Chapter 16

348 24 12
                                    

UNEDITED

*****

KAAGAD na sumilay ang ngiti sa labi ni Matthew paglabas niya sa banyo nang makitang mahimbing nang natutulog si Thalia sa sofa kung saan niya ito iniwan kanina bago siya pumasok ng banyo habang nanonood ito ng tv. Ini-off niya muna ang tv bago siya lumapit sa kinaroroonan ng dalaga para buhatin ito at ilipat sa kama. Hindi nagising si Thalia nang buhatin niya pero naalimpungatan ito nang maihiga niya ito sa kama. Unti-unting bumukas ang mapupungay nitong mga mata na kaagad na dumapo sa kanyang mukha.

"Matthew..." mahinang bigkas nito sa pangalan niya bago muling ipinikit ang mga mata. Hindi nagtagal ay bumalik ulit ito sa mahimbing na pagtulog.

"Fuck!" hindi mapigilang mura ni Matthew habang nakalapat sa dibdib ang palad at pinakikiramdaman ang malakas na kabog ng dibdib. Ganoon lagi ang epekto sa kanya ni Thalia sa tuwing sinasambit nito ang pangalan niya sa hindi niya inaasahang pagkakataon, kapareho nang unang beses niyang marinig na sinambit nito ang pangalan niya.

Ilang araw na ang lumipas buhat noong nagdesisyon siyang sa tabi ng dalaga matulog at kahit papaano ay nasasanay na siya sa presensya nito. Hindi niya itatangging naaapektuhan pa rin siya sa presensya nito pero kahit ganoon ay nagagawa na niyang pigilan ang sarili. Nakukuntento na lang siya na tinitititigan lang ito habang natutulog at may pagkakataon na ninanakawan na lang niya ito nang mabilis na halik sa labi. Bukod doon ay hindi na niya hinahayaan na lumagpas siya sa kanyang limitasyon.

Pilit na pinakalma ni Matthew ang naghuhurumintado niyang puso bago niya inayos ang pagkakahiga ni Thalia sa ibabaw ng kama. Hindi niya alam kung ilang minuto pa siyang nakatitig sa mukha ng dalaga bago siya nagdesisyon na lumabas ng kuwarto para puntahan ang kambal na alam niyang kanina pang naghihintay sa kanya. Pero bago siya lumabas sa kanyang silid ay hindi rin siya nakatiis na hindi nakawan ng mabilis na halik sa labi si Thalia.

"Bakit ang tagal mong lumabas sa kuwarto, bro? Don't tell me..." pabitin na bungad sa kanya ni Darren nang makababa siya sa salas kung saan naghihintay ang kambal. Nagsisimula na ang mga itong uminom nang dumating siya. Napailing na lang si Matthew dahil alam niya kung ano na namang kapilyuhan ang tumatakbo sa isipan ng dalawa.

"Happy birthday, bro! Sana maging maligaya ang gabi mo," wika naman ni Warren habang may nakakalokong ngisi sa labi na hindi na lang pinansin ni Matthew. Inabutan siya nito ng basong may lamang alak na tinanggap naman niya bago siya umupo.

Kaarawan niya ngayon kaya nagplano ang kambal na mag-inom sila. Hindi sila mahilig magdaos ng kani-kanilang mga kaarawan at madalas ay nag-iinom na lang silang tatlo hanggang sa makatulog sila sa kalasingan. Hindi niya sinabi kay Thalia na kaarawan niya kaya wala itong kaalam-alam habang natutulog ito sa kuwarto. Buong-araw din silang naging abala kaya ngayon lang silang tatlo nagkaroon ng oras para idaos ang kaarawan niya.

"Muntik na namin makalimutan. May inihanda nga pala kaming birthday cake para sa 'yo," nakangising wika ni Darren at hindi gusto ni Matthew ang ngising iyon. Sigurado siyang may kalokohan na naman itong ginawa.

Saglit na umalis si Darren at pagbalik nito ay may dala itong isang kahon ng cake pero kumunot ang noo ni Matthew nang makita ang laman niyon. Hindi iyon cake, mga condom 'yon na inayos para maging style cake.

"Kung may tinatawag na money cake, iginawa ka naman namin ng condom cake para kakaiba," malawak ang ngiting wika ni Darren na ikinanganga ni Matthew. Tila proud pa ang dalawa sa kalokohang ginawa ng mga ito.

"Anong gagawin ko rito?" hindi makapaniwalang tanong ni Matthew sa dalawa habang nakatingin sa 'condom cake' na ibinigay sa kanya ni Darren.

"Kainin mo baka masarap," pilosopong sagot ni Warren kaya sinamaan niya ito ng tingin.

TAINTING HER INNOCENCE (R18+)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon