Hindi akalain ni Kelvin at nasa harapan siya ngayon ng bahay ng mga Williams upang kausapin ang ina ni Jaylord. Ilang beses na rin tinanong ni Kelvin ang ama ni Sofie kung alam nito kung nasaan ang ina subalit wala itong masagot.
Pagkadating niya sa may pintuan ng bahay ay rinig na rinig mo kaagad ang mga tawanan ng mga tao roon lalong-lalo na ang tawa ng kanyang minamahal. Huminga ng malalim si Kelvin at saka kumatok sa pintuan. Pagkabukas ng pintuan ay bumungad kaagad sa kanya si Sofie at tinanong siya kung anong nangyari.
Hindi na lamang niya ang ditalyeng nangayari at sinabi na lamang niya na ayos na ang lahat. Niyaya naman siya ni Jaylord na pumasok sa bahay ng mga ito at nakita ni Kelvin ang tumatakbong batang lalaki.
"Si Alyzianna?" Tanong ni Sofie.
"Dinala muna ng mommy sa kanila. Nangulila raw sila sa apo nila." Sabi ni Kelvin at tumango. Lumingon naman si Kelvin kay Jaylord, "I owe you one."
"Nah, she's my bestfriend. You don't owe me one." Sabi naman ni Jaylord.
"Siguro pero sa mommy meron." Sabi ni Kelvin. Nagtataka naman si Jaylord kung anong ibig sabihin ni Kelvin at magtatanong na sana ito ng magsalita ang ina ni Jaylord. "Anong tungkong sa akin?"
Nilingon naman niya ang ginang at nakangiting sabi, "Alam kong kilala niyo ako, pero gusto ko lang magpakilala. Kelvin Zack Moore Smith po ang pangalan ko." Sabi ni Kelvin at napatayo si Jaylord sa narinig dahil ang apelyidong Moore ay apelyido ng kanyang ina noong dalaga pa ito.
"Alam ko. Si Alvin ba ang nagsabi?" Tanong ng ina ni Jaylord.
Umiling naman si Kelvin, "Bill Fernandez told me."
"Your grand uncle." Nakangiti nitong sabi at naiiyak na si Kelvin dahil sa buong buhay niyang minamahal niya si Sofie ay mayroong kulang sa kanya at iyon ang tunay niyang ina.
"Mommy! Anong ibig mong sabihin?" Gulat na tanong ni Jaylord. Hindi naman pinansin ng ina ni Jaylord ang kanyang anak bagkus ay niyaya silang umakyat sa ikalawang palapag ng bahay papasok ng isang kwarto.
Lahat sila ay pumunta roon at nakita ni Kelvin ang isang taong nakaratay sa isang kama na maraming aparato.
"Kassandra Zacharee Moore-Smith." Bigkas ng ina ni Jaylord. Lumapit naman si Kelvin rito at kitang-kita niya ang kayumangi nitong balat, ang unat nitong buhok at ang bilugin nitong mukha. "Three months old ka palang nung naaksidente kayo dahil gusto kang patayin ng mga miyembro ng Orca. Nang nabaril ang iyong ina at ilang beses ka ng montikang mamatay, kailangan gumawa ng ama mo ng paraan. Kaya naghire siya ng isang member ng The Great Dynasty para maging tagabantay mo."
"Si mama Nicky." Naiiyak niyang sabi.
"Oo. Napilitan rin ang ama mo na pinalitan ang pangalan mo from Kassandros Kelvin Zachary Smith to Kelvin Zack Smith. Inilabas na tinago ni Nicky na buntis siya sayo at ang ama pa rin si Alvin. Walang makakagalaw sa'yo dahil si Nicky ang pinakamagaling na ahente sa Great Dynasty noong panahon niya."
"Paanong nasama si tito Enrique?" Tanong ni Kelvin na ang tinutukoy niya ang naging asawa ng kanyang kinilalang ina.
"Nang magkagusto si Nicky kay Enrique gumawa ng paraan si Alvin upang magkaroon ng magandang buhay si Nicky habang inaalagaan ka. Kaya pinalabas niyang naghiwalay sila at iniwan ka niya kay Nicky. Sa ilang taong pagbabantay ni Nicky sa'yo hinihiling ko na sana yung nanay mo ang nag-aalaga sayo pero eto siya nakaratay. Hanggang ngayon ayaw bitawan ng ama mo siya dahil hindi niya raw kayang mawala ito."
"Lahat ng gobyerno hindi kayang ilabas ang birth certificate mo dahil nasa Tuscany pa rin naman ang birth certificate mo at mahirap ilabas iyon hangga't hindi ikaw ang ama ng bata."
Tumango na lamang si Kelvin at hinawakan ang kamay ng ina. "Mommy, si Kassandros ito." Bulong ni Kelvin. Dumukdok ito at umiyak.
Iniwanan naman ng pamilyang Williams si Kelvin at Sofie sa loob ng kwarto. Ilang oras silang naroon at nagsasalita si Kelvin sa isang babaeng nakahiga sa kama na wala namang malay. Para niyang kinukwento ang kanyang talambuhay para makilala siya ng kanyang ina. Nakikinig lamang si Sofie habang hawak niya ang kamay ni Kelvin dahil sa ganitong paraan ay nakilala rin niya ang nangyari sa kanyang minamahal noong panahong hindi pa sila magkasama.
Dumaan ang ilang buwan ay nagpapabalik-balik si Kelvin sa bahay ng mga Williams upang dalawin ang kanyang ina ng minsan nakasalubong niya ang ama at niyaya niyang mag-usap. Pumayag naman ito at tinungo nila ang opisina niya sa organisasyon upang doon sila makapag-usap.
"Anong gusto mong pag-usapan?" Tanong ng kanyang ama pagkapasok na pagkapasok nila sa opisina.
"Bakit hindi mo sa akin sinabi ang totoo?"
"Dahil hindi ka pa handa." Sabi ng ama niya.
"Bakit gusto nila akong patayin?" Tanong ni Kelvin.
"The heir of the leader per country is hereditary. Your mother is the leader of the Moore family, ancient family in Irish, one of the family that builds The Great Dynasty and she is the leader of the Great Dynasty – Irish, and my family not the Smith but the Makadatu is the ancient family here in the Philippines, also one of the familly that builds The Great Dynasty."
"I will heir two country?" Tumango naman ang ama ni Kelvin. "Tapos si Sofie heir to the Great Dynasty – France." Tumango ulit ang ama niya. "I want my family safe, Sofie is pregnant. I don't want to happened what happened to me."
"We have a distant relative who is an Australian royal blood, they are still Makadatu they can be my heir but I can't speak for your mother, ask Miranda about it. Ask Sofie if she wants her father's position, if she doesn't want then Nicky's son will take over."
"Dad, ang bata pa ni Nate at hindi niya kakayanin."
"I know. Either way, magiging leader ang anak niyo dahil hindi papayag ka o si Sofie na ipahamak ang taong hindi miyembro ng organisasyon."
"I am not ready to take it." Sabi ni Kelvin.
"Alam ko. Kaya ipapasa ko muna kay Yaakov ang posisyon ko at kaapag alam niyang handa ka na sasabihin niya sa'yo." Sabi ng kanyang ama. Tinapik siya sa balikat saka umalis ng opisina.
BINABASA MO ANG
Bring Back the Past Operation (Dandelle Georgina's Universe)
RomancePara kay Sofie Tyler ay nasa kanya na ang lahat. Masayang pamilya, magandang career at sobrang mapagmahal na kasintahan pero may kulang pa rin, iyon ang nararamdaman niya. Nangungulila siya sa taong iniwanan niya sampung taon na ang nakakaraan. Paan...