PANIMULA

37 4 1
                                    

Disyembre 21, 1879

Makikita ang isang babae na nakasuot ng puting balabal sa gitna ng ulan bitbit nito ang sisidlan na may tatlong mansanas sa loob, naglalakad ito patungong simbahan, siya'y pinagtitinginan ng mga tao dahil sa maputik nitong saya at wala rin itong suot na pangyapak.

Paika-ika ito kung lumakad, ilang sandali pa nakaramdam siya ng dalawang kamay na nakahawak sa kaniyang braso agad siyang nagpumiglas sa dalawang Guardia sibil at pilit itong isinakay sa kalesa.

Gabi nang marating nila ang kulungan agad ito nilang itinulak papasok sa loob ng mabaho at madilim na kulungan.

Walang ibang nagawa ang dalaga kundi ang humikbi, ilang sandali pa ay nakarinig siya ng mahihinang yapak agad naman siyang napaatras nang makita niya na may taong papasok. Hindi niya maaninag ang mukha dahil madilim ang paligid at tanging maliliit na butas lamang tumatagos ang liwanag ng buwan sa kalangitan.

"Dolores?" Tawag ng isang binata at agad napatingin ang dalaga dahil sa pamilyar na boses nito "Lucas?" Tawag ni Dolores sa binatang tumawag sa kaniya, agad natagpuan ni Lucas ang kinaroroonan ni Dolores at yinakap ito. Hindi alintana ang bakal na rehas na namamagitan sa dalawa.

Bumuhos ang mga luha ni Dolores
"Bakit ika'y naririto? Tiyak na ikagagalit ito ni Don Marco kapag nalaman niyang ika'y nagtungo rito" tiningnan ni Dolores si Lucasbna nakasuot ng damit pang Guardia sibil.

"Itatakas kita rito, magpapakalayo tayo" agad na pinunasan ni Lucas ang patuloy na pagdaloy ng mga luha ni Dolores. Binuksan ni Lucas ang kulungan at inalalayan si Dolores papalabas.

Ilang sandali pa nakarinig sila ng mga yapak at ito'y papalapit sa kanila "aquí están!" *They're here*
"él huirá de esta chica" *itatakas niya ang babaeng ito* agad namang naglaban si Lucas ngunit lugi ito sapagkat nag-iisa lamang siya.

Pareho silang dalawa na nahawakan ng dalawang Guardia sibil. May pumasok na isang lalaking mga nasa edad dalawampu pataas, may nakasunod din na apat na Guardia sibil sa likod nito.

"Tunay ngang walang makakapigil
sa dalawang taong nagmamahalan, kahit buhay pa ang kapalit" napatingin ang lalaki Kay Dolores "mata a ese cabrón" *patayin ang hampas lupang iyan* sabay turo. Pilit ni Lucas kumawala.

Agad na itinutok ng Guardia sibil ang baril nito kay Dolores wala ng nagawa si Dolores kundi ipinikit ang kaniyang mga mata.
Narinig niya ang malalakas na putok ng baril ngunit hindi niya naramdamang tumama ito sa kaniya iminulat niya ang mata niya at nakita ang pagbagsak ni Lucas, tila tumigil ang mundo ni Dolores nang makita nito si Lucas na nakaluhod sa harap niya na humarang ito at siyang nagsalo ng bala upang hindi nito matamaan si Dolores.

"Lucas!" malakas na sigaw ang pinakawalan ni Dolores, agad siyang gumapang papunta Kay Lucas ngunit tatlong magkakasunod na putok ang pinakawalan ng Guardia sibil at sa oras na iyon si Dolores na ang natamaan. Ilang sandali pa agad lumabas ang misteryosong lalake at nakasunod sa kaniya ang mga Guardia sibil.

"Mahal Kita, Dolores" agad na inabot ni Lucas ang kamay nito kay Dolores na siya ring ginawa ni Dolores "s-sana sa kabilang buhay muli tayong magtagpo at doon natin i-ipagpapatuloy ang ating pagmamahalan" nanghihinang sabi ni Lucas Kay Dolores at hindi na rin pa maawat ang pag agos ng kaniyang luha dahil wala nang buhay ang kaniyang pinakamamahal na si Dolores.

"Maligayang kaarawan, Mahal ko" tuluyan ng ipinikit ni Lucas ang kaniyang mga mata.
Sa loob ng kulungan nakahandusay ang walang buhay na si Lucas at Dolores. Sila'y namatay nang dahil sa kanilang pag-iibigan.

_______________________________

"Ang istoryang ito ay pawang imahinasyon lamang. Nais kong ibahagi ang aking mga naisulat dito upang magbigay-aliw sa mga mambabasa. Wala po akong intensyon na maka-trigger ng
kahit na sino."

- Ninin

© All Rights Reserved 2024

21st Night of December Where stories live. Discover now