Chapter 3

2 2 0
                                    

Pagkaalis ni Sofie sa hardin ay dumiretso nakaagad siya sa kwarto na pansamantala niyang pagtutuluyan. Pagkapasok ni Sofie sa tinutuluyang kwarto ay nadatnan niya ang kanyang mommy at daddy na hinihintay siya. Sinarado niya ang pintuan na iyon at wala siyang pakialam kung napalakas ang pagkasara niya nito saka tumakbo siya papunta sa kanyang mommy para mag-umiyak sa mga bisig niya. Hinayaan naman siya ng kanyang mommy at nakatingin lang naman sa kanya ang kanyang daddy.


Nakalipas na dalawang taon sa pagtira niya sa Paris at walong taon sa Washington, ay pinilit na binago ni Sofie ang kanyang anyo at pagkilos upang mawala sa isip niya ang sinabi ni Kelvin ng gabing iyon. Tuwing maaalimpungatan siya sa gabi ay iyon ang natatandaan niya. Lahat naman ay ibinigay sa kanya ng kanyang mga magulang. Alam ni Sofie na hindi ito ang huli nilang pagkikita ni Kelvin kaya pinaghandaan niya. Ngunit hindi niya alam na ganito kasakit.


Matapos ang insidente ay hindi nagpapakita si Sofie sa kahit na sino, ganoon rin ang ginawa ni Kelvin. Sa pag-uusap nila ay parehas silang nasaktan at hindi nila iyon alam. Ilang kamag-anak na rin nila ang pinilit silang lumabas sa kanya-kanya nilang kwarto. Walang nagawa ang kanilang tito Zaniel at pinuntahan sila ni Kelvin sa kanilang kwarto. Napapayag naman nito si Kelvin na makihalobilo pero si Sofie ay kailangan ng matinding pangungumbinsi.


"Magkukulong ka na lang ba dito?"

"No, it is just that I am not in the mood to socialize."

"Not in the mood or are you were hiding from someone." Pagpuna ni Zaniel kay Sofie, "come on. Minsan lang ang reunion na ito at panigurado matagal ulit bago namin makitang magkasama sa iisang bubong kayong dalawa ni Kelvin."


Hindi naman nakakibo si Sofie dahil hinatak na siya ng kanyang tito Zaniel paalis ng kanyang kwarto. Dinala naman siya nito sa hapag-kainan upang makakain raw ng masarap na kakanin na isa sa mga nangulila niyang kainin.


Nadatnan nila Kelvin sa hapag-kainan na kumakain ng kakanin. Tahimik ito at hindi nakikihalubilo. Maliban ay may iba pang tao na naroon at nakikilala na niya kung sino ang mga ito, mga kapatid ni Kelvin


"Sabi na nga ba, ikaw 'yun.!" Sabi ng isang babae na katabi ni Kelvin.

"Alexandrea D'Luxed, ang ingay mo. Kahit kailan ang daldal mo." Saway bigla ni Kelvin.

"Kelvin, ayos lang. Madaldal rin naman ako." Sabi ni Sofie kay Kelvin.


Simula ng dumating si Sofie nagkatinginan silang dalawa at kitang-kita ni Sofie ang halo-halong emosyon sa mga mata ng binata. Hindi nila mawari kung ilang minuto silang nagtitigan pero naputol ito ng biglang tumayo si Kelvin at umalis sa hapag-kainan.


Matapos umalis si Kelvin ay dumating naman ang daddy Ken ni Sofie at sinabi rito nakailangan na nilang umalis. Habang sila Kelvin naman ay nanatili ng ilang araw bago lumuwas pabalik ng Maynila. Nanibago pa nga si Kelvin dahil hindi pinigilan ng kanilang mga abuela ang kanyang tita Camy.


Pagkarating nila Kelvin sa Maynila ay nagpahinga lamang ito ng isang araw dahil kinabukasan ay may pasok na muli siya.


"Hey, did you hear that there is a new student here in O.U.?" Anunsiyo ng isa sa mga kaibigan ni Kelvin.

"Why are you interested? Every semester there is a new student because they enrolled here." Maangas naman na sabi ni Kelvin.

"This is different. She is not an ordinary enrollee of the school. They said that she is a princess."

"Real princess, like Princess Diana?" Tanong ng isa pa sa kaibigan ni Kelvin.

"Not like that. But she is a princess of an empire." Napakunot naman ang noo ko. "She is the daughter of the owner of KMT Enterprise."

"KMT Enterprise, as in the Ken Montero Tyler Enterprise?" Nagtanong ang isa pang kaibigan niya.


Kilalang-kilala ni Kelvin kung sino ang may ari ng KMT Enterprise at kung sino si Ken Montero Tyler. Tatay iyon ni Sofie. Kung tama ang sinasabi ng kaibigan niya ibig sabihin mag-aaral sa Orion University si Sofie.


"Is that JM Williams?" Bulalas na tanong ng isa sa mga kaibigan niya na nakatingin sa may pintuan.


Hindi nagkamali ito dahil ang pumasok sa loob ay si Jaylord Michael Williams, ang isa sa mga taong kinagagalit niya simula ng bata pa sila. Napatayo si Kelvin ng makita niya ang kasama ni Jaylord at hawak-hawak nito ang kamay ng kanyang kaaway.

Bring Back the Past Operation (Dandelle Georgina's Universe)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon