Tahimik na nanonood ng telebisyon si Kelvin habang sumisimsim ng mainit na kape. Ilang araw na ang nagdaan subalit hindi pa rin mawala sa kanyang isipan ang kagandahan ng kanyang sinisinta at nang kanilang supling.
Paalis na sana si Kelvin sa harapan ng telebisyon ng biglang may binalita na naaksidente si Sofie. Kinabog ang kanyang dibdib at nagmadaling tinahak ang kanyang garahe upang kunin ang kanyang kotse upang tahakin ang ospital.
Tinatawagan ni Kelvin si Jaylord subalit hindi ito sumasagot kaya lalo siyang nag-aalala. Isang tao lang ang pwede niyang tawagan na maaaring may alam kung nasaan si Sofie.
"Cryzel." Pagtawag niya sa pangalan ng kaibigan pagkasagot nito ng tawag.
"Nasa Lumbres Hospital si Sofie. Alam ko iyan ang itatanong mo, nandito kami kasama si Jaylord at ang anak mo nasa bahay ni tita Camy."
"Salamat." Iyon lang ang sinabi ni Kelvin at ibinababa na ang tawag.
Pagkarating ni Kelvin sa Lumbres Hospital ay nakita kaagad niya ang asawa ng kaibigan at sinabi nito kung saang kwarto ito nalalagi. Pagkarating niya roon nakita ni Kelvin si Jaylord ay nakaduktok sa may higaan.
"Jaylord." Pagtawag ni Kelvin at paglingon nito kitang-kita ni Kelvin ang pagkamugto ng mga mata nito.
"Paano mo nabalitaan?"
"TV." Simpleng sagot nito at tumango na lamang si Jaylord.
Tinignan naman ni Kelvin ang mga mukha ni Sofie na mahimbing ang tulog. Naiinis si Kelvin sa kanyang sarili dahil alam na niyang lihim na tumutulong si Sofie sa organisasyon at maaari itong mapahamak subalit hindi pa rin niya ito pinrotektahan kahit may kapangyarihan na siyang taglay.
"Patawad, Kelvin." Iyon ang unang sabi ni Jaylord ng ilang minutong katahimikan,
"Para saan naman?"
"Pinrotektahan mo yung babaeng gusto ko pero yung babaeng mahal mo hindi ko naprotektahan." Pagpapaliwanag niya.
"Hindi totoo 'yan. Halos dalawang taon mong pinrotektahan si Sofie habang nagpapalakas ako at halos isang dekada mo siyang pinrotektahan laban sa mapanghusgang mundo. Hindi mo kasalanan ang nangyari, alam mong maaaring mangyari ito dahil sa kalaban natin." Paliwanag ni Kelvin.
"Kahit na, simula ba –"
"Parehas tayong may kasalanan, parehas tayong naging maluwag sa pagprotekta sa kanya. Kaya huwag kang humingi ng tawad." Napabuntong-hininga naman si Jaylord. "Anong balak mo pala doon sa babae? Gusto mong malaman pangalan niya?"
"Tinawag siyang Sunshine sa entablado ng pumunta ako noong nakaraan. Hindi ko kinaya, kitang-kita ko yung lungkot niya bago siya sumayaw pero nagbago nung pinagbabato na siya ng pera." Paliwanag ni Jaylord.
"Pauleen De Chavez ang pangalan niya. Yung tatay niya isang singer pero namatay sa aksidente kasama ng nanay niya, naiwan sa kanya kapatid niya at wala siyang ibang alam na paraan para buhayin niya kaya pinasok niya iyon at naging si Mina siya."
"Salamat."
"Wala yun, sa lahat ba naman ng sakit ang naidulot ko sa'yo. Kulang pa nga ata yun."
"Seloso ka kasi." Sabi ni Jaylord at tumawa naman si Kelvin.
Napalingon naman si Kelvin kay Sofie ng tinawag nito ang pangalan niya. Akala niya gising na ito pero mahimbing pa rin ang tulog nito.
![](https://img.wattpad.com/cover/371539345-288-k53646.jpg)
BINABASA MO ANG
Bring Back the Past Operation (Dandelle Georgina's Universe)
Storie d'amorePara kay Sofie Tyler ay nasa kanya na ang lahat. Masayang pamilya, magandang career at sobrang mapagmahal na kasintahan pero may kulang pa rin, iyon ang nararamdaman niya. Nangungulila siya sa taong iniwanan niya sampung taon na ang nakakaraan. Paan...