UNEDITED
*****
KAHIT inaantok pa ay pilit na iminulat ni Matthew ang mga mata nang hindi niya maramdaman si Thalia sa tabi niya pagsapit ng umaga. Napilitan siyang bumangon at umupo sa kama kahit na inaantok at mumukat-mukat pa siya. Nilibot niya ng paningin ang buong kuwarto pero hindi niya nakita sa loob ng silid ang dalaga. Dumapo ang mga mata ni Matthew sa kama, sa parte kung saan ito humiga at agad na nanlaki ang kanyang mga mata nang magkita roon ng pulang mantsa.
Dugo ba ito? What the fuck! May nangyari ba sa amin ni Thalia? Pero bakit wala akong maalala?
Natigilan si Matthew habang nakatitig sa mantsa ng dugo sa kobre-kama. Pinilit niyang alalahanin ang mga nangyari kagabi lalo na ang nangyari sa pagitan nila ni Thalia pero hindi niya talaga maalala na nakuha niya ang kainosentehan nito. Malinaw sa isipan niya ang mga ginawa niya sa dalaga mula sa banyo hanggang sa ibabaw ng kama pero sigurado siyang bukod doon ay walang ibang nangyari sa kanilang dalawa dahil pagkatapos niya itong paligayahin gamit ang bibig niya ay tinulugan siya ni Thalia. Hindi rin nagtagal matapos makatulog ng dalaga ay nawala ang epekto ng kung anong inilagay ng kambal sa alak na ininom niya kaya nakatulog na rin siya. Pero bakit may mantsa ng dugo sa kama?
Naputol ang pagbabalik-tanaw ni Matthew sa nangyari kagabi nang biglang bumukas ang pinto ng banyo at lumabas doon si Thalia. Hawak nito ang puson na para may sakit itong iniinda sa parteng iyon. Dahan-dahan din ito sa paglalakad dahilan para mas lalo pang lumakas ang hinala niya na may nangyari sa kanila ng dalaga at hindi niya lang iyon maalala. Gusto niyang saktan ang sarili sa mga oras na iyon dahil nagawa niya iyon kay Thalia, nagawa niyang pagsamantalahan ang kainosentehan ng babaeng mahalaga sa kanya.
"Patawarin mo ako. Hindi ko sinasadya ang nangyari kagabi, hindi ko lang talaga mapigilan ang sarili ko. Maiintindihan ko kung magagalit ka sa akin at handa kong tanggapin iyon. Huwag kang mag-alala dahil pananagutan kita," wika ni Matthew habang nakatingin sa dalaga na kasalukuyan ring nakatingin sa kanya habang marahan itong naglalakad palapit sa kama.
Wala siyang pinagsisisihan sa nangyari sa kanila ni Thalia kagabi pero hindi niya maiwasang hindi makonsensya dahil kahit saan daanin ay lumalabas na pinagsamantalahan pa rin niya ang kainosentehan nito, kahit na sabihing pumayag ito o may permiso siya ng dalaga.
"Masakit ba?" hindi napigilang tanong ni Matthew nang makita ang pagngiwi ni Thalia nang umupo ito sa kama. Napahinga siya nang malalim nang maraha itong tumango.
"Masakit pero ayos lang po ako. Buwanan ko naman po itong nararanasan kaya sanay na po ako. Mawawala rin naman po ito mamaya," sagot ni Thalia na ikinakunot ng noo ni Matthew. Buwanang nararanasan? Posible kayang mali ang hinala niya na may namagitan sa kanila kagabi ng dalaga? Pero base sa naaalala niya ay imposible talagang may nangyari sa kanilang dalawa.
"Anong ibig mong sabihin? Hindi ba masakit ang nasa pagitan ng mga hita mo dahil sa nangyari sa atin kagabi? At itong mantsa ng dugo sa kama, bakas ito ng pagkapunit ng pagkabirhen mo kagabi, 'di ba?" naguguluhang tanong ni Matthew na ikinakunot rin ng noo ni Thalia. Bumaba ang mga mata nito sa mantsa ng dugo sa ibabaw ng kama at nanlaki ang mga mata nito nang makita iyon na parang ngayon lang nito iyon napansin.
"Hala! Pasensiya na po. Hindi ko po kasi akalain na ngayong araw dadating ang buwanang-dalaw ko. Ako na lang po ang maglalaba nito mamaya," paghingi ng paumanhin ni Thalia na ikinanganga ni Matthew.
"Buwanang-dalaw? Ibig sabihin ay walang nangyari sa atin kagabi?" hindi makapaniwalang tanong ni Matthew.
"Ano pong nangyari kagabi? Bukod po sa kinain mo ako ay wala na po akong ibang maalala," inosenteng sagot ni Thalia na mabilis na ikinaiwas niya ng tingin sa dalaga. Siya ang nakaramdam ng hiya sa pagiging bulgar nito. Fuck! It's his damn fault! Kung ano-ano kasi ang itinuturo niya kay Thalia. Sinisimulan na niyang dungisan ang kainosentehan nito.
BINABASA MO ANG
TAINTING HER INNOCENCE (R18+)
RomantizmBunga si Thalia ng seksuwal na pang-aabuso ng isang among lalaki sa isang katulong. Nang maisilang siya ng kanyang ina ay iniwan siya nito sa poder ng kanyang ama na mayroong ibang pamilya. Hindi siya tanggap ng kanyang ama pero hindi rin naman siya...