Chapter 4

76 3 0
                                    


Four: His true intention

"Impaktaaa!" OA na sigaw niya jay Jasmine at balak pa ata niyang magwala sa bahay ng dalaga.

"Oh naano ka na d'yan?" gulat siyang lumabas mula sa pintuan at naka-ready na ring pumasok sa school.

Agad niyang nilapitan ito at saka yinugyog ang balikat niya. "Pati pala Instagram account ko binigay mo! Gaga ka talaga!" salubong na salubong ang mga kilay ni Alexis.

Natawa naman si Jasmine sa naging reaksiyon nito. "Hayaan mo na, dagdag sa followers ayaw mo nun?" biro niya.

"Magseryoso ka naman, impaktang 'to! Ihhh kase nga... ano ba 'yan? Edi mas lalong mangungulit 'yon?" asar na asar na sabi niya at saka napayuko.

Agad naman siyang inakbayan ni Jasmine at inakay palabas ng bahay. "Ang arte mo-"

"Wow, what a great comment from my dearest friend!" puno ng sarkastikong pagkakasabi niya.

"Ewan ko sa'yo." mas lalo lang napahalakhak si Jasmine at binuksan ang pintuan ng passenger seat. "Halika na driver, male-late na tayo."

Akmang babatuhin siya ng tote bag ni Alexis nang dali-dali siyang pumasok sa loob ng kotse. "Driver?! Ugh!" napairap siya ng ilang beses, palong-palo talaga sa pang-aasar ang kaibigan niya sa kaniya.

"Pasok na dali!" humaba naman ang nguso ng dalaga habang nakasilip sa bintana, nag-puppy eyes pa siya.

"Impaktang tunay!" masungit na tugon ni Alexis bago siya lumapit sa sasakyan.

***

"Wala si Mrs. Flores at saka mukhang may meeting ang mga teachers ngayon because of the upcoming event." anunsiyo ng class mayor nila sa harapan dahilan para magsigawan sa tuwa ang mga kaklase niya.

Pasayaw-sayaw naman si Jasmine at masyadong masaya. "Yes!" she laughed as if she won a lotto.

Nginiwian siya ni Alexis, he's kinda disappointed because of the recent announcement. Palagi nalang silang hindi nagkakaklase. Kung natutuwa ang iba, pwes iba siya.

"Umupo ka nga! Para kang uod na binudburan ng asin d'yan."

Nagtwerk pa siya at napabungisngis. "Tumambay na tayo sa tourism department wohooo!" hinila niya ang braso ni Alexis at hindi na siya nakaangal pa.

Nagpatianod siya palabas ng room at agad silang bumaba ng building. Yakap-yakap ni bakla ang dala niyang libro habang panay naman ang tipa ni Jasmine sa screen ng cellphone nito. Natatawa pa siya paminsan-minsan, tila ba'y kinikilig.

"Lucrecia Kasilag! Maghunos-dili ka anak." sambit ni Alexis at sinilip ang screen ng phone niya.

"Oh, you were chatting with my crushiecake behind my back! To the left, to the right." pabirong dagdag niya at nagulat pa.

Mahina naman siyang binatukan ng dalaga. "Shut up HAHA." kinikilig paring aniya at muling pinagpatuloy ang ginagawa.

He scoffed at her. "Tanungin mo nga sa kaniya kung sinong mas pretty? Syempre, ako na 'yan kase mukha kang thunder cats eh." pakembot-kembot na naglakad si Alexis sa hallway.

*Thunder cats(gurang)*

Natawa si Jasmine sa kalokohan niya. "Hindi talaga ako nabo-bored kapag ikaw ang kasama ko. Salamat clown!" biro naman niya.

"Pretty aketch 'no, period!" napairap si Alexis sa kaniya.

"Oo na!" napipilitan pa siyang tumango at sabay silang nag-apir sa ere. Kahit kailan gaga talaga 'tong si Alexis eh.

He Pops A Cherry!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon