Epilogue

1 0 0
                                    

Hindi mawari ni Sofie kung iiyak ba siya dahil ikakasal na ang panganay niyang anak na si Alyzianna sa lalaking mahal nito o matatawa siya dahil kanina pa iyak ng iyak si Kelvin sa kanyang tabi. Hindi naman ito humahagulgol subalit tulo ng tulo ang mga luha nito simula ng ibinigay na nila ang kanilang anak sa taong pakakasalan nito. Hindi nga mawari ni Sofie kung paano na may tumutulo pang mga luha rito dahil kanina pa ito iyak ng iyak.


"Kelvin, baka sabihin ng mga tao rito hindi ka payag makasal ang anak natin sa taong mahal niya." Bulong ni Sofie kay Kelvin. Pinahid naman nito ang kanyang luha at saka tumingin sa asawa.

"Alam mong hindi 'yan totoo. Mahal na mahal ko si Alyzianna at ayokong masaktan siya. She's still my baby and my princess." Sabi niya at may tumulo muling luha sa kanyang mata.


Sa kanilang dawala ni Kelvin ay alam na alam ni Sofie na siya ang iyakin subalit kapag mga anak na ang pinag-uusapan ay maaaring maging leon si Kelvin na sobrang tapang o magiging tulad ngayon na iyak ng iyak.


Hinilig ni Sofie ang kanyang ulo sa balikat ng kanyang asawa. Naalala na naman ni Sofie na tuwing na kapag napag-uusapan ng kanilang mga anak ang kasal ay nagiging emosyonal na si Kelvin. Tawag nga ng mga ito kapag nagiging emosyonal na ang kanilang ama ay hashtag father problem (#fatherproblem).


"... ikaw ang prinsesa ng tatay mo at hinding-hindi ko ipagkakait sa kanya iyon pero ikaw ang reyna ko tulad ng pagiging reyna ng nanay mo at ng nanay ko." Sabi ng mapapangasawa ni Alyzianna.


Lumingon muna si Alyzianna sa mga magulang niya tapos tinignan niya ang dalawang kapatid at tinuro ni Alyzianna ang kanilang ama. Lumingon naman ang dalawang nakakabatang kapatid ni Alyzianna at natawa ito ng makita ang itsura ng kanilang ama. Pinagdikit pa ni Lukas ang dalawa nitong daliri sa bawat kamay upang bumuo ng simbolong hashtag. Natawa naman si Alyzianna sa inakto ng kapatid at ng kanilang ama bago lumingon muli sa kanyang mapapangasawa.


"Si daddy nagha-hashtag father problem ulit." Natawa naman ang mga na a simbahan dahil sa sinabi nito. "I am in a coma for eight years pero hindi sumuko sila daddy kaya siguro ganiyan siya ngayon. Noong naging tayo, akala ko magiging kriminal si daddy dahil mabubugbog ka niya pero hindi, he is cool standing infront of us and asked me if I am happy. Nang nag-propose ka sa akin akala ko magiging kriminal ulit si daddy dahil makakapatay na siya pero hindi, he simply bit his lips fighting the tears in his eyes and asked me if I am happy. My father only wants my happiness and you are my happiness. I asked my father last night if it is really okay for him that I will marrying you, he said and I quote 'ayokong mawala ang prinsesa ko pero hindi ibig sabihin ayokong hindi kita ihatid sa altar at ibigay sa taong mahal mo.' Dahil sa sinabi mo ngayon alam kong tama ang pinili ng puso at ng kaluluwa ko para maging katuwang ko habangbuhay. You are committed to love not only me but my family as well and that I commit as well that I will love them more than before because your family is my family as well." Pangako ni Alyzianna sa kanyang mapapangasawa.


Napalingon si Sofie kay Kelvin at may ngiti ito sa mga labi, maya-maya pa ay lumingon na rin si Kelvin at ngumiti ito sa kanya. Matapos siyang ngitian ay lumingon naman ito sag awing kanan niya at kitang-kita ni Sofie kung paano ang tingin ni Kelvin kay Kayezza na kasama ang kasintahan nito habang katabi nito si Lukas.


"Having a hard time giving him your blessing?" Tanong ni Sofie. Natawa naman si Kelvin at hinalikan ang asawa sa pisngi. "Hindi pa ako handang maging in-law ang anak ng ex-boyfriend mo."


Kelvin and Jaylord are best of friends already and Sofie know he is only joking. Sobrang swerte ni Sofie dahil kahit anong nangyari sa kanilang dalawa ay buong tapang hinarap ni Kelvin.


Simula ng ikasal sila pinangako niya sa sarili niya na habangbuhay niyang mamahalin si Kelvin. Para kay Sofie si Kelvin ang kanyang buhay ganoon niya ito kamahal at ganoon rin ang pagmamahal ni Kelvin para sa kanya.

🎉 Tapos mo nang basahin ang Bring Back the Past Operation (Dandelle Georgina's Universe) 🎉
Bring Back the Past Operation (Dandelle Georgina's Universe)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon