Simula ng dumating si Kelvin sa bahay ng mga Williams ay hindi niya napapnsin si Sofie. Hindi naman makapagtanong si Kelvin kung kanino dahil baka mayroong makahalata. Tuwing umaga naman ay napapansin ni Kelvin na umaalis si Jaylord kasama ang mga kabanda nito at napag-alaman niyang nag-eensayo ito para sa pagtatanghal nito sa OU Ball. Tuwing aalis si Jaylord ay hindi naman kasama si Sofie kaya lalong hindi mahanap si Sofie dahil naiisip ni Kelvin na maaaring kasama nito ang ina ni Jaylord.
"Kuya could we talk?" Tanong ni Jace kay Kelvin ng makapasok siya sa loob ng kwartong tinutuluyan nila.
"Of course," sabi naman ni Kelvin at umupo ito sa tabi ng kapatid niya. "What do you want to talk about?"
"Kuya may gusto ka ba kay Sofie?" Tanong ni Jace sa kuya niya.
Nagulat naman si Kelvin sa sinabi ng kanyang kapatid at napalunok bigla siya ng kanyang laway.
"Masyado na ba akong halata kaya pati si Jace ay napansin na?" Tanong ni Kelvin sa kanyang isipan.
"N-no!" Depensang malakas ni Kelvin naman sa kanyang kapatid.
"You are lying, I could see that you love her. The way you smile whenever you saw her, the way you looked at her, and it feels like you will take a bullet from her."
"You are just imagining it, Jace." Pagsisinungaling niya.
"Psychology ang kinuha kong course, kuya. Kaya alam kong naglilihim ka. Hindi naman kita pipigilan. Kung mahal mo, ipaglaban mo. Alam mo ang totoo, kuya. Hindi ka Fraser, kuya. Saka nasa batas naman natin na pwedeng ikasal ang second cousin." Sabi ni Jace at kinuha nito ang librong gusto nitong basahin.
Nanatili si Kelvin sa kwarto at nag-iisip ng malalim dahil kung nahahalata ng kapatid ni Kelvin panigurado ay nahahalata na rin ng iba. Pero alam rin niyang maaari masaktan si Sofie kung ipaglalaban niya pa ang kanyang nararamdaman.
Buong araw na nasa loob lang ng kwarto si Kelvin at si Jace hanggang sa nagyaya si Jace kung pwedeng kumain sila sa labas. Alam na ni Kelvin ang gusto nitong puntahan, gusto nitong pumunta sa bar ng kanyang ama – si Enrique. Pumayag na lamang siya dahil alam niyang tatakas itong si Jace kung hindi siya sumama.
Palabas na sila ng bahay ng makita nilang tumatakbo ang galing sa loob.
"Pupunta kayo kay tito Enrique? Sama naman ako." Sabi ni Sofie. Pumayag naman si Jace at kitang-kita ni Kelvin kung paano ito nakatingin sa kanya na may ngisi sa labi.
Maayos naman ang pagpunta nila Kelvin, Jace at Sofie sa bar. Sumalubong naman sa kanila si Enrique – ang tatay ni Jace – at binigyan sila ng isang pribadong kwarto. Nagkukwentuhan lang naman si Jace at ang tatay nito, paminsan-minsan ay sumasama sa usapan si Kelvin at Sofie. Maya-maya pa ay nagpaalam si Sofie na sasagutin ang tawag sa kanya.
Hindi na hinintay ni Sofie ang sagot na nasa loob ng kwarto dahil nakailang missed call na si Jaylord at paniguradong nag-aalala na iyon. Lingid sa kaalaman ni Sofie ay sinundan ni Kelvin siya upang masiguradong ligtas siya at malaman na rin kung sino ang tumawag rito.
"... I am with Kelvin and Jace, don't fret yourself. Uuwi din kami and besides my mga kasama kaming bodygaurds ni Jace, alam mo namang may pagka-over protective ni tito Enrique ever since naghiwalay sila ni tita Nicky," Natahimik si Sofie at pinakinggan ang kausap sa kabilang linya. "That's not going to happened, Jaylord. I still have a control, iniisip ko pa rin naman ang pamilya ko... Okay, okay, I will be back as soon as possible." Saka pinatay ni Sofie ang tawag. Paglingon ni Sofie ay nakita niyang nakasandal si Kelvin sa pader, "oh, nandito ka pala, sino kasama ni Jace?"
"She's inside with his father and even if she is not with him, she could live inside with the bodyguards but you, you are here without anyone and you could be hurt."
Tumango na lamang si Sofie at pumasok na sila muli sa loob ng bar upang makipagkwentuhan sa tatay ni Jace. Pagkalipas ng ilang oras ay napagdesisyunan na nilang umuwi sa bahay ng mga Williams upang makapagpahinga dahil may pasok pa sila sa susunod na araw.
Dumating naman ang araw na kailangan ng bumalik sa OU ng mga anak ng stockholder. Nakasuot ng simpleng polo shirt si Jaylord at Kelvin, at nadatnan ni Sofie si Jaylord na nag-aayos ng kanyang kuwelyo.
"Hanggang ngayon hindi ka pa rin marunong mag-ayos." Sabi ni Sofie habang inaayos ni Sofie ang kuwelyo ni Jaylord.
"Nandiyan ka naman para ayusin." Mapang-asar na sabi ni Jaylord at tumawa naman si Sofie.
"Tsk." Narinig ni Jaylord at Sofie ang mahinang sabi ni Kelvin, at nakita nila itong umalis na hindi mapinta ang mukha. Natawa naman si Jaylord at sinabing nagselos ang pinsan ni Sofie, hindi naman ako pinansin ng huli.
![](https://img.wattpad.com/cover/371539345-288-k53646.jpg)
BINABASA MO ANG
Bring Back the Past Operation (Dandelle Georgina's Universe)
RomancePara kay Sofie Tyler ay nasa kanya na ang lahat. Masayang pamilya, magandang career at sobrang mapagmahal na kasintahan pero may kulang pa rin, iyon ang nararamdaman niya. Nangungulila siya sa taong iniwanan niya sampung taon na ang nakakaraan. Paan...