bigla siyang nakaramdam ng hiya. “A-Ano?”

Ayan na naman siya!

Mas lalong nangisi ang dalaga sa kaniya habang mariin pading nakatitig dito. Para siyang matutunaw sa klase ng pagkakatitig niya.

Wahhh!

“T-Tigil-tigilan mo nga ako tahong, kahit na anong gawin mo, walang epekto ang mga 'yan sa akin.” umiwas siya kaagad ng tingin at hindi na maipirmi ang kaniyang sarili.

“May crush ka sa akin 'no?” she asked at mas lalong nagsalubong ang mga kilay niya.

“W-What? Ano bang pinagsasabi mo?” napakurap-kurap siya ng ilang beses.

“Your eyes Alexis... your eyes tell me.” she chuckled softly.

Napairap si Alexis. “Asumera.” sinubukan niyang 'wag mautal sa harapan niya.

Lorelai leans forward at saka pinadaan pataas ang kaniyang paa sa binti ni Alexis at tumigil iyon sa hita niya.

Nanlaki ang mga mata ni bading dahil sa ginawa nito. “A-Ano ba?!” nandidiring tili niya at inusog paatras ang upuan niya.

Nagulantang naman ang dalawa sa eksena nila. “Bakit?” takang tanong ni Jasmine sa kaniya.

“T-Tanungin mo sa babaeng 'yan.” namumula niyang dinuro si Lorelai na ngayon ay tawang-tawa sa kaniya.

“What? I'm just messing around.” napapangising sagot nito.

“B-Bastos!” akusa pa ni Alexis kay Lorelai.

He Pops A Cherry!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon