Chapter 1

3 2 0
                                    

Pagkarating nila Sofie sa Paris France ay sinalubong sila ng kanyang daddy Ken. Napangiti siya at bumitaw siya sa kanyang mommy upang tumakbo papunta sa kanyang daddy. Nang malapit na siya sa kanyang daddy ay lalo siyang nagmadaling lumapit at niyakap niya ito.


"I missed you." Iyon ang sabi ng kanyang daddy at tinugon niya ang pangungulila sa kanya ng ama.

"Adrian, is it you?" Sabi ng mommy ni Sofie sa kasama ng daddy ni Sofie,

"He is waiting for his wife and children." Paliwanag naman ng daddy ni Sofie.


Nagkwentuhan ang mga magulang ni Sofie sa lalaking nagngangalang Adrian at matapos ang ilang minuto ay may isang batang lalaki ang tumakbo papunta sa lugar nila. Kilala niya ang batang ito dahil kaaway ito ni Kelvin, ang pangalan niya ay Jaylord o tawag ng lahat sa kanya ay JM. Hindi alam ni Sofie kung bakit magkagalit si Kelvin at Jaylor pero umiiwas rin siya kay Jaylor alang-alang sa kanyang pinsan.


Napansin si Sofie ni Jaylord at nagtaka ang batang lalaki. Ngumiti na lamang si Sofie at nagtanong ang mga magulang ni Jaylord paano sila nagkakilala ni Sofie.


"Siya si Sofie Tyler, mom. Iyong laging rason bakit kami ni Kelvin nasa Guidance." Iyon ang paliwanag ni Jaylord at nagtaka naman si Sofie.

"Ako? Bakit ako nakasama?" Tanong naman ni Sofie kay Jaylord at nagkibit-balikat na lamang ang huli at saka nagpaliwanag pa, "basta kapag kinausap kita maya-maya sasapakin na ako. Ewan baka crush ka niya."

"Imposible kasi mag-pinsan kami." Iyon ang sinabi ni Sofie at nagbuntong-hininga ang kanyang ina dahil alam niya kung ano talaga ang estado nilang dalawa ni Kelvin.


Sa Pilipinas naman ay nagising si Kelvin ng maramdaman niya ang sikat ng araw na tumatama sa kanyang balat. Kinapa niya pa ang kanyang katabi dahil gustong-gusto niyang niyayakap si Sofie sa kadahilanan na malambot ito at may katabaan. Napabalikwas si Kelvin ng hindi niya naramdaman ang katabi at inisip na lamang niya na baka nagising ng mas maaga sa kanya.

"Kelvin, may problema ba?" Tanong kay Kelvin ng kanyang tito Enrique – ang pangalawang asawa ni mommy – nang mapansing palinga-linga siya sa kanilang bahay.

"Umalis na sila Sofie?" Tanong naman niya kaagad rito.

"Kanina pa sila umalis Kelvin, hindi ka na pinagising dahil lalalim raw ang tulog mo." Sabi nito.

"Pupuntahan ko na lang siya mamaya sa classroom niya." Iyon na lamang ang sinabi ni Kelvin at aalis na sana sa lugar kung nasaan ang tito Enrique niya subalit nagsalita ulit ang tito Enrique niya. "Kelvin wala na sila Sofie. Pumunta na sila ng France, sumunod na sila sa tito Ken mo."

"Hindi niya iyon magagawa tito dahil nangako si Sofie na hindi siya papayag na umalis hangga't hindi ako pumapayag." Pagalit nitong sabi sa tito Enrique niya. Noong una pa lamang ay hindi na niya gusto ang tito Enrique niya.

"Sana nagloloko na lamang ako pero umalis sila kaninang madaling-araw. Gusto na raw niyang makasama ang daddy niya." Paliwanag ng tito Enrique. Hindi pa nakakapagsalita si Kelvin nag magsalita na ang kanyang mama, "Kelvin, alam mong matagal na dapat silang aalis pero ayaw ni Sofie kasi maiiwanan ka raw niya. Kaya nagpag-isipan ng tita Camy mo na kapag pumayag na raw si Sofie na puntahan ang daddy niya ay aalis sila kaagad para hindi magbago ang isip niya."


Aalis sana si Kelvin sa para habulin si Sofie pero napigilan siya ng tito Enrique niya at sinabi sa kanya na paniguradong nasa eroplano na si Sofie. Kahit ayaw ni Kelvin ay kailangan niyang maghintay sa pagbabalik ni Sofie upang matanong ang rason ng pag-alis nito.


As minutes, days, weeks, months and years passed by Sofie didn't come back. It's been eight years since the last time Kelvin is with her. Kelvin is now eighteen, while Sofie is seventeen. Kelvin is still waiting for her to come back but as time went by he is losing hopes that she will come back. He just hopes that she will, some day.


"Anong nangyayari sayo, kuya?" Sabi ng nakakabatang kapatid ni Kelvin na si Nate. Umiling na lang siya at nagdahilang tungkol sa pag-aaral ito. Umalingaw-ngaw ang isang kanya sa radio at makikitang tuwang-tuwa si Alex – ang kakambal ni Nate.

"Yay, ang ganda talaga ng boses ni Princess Tyler." Sabi pa ito habang umupo sa may tabi ni Kelvin. May dala pa itong magazine at hindi makita kung sino ang cover ng magazine na iyon dahil natatakpan ng kanyang braso. Pagkalapag ni Alex ng magazine ay ganoon na lamang ang gulat ni Kelvin ng makita niya kung sino ang nasa cover.


Si Sofie.


Kelvin waited for eight years because he can't accept the fact that he might be the reason why she suddenly left the country and then suddenly he will find out that she is now the international celebrity that is named Princess Tyler. He waited for eight years to see her, but he could see her actually in the magazines with her screen name. For eight years, he feels his heart beats again and it only beats for her. Princess Sofie Grey Tyler, the girl he fell in love with.

Bring Back the Past Operation (Dandelle Georgina's Universe)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon