Chapter 14

2 2 0
                                    

Ngayong gabi ay desidido na si Jaylord kalabanin ang lahat upang mapalaya lang ang babaeng gusto niya. Pagkapasok niya sa loob ng bar ay eksaktong tinawag ang stage name ng babae. Nakakamaong umupo si Jaylord sa isang upuan. Hindi niya maatim na sumasayaw ito ng wala sa kagustuhan.


"Waiter!" Tawag niya sa waiter at ng lumapit ito "How much is the girl for take-out?" Sabi niya kunwari ay hindi siya nasusuka sa pinaggagawa nito.

"I am sorry, Sir. Sunshine is only available for public and private dance." Sabi nito at aalis na sana subalit hindi nagpatinag si Jaylord. "If I buy her, how much is her worth?"

"I can't give you the amount but you may talk to the Lady of the house."

"Then I want to talk to her." Madiin nitong sabi.


Niyaya naman si Jaylord ng waiter sa isang kwarto at nanroon ang sinasabing Lady of the house. Hindi kilala ni ng Lady of the House kung sino ang nasa kanyang harapan kaya nagpakilala si Jaylord bilang ibang tao.


Nang magkasundo ang Lady of the House at si Jaylord ng presiyo para sa babae ay nilabas ni Jaylord ito palabas ng bar pasakay sa kotse niya.


"Wear this." Sabi nito at ibinigay rito ang isang t-shirt. Hindi naman nagsasalita ang babae kaya tumawag si Jaylord sa isang taong alam niyang makakatulong sa kanya.

"Williams, need help?"

"Jimenez, I need someone to raid the bar."

"Don't worry, I already inform John and Henry regarding the raid." Sabi nito.

"Thank you, David."

"Anytime, Williams." Sabi naman ng kausap at tinignan niya muli ang babae.


Nakayuko lamang ito hindi nagsasalita. Mukhang naninimbang itong babaeng ito sa isip-isip ni Jaylord.


"May gusto ka bang puntahan?" Tanong ni Jaylord.

"Kahit saan mo gusto, Sir." Sabi nito.

"Ang tanong ko saan mo gusto, hindi yung gusto ko." Paliwanang naman ni Jaylord.


Hindi ulit nagsalita itong katabi ni Jaylord kaya napag-isipan na lamang ni Jaylord na dalhin ito sa ospital kung nasaan ang kapatid nito. Nagtataka naman itong kasama ni Jaylord kung bakit siya dinala rito.


"Alam kong may kapatid ka at kailangan ng kapatid mo ng malaking pera para mapagamot ang kapatid mo kaya pinasok mo yun." Paliwanag ni Jaylord at niyaya niya ang babae na sa loob ng ospital.


Tumango na malamang ulit ang babae at lumabas ito ng kanyang kotse. Hindi alam ni Jaylord kung ano ang pumasok sa kanyang isipan at sinundan niya ito. Pinangako niya sa sarili niya na matapos alisin ang babae roon ay hahayaan na niya ito sa buhay nito.


"Ate!"

"Oh, kamusta ka?" Sabi nito sa isang babaeng nakahiga sa hospital bed.

"Okay lang, Ate. Medyo pagod lang." Narinig ni Jaylord na sabi ng bata. Maya-maya pa ay narinig niya muling nagsalita ito. "Ate, pwedeng pakitugtog yung kanta nila?" Sabi nung batang babae. Hindi naman narinig ni Jaylord ang sagot ni Pauleen sa kausap bagkus ay narinig nito ang isang musika. Musika ng banda ni Jaylord. Nang matapos ang tugtog ay hindi na ako nakatiis at pumasok na sa loob.


Hindi na nakatiis si Jaylord at tuluyang pinasok ang kwarto ng bata. Nanlaki ang mata ni Pauleen at napapalunok ito.

"JM Williams!" Sigaw ng batang babae.


Kapansin-pansin rito ang isang oxygen na nakalagay sa may ilong nito at ang isang suwero na nakatusok sa kamay nito.


"Sorry, kung pumasok ako. Nacurious kasi ako kung sino yung kumanta." Sabi ni Jaylord habang nakatingin kay Pauleen. Namula ang pisngi ni Pauleen dahil hindi siya sanay na mayroong ibang tao na nakakarinig sa kanyang boses.

"Okay lang na, po!" Kinikilig na sabi ng bata.


Isinara ni Jaylord ang pintuan ng kwarto at nagsimula ng makipagkwentuhan sa mga taong naroon. Nasiyahang kausap ni Jaylord ang mga taong naroon kaya nagpabalik-balik na rin ito sa ospital. Hanggang isang araw ay nagkita niya si Pauleen na nasa labas ng kwarto ng kapatid nito.


"Anong problema?" Nagtatakang tanong ni Jaylord nang makalapit ito kay Pauleen.

"Sobra-sobra na ang tulong na ibinigay mo sa amin ng kapatid ko." Sabi nito na ikinakunot ng noo ni Jaylord dahil hindi niya alam kung ano ang sinasabi nito. "Pumunta ako sa cashier kanina para malaman ko kung magkano na yung bill namin dito sa ospital pero bayad na raw at ikaw lang ang alam kong maaaring gumawa nito."

"Wala yun." Sabi na lamang ni Jaylord. Ayaw paalam ni Jaylord kay Pauleen ang tunay niyang nararamdaman dahil alam niyang maiilang ito sa kanya.


Niyaya naman niya si Pauleen na pumasok na sa loob ng kwarto ng kapatid nito. Pagkapasok nila sa loob ay iba ang itsura nito at alam ni Jaylord na maaaring ito na ang huli.


"Patpat, kamusta?" Magiling na bati ni Jaylord.

"Pagot na ko kuya, ate." Sabi ng kapatid ni Pauleen. Lumapit si Pauleen sa kapatid at hinawakan ang kamay nito. Maya maya pa ay may luhang tumulo sa mga mata ni Pauleen. Alam na alam ni Pauleen at ni Jaylord ang ibig sabihin ng bata, lumapit naman si Jaylord rito at hinawakan niya ang braso nito habang nasa likod ni Pauleen ang isang kamay niya.

"Tulog ka na." Sabi ni Pauleen. "Alam ko namang pagod ka na, ako lang yung nagpapapagod sa'yo."

"Hindi ikaw ang nagpapapagod sa akin ate." Sabi naman nito saka lumingod ito Jaylord at sinabihang lumapit ito dahil may ibubulong. "Kuya, nararamdaman ko ang pagmamahal mo sa ate ko. Huwag mo po siyang pabayaan, please?" Bulong ng kapatid ni Pauleen. Bilang pagsagot ay tumango si Jaylord.


Pumikit ang kapatid ni Pauleen at maya-maya ay tumunog ang heart rate device nito na nagsasabing wala na ang bata. Kasabay ng pagyakap ni Pauleen kay Jaylord ay ang pagpasok ng mga nurse at pinipilit isalba ang buhay ng kapatid ni Pauleen.

Bring Back the Past Operation (Dandelle Georgina's Universe)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon