Chapter 6

75 4 2
                                    

A/N: Last update muna for this month, baka ma-miss niyo ako HAHAHA charing.

Six: Rain rain go away...

Maaga palang pero makulimlim na ang kalangitan.

Napatulala si Alexis sa labas ng bintana nang pumasok ang malamig na hangin doon.

"Ang lamig." agad niyang sinara iyon at bumaling sa kaniyang katabi. "Reyna elena pa ata ngayon impakta, may dala kang payong?"

*Reyna Elena(uulan)*

Napatikhim lang ang dalaga at napailing-iling.

Bumusangot naman si Alexis at muling tumingin sa labas. Kumidlat at kumulog ng malakas dahilan para magulantang silang lahat.

"Oh my god!" tili niya at isinara din kaagad ang kurtina. Kinikilabutan siya sa lamig ng simoy ng hangin.

"Naku, mukhang uulan na talaga. Dyahe wala akong dalang payong eh." napapakamot na sabi ni Jasmine at saka binuksan ang make up kit niya.

"Uy bago 'yang mascara mo ah?" napansin naman iyon ni Alexis at saka niya kinuha mula sa pouch. "Givenchy ah?"

*Givenchy(Pahinge, bigay)*

"Sige lang." sagot naman ng dalaga habang naglalagay ng brown eye shadow sa talukap ng mga mata niya.

"Palibhasa mas rich ka kaysa sa akin eh." inilabas ni Alexis ang compact powder niya at tumingin sa maliit na salamin niyon. Naglagay siya ng konti sa mahaba niyang pilik mata gamit ang mascara. He blinked twice at hinawi kunwari ang imaginary long hair niya.

Humarap siya kay Jasmine at nagpapa-cute. "Oks na ba? Grabe ang ganda nito! I love it! Bet na bet ko itech!" papuri ni bakla sa bagong mascara niya.

Eto kase ang puhunan nila para maging pretty lalo, paglalagay ng kolorete sa mukha, pero light lang naman at mukhang natural. Tipong clean girl make up lang.

"Wow ang kyot ng pilik mata mo." natawa si Jasmine habang pinagmamasdan siya. Ang baklang Alexis ay mas malandi na kaysa sa kaniya. "Bagay mo nga iyan." dagdag pa niya.

Malapad namang nangiti si Alexis at muling nag-flip ng imaginary hair. Naku kung pwede lang magpahaba ng hair ang mga boys dito eh si bakla na ang nangunguna at ang siyang pinakamahaba sa lahat. Baka talunin niya pa ang mga girls. "I know right? Another day, another slay!" mahinhin siyang napahalakhak.

"Umayos na kayo, nandiyan na si sir." anunsiyo bigla ng class mayor nila dahilan para ipasok ni Jasmine ang lahat ng gamit niyang nagkalat sa table nila sa loob ng bag nito at umayos ng upo.

Walang emosyon ang mukha ng guro ng makapasok ito sa loob ng classroom. His eyes roams around.

"Let's start the oral recitation." sabi niya at natahimik silang lahat.

Hawak-hawak ng teacher ang index card at bumunot doon ng isa. "Mr. Arellano, stand up."

"Naku." napapakamot namang saad ni Jasmine sa tabi niya.

"Keri." Alexis smiled slightly to cheer her up.

***

"Hays buti nalang nakasagot ako kanina." pagkukwento ni Jasmine tungkol sa nangyaring recitation nila kanina kay Louis.

Lorelai rested her chin on her palm at nakikinig ito. Paminsan-minsan ay napapasulyap siya kay Alexis na abala namang ngumunguya ng sandwich.

"That's great! How about Alexis?" Louis' eyes shifted on him.

He drank water before he spoke. "Of course, naka 3 answers nga ako eh. Clear and precise!" proud na proud niyang sabi.

"Sure na mataas na naman ang grado mo." napangiti si Jasmine.

He Pops A Cherry!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon