Chapter 9

345 31 12
                                    

UNEDITED

*****

"AKO po ang dumukot kay Thalia," sagot ni Matthew sa ginang na ikinabilog ng mga mata nito.

"Dumukot? Bakit mo siya dinukot? Anong plano mong gawin sa kanya? Diyos ko! Huwag mo sanang pabayaang masaktan ang alaga ko," bulalas ni Manang Betty nang marinig ang sinabi ni Matthew. Bakas sa mukha nito ang labis na pag-aalala para sa dalaga.

"Huwag po kayong mag-alala dahil wala po akong planong saktan siya. At kaya po ako nagpunta rito ay para makausap kayo tungkol kay Thalia, tungkol sa buong pagkatao niya," wika ni Matthew na tila ikinahinga nang maluwag ni Manang Betty. Nabawasan rin ang pag-aalala na nakalarawan sa mukha nito.

"Mabuti kung ganoon. Pero anong motibo mo at dinukot mo si Thalia? At paano mo nalaman ang tungkol sa kanya?" kunot-noong tanong ni Manang Betty.

"Plano ko po sana siyang gamitin sa paghihiganti kay Wilfredo Agustin. Nag-imbestiga po ako tungkol sa kanya kaya ko po nalaman ang tungkol kay Thalia," sagot ni Matthew na lalong ikinakunot ng noo ng ginang.

"Paghihiganti?" Marahang tumango si Matthew pagkatapos ay huminga nang malalim.

"Pinatay po ni Wilfredo ang mga magulang ko, ang mag-asawang Williams," sagot ni Matthew na muling ikinabilog ng mga mata ni Manang Betty.

"I-Ikaw ang nawawalang tagapagmana ng mga Williams?" gulat na anas ng ginang. Muling tumango si Matthew.

"At bumalik po ako para maghiganti. Bibigyan ko ng katarungan ang pagkamatay ng mag-asawang Williams. Babawiin ko po ang mga kayamanang kinamkam ni Wilfredo Agustin na pagmamay-ari ng mga magulang ko," walang emosyong wika ni Matthew habang bakas sa mukha ang poot at galit para sa taong pumatay sa mga magulang niya. At hindi siya titigil hangga't hindi niya naibibigay ang hustisya para sa pagkamatay ng mag-asawa.

"Ako na ang nakikiusap sa 'yo, hijo... huwag mong idadamay si Thalia sa paghihiganti mo. Wala siyang kinalaman sa kasalanan ng kanyang ama. Katulad ng pamilya mo, biktima lang din siya ng kasamaan at kalupitan ng ama nito. Bunga lang din si Thalia ng seksuwal na pang-aabuso ni Mr. Agustin sa isang katulong," pakiusap ni Manang Betty. Saglit na natigilan si Matthew nang marinig ang sinabi ng ginang. Kung ganoon, nagsasabi ng totoo si Thalia. Totoo ang lahat ng sinabi nito sa kanya.

"Kaya po ako nagpunta rito ay para malaman kung nagsasabi siya ng totoo. Marami rin po akong kakaibang napapansin kay Thalia kaya gusto ko po kayong makausap tungkol sa kanya. Puwede ko po bang malaman kung anong klaseng buhay ang mayroon siya sa loob ng mansion? At kung bakit parang lumaki siyang walang alam?" tanong ni Matthew base sa napansin niya sa dalaga sa ilang araw na nakasama niya ito.

Tinitigan siya ni Manang Betty na tila binabasa nito ang kanyang pagkatao. Hindi rin nagtagal ay marahan itong tumango na ikinangiti ni Matthew. Nakuha niya ang tiwala ng ginang.

"Sumunod ka sa akin. Mas mabuting doon ko ikuwento sa 'yo ang lahat ng tungkol kay Thalia sa lugar na kinalakihan niya," wika ni Manang Betty na marahang ikinatango ni Matthew.

"Huwag kang mag-alala sa cctv dahil alam ko ang pasikot-sikot sa loob at labas ng mansion. Nagawan ko na rin ng paraan ang cctv sa may gate dahil ilang araw na akong nag-aabang sa labas para magbakasakali na babalik si Thalia," muling wika ni Manang Betty nang makapasok sila sa gate.

Sumunod si Matthew sa ginang at dinala siya nito sa likod na bahagi ng mansion. Saglit pa siyang natigilan nang madaanan nila ang lugar kung saan niya unang nasilayan si Thalia.

"Sa lugar na ito madalas tumambay si Thalia. Siya rin ang nagtanim ng mga halaman dito," wika ni Manang Betty nang mapansing natigilan si Matthew sa paglalakad.

TAINTING HER INNOCENCE (R18+)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon