Natagpuan ni Kelvin ang sarili na kasama ang daddy ni Sofie sa ospital. Pagkarating nila roon ay nakapanganak na raw si Sofie at dadalhin na raw ito sa pribadong kwarto. Papasok sana si Kelvin upang makita si Sofie subalit natagpuan niya ang sariling umalis sa ospital at sumakay sa eroplano pabalik ng Pilipinas.
Ilang oras na mahimbing ang tulog ni Sofie at binabantayan lamang siya ng kanyang mga magulang at ni Jaylord. Pagkagising ni Sofie ay hinanap kaagad niya ang kanyang anak.
"Gusto kong makita ang baby ko." Sabi ni Sofie habang tinitignan ang mga tao roon at pinipilit umupo. Tumango na lamang ang mga ito at nagpatulong sa isang nurse.
Noong una ay gustong kamuhian ni Jaylord ang bata ngunit hindi niya magawa dahil na rin sa mga magagandang naidulot ng mga pangyayari at hindi naman kasalanan ng bata ang mga nangyari sa kanila. Sadyang siya ang naging bunga ng pagmamahalan ng dati niyang iniibig at ang bagong iniibig nito.
Pagkarating nila sa nursery room ay tinuro ni Jaylord ang sangol na may pangalan na "daughter of Princess Sofie Tyler". Nang inilagay ng isang nurse ang sanggol sa kanilang harapan ay napalingon si Jaylord kay Sofie at doon niya nakitang nakatitig ito sa kanya.
"Bakit?" Tanong nito rito.
"Salamat sa lahat." Tanging sabi ni Sofie at niyakap niya ito. Simpleng pasasalamat at nasiyahan na si Jaylord.
"Anong ipapangalan mo sa kanya?" Tanong ni Jaylord sa kanya.
"Alyzianna Blaze Tyler." Sabi ni Sofie ng pabulong. Nawala ang ngiti ni Sofie ng marinig ang apelyidong gustong gamitin ni Sofie at napansin naman ito ng huli. "Ayokong ipagkait kay Kelvin ang bata pero kailangan. Ayokong madamay ang anak ko sa mga panghuhusga ng tao."
"Sofie, kaya nga nagpapalakas si Kelvin para sa iyo, sa inyo. Give her his name, Sofie." Paliwanag ni Jaylord.
"Tama si Jaylord, anak. Lahat kami rito sinusuportahan ang pagmamahalan niyo kaya ibigay mo." Nakangiting sabi naman ng daddy ni Sofie.
Tumango si Sofie at tinignan muli ang kanyang sanggol. Hinihiling niya na sana makita ni Kelvin ang kanilang sanggol kung gaano ang hawig nito sa kanya.
Napalingon si Kelvin sa kanyang cellphone ng may tumawag sa kanya. Pagtingin niya ay ang kanyang papa.
"Yes, papa?"
"Dirigeant Ken, called me and saying that the son of Datu Alvin didn't visit see his new-born daughter." Galit na sabi ng papa ni Kelvin.
"I am sorry papa. I –"
"Got chicken out?" Galit na sabi pa rin nito.
"No! Of course not. I stand my will to protect her and now, I will protect not just the daughter of Dirigeant Ken but also my daughter." Sabi ni Kelvin sa kanyang ama.
"Good. All you need are patience and perseverance, my son, you will be powerful. And, by the way, they are safe. I will make sure of that." Sabi ng papa ni Kelvin at ibinaba na ang tawag.
Mga ilang minuto ang lumipas ay napakunot ang noo ni Kelvin ng may pumasok sa system ng organization subalit napalitan ito ng ngiti ng makita niyang mensahe ito galing kay Jaylord.
Alyzianna Blaze T. Smith: daughter of Kelvin Zack Smith and Princess Sofie Tyler, and granddaughter of Diregeant Ken Tyler and Datu Alvin Smith. Protect at all cost.
Tanging pasasalamat ang maibibigay ni Kelvin kay Jaylord. Iyon ang nasa isipan niya lalong lumapad ang kanyang ngiti ng makatanggap siya ng mensahe derekta kay Jaylord at may litrato ito ng kanyang anak. Unang tingin pa lang ni Kelvin sa litrato ng kanyang anak ay nagkaroon siya lalo ng lakas upang magtagumpay at makamit ang kapangyarihang inaasam upang maprotektahan si Sofie.
Ilang buwan ang nakalipas at naging makapangyarihan na si Kelvin habang si Sofie ay tumutulong na rin sa organisasyong ngunit palihim, siya ang nagiging mata at tainga ng mga miyembro ng origanisasyon sa France. Si Jaylord naman ay naging makapangyarihan na rin at handa ng kunin ang babaeng kanyang tinatangi.
Sumabay naman ang kasal ng isang matalik na kaibigan ni Jaylord na si Lester at ang kaibigan ni Kelvin na si Cryzel. Iyon ang naging dahilan ni Jaylord upang makauwi sila ni Sofie ng maaga. Pagkarating nila sa Pilipinas ay sa bahay ng mga Williams nanatili si Jaylord habang ang mag-inang si Sofie at Alyzianna ay sa bahay ng mga Tyler nanatili.
Nang araw na ng kasal ni Lester at Cryzel ay sinama ni Sofie ang kanyang anak upang kahit papaano ay makita ng lahat ang kanyang anak. Simula ng maging miyembro siya ng organisasyon ay nalaman niya na kung sino ang miyembro at sino ang hindi.
Natutuwa pa nga si Sofie dahil kahit mayaman ang dalawang ikakasal ay sobrang simple ang kasal.
"Ang ganda naman ng mag-inang ito." Biglang sabi ni Jaylord. Napangiti naman si Sofie dahil simula ng malaman niya na may napupusuan na itong si Jaylord ay gumaan ang kanyang damdamin.
Nang oras na ng kasal ay kinakabahan si Sofie at hindi niya alam kung bakit. Hinayaan na lamang niya iyon at nang matapos ang kasal ay niyaya si Sofie ni Jaylord upang pumunta ng reception. Binuhat ni Jaylord si Alyzianna at lumabas ng simbahan, hinanap naman ni Sofie ang kapatid ni Jaylord ng biglang may nabungo siyang isang tao.
"I'm sorry." Paghingi ng tawad ni Sofie
"Ako dapat at humingi ng tawad." Sabi naman ni Kelvin at saka ngumiti ito.
Sa higit isang taon nilang hindi pagkikita nila Sofie at Kelvin ay hindi pa rin nagbago ang anyo nito maliban na lamang kung paanong ayos ng buhok nito. Sa higit isang taon nilang hindi pagkikita ay hindi mawari ni Sofie na ganito pa rin ang magiging epekto ni Kelvin sa kanya.
"Sofie!" Naputol ang pagtititigan ni Sofie at Kelvin ng tinawag ni Yannezza si Sofie. "Umiiyak si Alyzianna, pinanggigilan nila doon." Patuloy nito habang lumalapit sa kanila.
"Kelvin." Pagbati naman ni Yannezza sa kaharap ni Sofie.
"Yannezza." Nakangiti ito kay Yannezza habang si Yannezza naman ay lumingon kay Sofie at parang kinikilig na hinatak si Sofie papunta sa anak nito.
Matapos ng reception ng kasal ay napagdesisyunan ni Sofie na bisitahin ang kanyang abuelo upang makilala nito si Alyzianna. Pagkarating nito sa dating tinitirhan ay laking tuwa nito na halos walang nagbago sa kanyang abuelo maliban na lamang sa nagmukha itong tumanda lalo.
Habang si Jaylord naman ay pinuntahan ang bar kung saan nagtratrabaho ang babaeng pinapabantayan niya kay Kelvin. Pagkarating niya isang entablado ang bumungad sa kanya at halos mapako siya sa kanyang kinatatayuan dahil nakita niya ang babae pinapabantayan niya na sumasayaw na halos wala ng saplot. Napapikit si Jaylord habang ang mga kamay niya ay unti-unting kumuyom at tuluyan ng lumabas ng bar upang gumawa ng paraan para maialis ang babae sa ganoong situwasyon.
BINABASA MO ANG
Bring Back the Past Operation (Dandelle Georgina's Universe)
RomancePara kay Sofie Tyler ay nasa kanya na ang lahat. Masayang pamilya, magandang career at sobrang mapagmahal na kasintahan pero may kulang pa rin, iyon ang nararamdaman niya. Nangungulila siya sa taong iniwanan niya sampung taon na ang nakakaraan. Paan...