Chapter 2

368 15 7
                                    

UNEDITED

*****

"SO anong plano mo, bro? Paano mo sisimulan ang paghihiganti sa taong pumatay sa mga magulang mo?"

Nag-angat si Matthew ng tingin buhat sa folder na hawak nang marinig ang tanong ni Warren, isa sa kambal na anak ni Mr. Wilson na kaibigan ng kanyang ama. Si Mr. Wilson ang taong kumupkop sa kanya noong nawala ang mag-asawang Williams. Ito rin ang tumatayong abogado ng pamilya niya at kasalukuyang may hawak ng katibayan na sa kanya lahat mapupunta ang kayamanan at ari-ariang naiwan ng mag-asawa.

Pagkatapos ng pangyayari noon ay isinama si Matthew ni Mr. Wilson sa ibang bansa at doon siya nag-aral hanggang sa makapagtapos siya. Wala na ang asawa ni Mr Wilson pero may anak itong kambal. Naging kaibigan niya ang kambal na sina Warren at Darren na parang kapatid na ang turing sa kanya. Kasing-edad lang ni Matthew ang kambal at madalas ay nalilito siya sa dalawa dahil identical twins ang mga ito. Ang pamilyang Wilson ang tumayong kanyang pangalawang pamilya mula nang mamatay ang mag-asawang unang kumupkop sa kanya.

Makalipas ang limang taon buhat nang kupkupin si Matthew ni Mr. Wilson ay muling nag-asawa ang ginoo pero hindi na ang mga ito biniyaan ng anak. Mabait ang naging bagong asawa ni Mr. Wilson at parang tunay na anak ang naging turing nito sa kanilang tatlo. Tanggap din ng kambal ang bagong asawa ng ama at hindi ang mga ito naging hadlang sa muling pag-aasawa ni Mr. Wilson.

Halos tatlong buwan pa lang buhat nang makabalik silang tatlo sa bansa. Naiwan sa ibang bansa ang mag-asawang Wilson dahil sa mga negosyo ng mga ito roon. Inayos muna ni Matthew ang lahat ng dapat na ayusin bago siya nagsimulang kumilos para sa gagawin niyang paghihiganti. At ang kambal ang magiging katulong niya para pabagsakin ang isang Wilfredo Agustin, ang taong pumatay sa mga magulang niya.

"Sisimulan ko ang paghihiganti sa pamamagitan ng mga negosyo niya. Unti-unti ko siyang pababagsakin hanggang sa walang matira kahit na isang sentimo sa kanya. Babawiin ko ang lahat ng kayamanang kanyang kinamkam at ibabagsak ko siyang muli sa burak na kanyang pinagmulan," nagtatagis ang bagang na wika ni Matthew bago
muling ibinalik ang atensyon sa folder na hawak na naglalaman ng lahat ng tungkol sa taong pumatay sa mag-asawang Williams na nakalap ng kambal.

"How about his family, bro? Idadamay mo rin ba sila sa paghihiganti mo?" biglang tanong ni Darren na kasalukuyang kalalabas lang galing sa kusina. May dala itong dalawang mansanas na paboritong prutas ng kambal. Ibinato nito ang isa sa kakambal na nasalo naman ng huli.

"Thanks, bro," pasasalamat ni Warren sa kakambal bago kinagatan ang mansanas na bigay nito. Umupo sa tabi nito si Darren na ikinakunot ng noo ni Matthew.

"How about me? Where's mine?" kunot-noong tanong ni Matthew kay Darren na ikinakamot nito sa ulo.

"Sorry, bro. Nakalimutan kong bumili ng grapes kahapon," nakangiwing wika ni Darren at nag-peace sign pa sa kanya. Kung ang paboritong prutas ng kambal ay mansanas, ang kay Matthew naman ay ubas.

Napailing na lang si Matthew sa kambal na abala sa panguya ng mansanas at ibinalik na lang niya ang atensyon sa folder para alamin ang lahat ng tungkol sa isang Wilfredo Agustin at ang tungkol sa pamilya nito.

Ayon sa impormasyong nakalap ng kambal ay mayroong dalawang anak si Wilfredo Agustin. Theo ang pangalan ng lalaki na ipinadala ni Mr. Agustin sa ibang bansa noong bata pa ito para doon mag-aral at hindi pa ito bumabalik hanggang ngayon. Nakasaad din doon na nakapagtapos na ito sa pag-aaral at kasalukuyang nagtatrabaho sa isang sikat na kompanya sa ibang bansa. Tinanggihan din nitong patakbuhin ang negosyo ng sariling pamilya at mas piniling magtrabaho roon.

Bettina naman ang pangalan ng babaeng anak ni Mr. Agustin. Isa naman itong modelo at kasalukuyang kasama ng mag-asawang Agustin sa mansion na tinitirhan ng mga ito. Hindi na inalam pa ni Matthew ang lahat ng tungkol sa babaeng anak ni Wilfredo dahil walang koneksyon lahat ng iyon sa negosyo ng ama. Isa lang din ito sa nakikinabang sa kinamkam na yaman ng sariling ama katulad ng ina nito at wala siyang mapapala kung pagtutuunan pa niya ito ng pansin. Wala siyang mahanap na impormasyon tungkol dito na magagamit niya laban sa ama nito.

TAINTING HER INNOCENCE (R18+)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon