Chapter 11

2 2 0
                                    

Halos anim buwan na nanatili si Sofie at Jaylord sa Britain, at halos walong buwan nang nagdadalan tao si Sofie. Wala namang problemang nababalitaan si Sofie subalit maraming problemang nalaman si Jaylord na kinahaharap ni Kelvin at natatagumpayan ang mga ito at sa murang edad siya na may ari ng isang malaking kompanya na sinalba nito sa kahirapan.


Napangiti na lamang si Jaylord sa tagumpay ng lalaking nagmamay-ari sa puso ni Sofie.


"She's safe." Nakatanggap ng mensahe si Jaylord sa cellphone niya. Sa pagbabasa niya ay napangiti siya.

"Sinong ligtas?" Napatalon sa gulat si Jaylord ng magsalita si Sofie sa likod niya.

"Sofie naman. Bakit ka nanggugulat?"

"Hindi kita ginulat. Masyado ka lang natuon isip mo sa binabasa mo." Sabi ni Sofie habang kumukuha ng maiinom sa refrigirator. Pagkabalik nito sa harapan niya ay nagtanong ulit ito, "sino nga yung ligtas?"

"Arghh! Alam mo minsan chismosa ka." Sabi ni Jaylord na kinatawa naman ni Sofie subalit hindi nagpatinag si Sofie. "Fine! She's the girl I met a few months back and I asked Kelvin to take care of her."

"K-kelvin, would do that for you?" Sofie asked in shock.

"Oo naman, simula ng umalis si Kelvin nalaman ko kung nasaan siya at kung ano pinaggagagawa niya. Nagpapalakas siya para maprotektahan ka niya laban sa mapanghusgang mundo. Hangga't hindi niya kaya, proprotektahan kita, ng mommy ko at ng daddy mo. Habang nagpapalakas siya, tinitignan niya minsan yung babaeng nakita ko." Pagkwento ni Jaylord.

"Hindi ba pwedeng protektahan siya? Mukha kasing ang lakas ng tama mo doon."

"It can't be, because she's working on one of the competitors of the organization where we belong."

"May na kwento si daddy ng kaunti dahil ayaw niyang makasama nga ako, pero gusto kong malaman. Tungkol ba ito sa Orca organization?" Tanong ni Sofie at tumango si Jaylord.

"The club where she is working. The owner is an Australian born named Phoenix Rouxel Delgado, a powerful Orca member. The organization can't touch him yet because his back up is Cyanide Calanthe: A Duke of Australia." Paliwanag ni Jaylord.

"Nakwento iyon ni daddy sa akin dati." Nakakunot ang noong sabi ni Sofie.

"Oo at dahil sobrang makapangyarihan nila, nauubos ang miyembro natin. Kung gustong mong mapatay sila death wish ang hiling mo."


Sa nalaman ni Sofie ay nanlumo siya at hinihiling na sana hindi tangkain ni Kelvin na patayin ang mga ito. Hinaplos naman niya ang malaki niyang tiyan at naramdaman niyang sumipa ang sanggol sa kanyang sinapupunan.


Ilang linggo pa ang nagdaan at kailangan pumunta ng Paris sila Jaylord at Sofie upang dumalo sa fashion show na binuo ng mommy ni Sofie. Kinakabahan si Sofie paano magiging pakitungo ni Kelvin sa kanya dahil panigurado ay naroon si Kelvin.


Pagkarating nila Sofie sa Paris ay masayang nakita ni Sofie ang mga magulang. Marami na rin siyang mga kilalang tao sa lugar subalit mas maraming guwardiya ang nakapaligid.


"Daddy, bakit ang daming guwardiya?" Bulong ni Sofie sa kanyang daddy.

"Most of the people in here are elite members of The Great Dynasty Organization and if we became lacks many members from the upper class will be gone." Sabi naman ng daddy nito. Tumango na lamang si Sofie dahil naiintindihan niya ang responsibilidad na kinabibilangan ng kanilang pamilya.

"Kelvin!" Kumabog bigla nag dibdib ni Sofie ng marinig ang pangalan na iyon at paglingon ni Sofie ay kausap nito ang lalaking minamahal niya.


Napahawak si Sofie sa kanyang tinyan at bimulong.


Baby, that is your father.


Alam na alam ni Kelvin kung bakit siya narito sa fashion show ng kanyang tita Camy. Hinayaan na lamang niya dahil makikita rin naman niya si Sofie kahit papaano. Napalingon si Kelvin ng narinig niyang may tumawag sa kanya.


"Natutuwa naman ako at pumunta ka rito." Sabi ng mommy ni Sofie. Napangiti naman si Kelvin at pinakita rito ang envelope na may wax seal crest ng The Great Dynasty Organization. "Alam ko nakwento sa akin ni Ken."

"Tita –" hihingi sana ng tawad si Kelvin subalit pinigilan siya ng mommy ni Sofie. "Desisyon ng anak kong lumayo para sa ikakabuti ng bawat pamilya at desisyon mong lumayo para magpakalakas at maipaglaban siya.


Napangiti na lamang si Kelvin at nagpalinga-linga ito hanggang sa nakita niya si Sofie na kausap ang daddy nito. Nakikita ni Kelvin na walang problemang tinatamo si Sofie. Hinayaan niya na lamang ito at ng matapos ang fashion show ni Sofie ay hindi nya makita si Sofie. Hahayaan na lamang niya ng nakasalubong niya ang daddy ni Sofie at sinabing sinugod si Sofie sa ospita dahil nanganak na ito.

Bring Back the Past Operation (Dandelle Georgina's Universe)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon