Taon-taon ay mayroong reunion ang pamilyang Fraser subalit hindi dumadalo si Kelvin at lagi siyang nagdadahilan pero hindi niya magagawa ngayon dahil pinilit siyang sinama ng kanyang mama.
"Kelvin, anak. Handa na ba mga gamit mo papunta kila lola Shekinah mo?" Tanong ng mama ni Kelvin. Tumango na lang si Kelvin at sumunod dahil kakaibang magalit ang kinilala niyang ina. Ilang oras din biniyahe nila mula Manila hanggang Zambales kaya napagdesisyunan ni Kelvin na tignan kung ano na ang buhay na mayroon si Sofie.
Sa paglilibang niya ay hindi niya napansin ang oras at nakarating na sila sa kanilang destinasyon. Tinignan niya ang mansyon ng mga Fraser at inalala ang mga panahong magkasama sila ni Sofie. Pagkaparada ng sasakyan nila ay lumabas na sila sa sasakyan at tinulungan naman ni Kelvin ang kanyang ina sa paglabas ng kanilang mga bagahe. Pagkapasok ni Kelvin sa mansyon ay nakita niya ang kanyang mga tiyuhin at tiyahin na masayang nagyayakapan subalit hindi siya nakihalubilo at diretsong tinahak ang pamilyar na lugar kung saan ang kanyang kwarto tuwing narito siya. Tumingin pa nga siya sa katapan na kwarto ng kanyang kwarto at kitang-kita niya ang karatulang nakalagay na Princess of Fraser. Gustong pasukin ni Kelvin ang kwartong iyon subalit nakasarado iyon kaya tumuloy na lamang siya sa kanyang kwarto.
Ilang oras rin ang tinagal ni Kelvin sa kanyang kwarto ng napagdesisyunan niyang lumabas at pumunta sa sala. Natagpuan naman niya isa sa mga nakakatanda na kumakanta ng makalumang tugtugin.
"I missed your lovely voice, wowo." May nagsalitang isang babae sa may pintuan. Hindi pa nakakalingon si Kelvin ng marinig niya ang iba't-ibang boses na nagsalita ang lumapit sa babaeng nasa pintuan.
Sa boses pa lamang ay kilalang-kilala ni Kelvin kung sino iyong nagsalita. Hindi naman siya nagkaroon ng pagkakataon upang makausap si Sofie na silang dalawa lamang. Nararamdaman niyang parang iniiwasan siya nito.
Nakatambay si Kelvin sa may hardin dahil tuwing nakikita niya ang babaeng kanyang binibighani ay lalo siyang nagtataka kung ano ang ginawa niyang kasalanan dito.
"Dad, you told me that we are going to stay here for vacation but what is the mean of this? Je veux que ma vie avant." [I want my life before] Narinig ni Kelvin na sinabi ni Sofie.
"Sofie but this is your old life? Nangako ka sa akin na pagdating ng araw babalik ka ng Pilipinas at aayusin mo kung ano naging problema niyo ng pinsan mo." Narinig ni Kelvin na sinasabi ng tatay ni Sofie – ang tito Ken niya.
Tama nga ang naging hinala niya na siya ang dahilan kung bakit umalis ito. Kung mali man siya, ang tanging magkakaproblema siya ay kay Jace pero mukhang malabo dahil hindi naman sila laging nag-uusap dalawa. Hindi na nakatiis si Kelvin at pinuntahan na niya kung nasaan ang kanyang tito Ken at ang kanyang pinsan.
"Tito, pwede po ba kaming mag-usap ni Sofie?" tanong Kelvin sa kanyang tito Ken.
Tumango naman ito at lumingon siya sa kanyang anak na si Sofie. "Discutez avec vos cousin." [Chat with your cousin].
Pagkaalis ng daddy ni Sofie ay pumunta sila sa garden sa may swing. Tahimik naman sila ng ilang minuto at naninibago si Kelvin parang hindi na niya kilala ang Sofie na nasa harapan niya. Hinihintay ni Kelvin na magsalita si Sofie pero mukhang hindi ito mangyayari kaya siya na ang nagbasag ng nakakabinging katahimikan.
"Kamusta ka na?"
"Okay lang, ikaw?" Tanong naman ni Sofie sa kanya.
Kung makakapagsalita lamang ang kapaligiran ay isisigaw nito ang malakas na kakailang. Ramdam ito ng dalawang tao na dating sobrang malapit sa isa't-isa pero sinagot pa rin ni Kelvin ang tanong ni Sofie sa kanya.
"Hindi okay kasi umalis ka bigla, bakit ka nga ba umalis ng basta-basta lang, Sofie?"
"Miss ko daddy ko kaya ako umalis."
"I just heard your conversation with your father and it seems that you went there for another reason."
"Your right, I have another reason why I left but I made that decision to change our whole lives."
"Yes, you change lives. Mine? You made it into a really bad one."
"Don't blame for making an unwise decision." Matigas na pananalita ni Sofie kay Kelvin. Hindi makapaniwala si Kelvin sa kanyang narinig. Hindi ito ang nakilala niyang Sofie.
"You change, a lot." Puna ni Kelvin kay Sofie.
"People change Kelvin and I am not an exception." Iyon lamang ang sinabi ni Sofie at umalis na ito sa harapan niya. Bago pa ito makaalis ay nagsalita siya kaya napatigil si Sofie.
"You change, yes. But not to everyone. Sa akin ka lang nagbago ng pakikitungo." Nilingon ni Sofie si Kelvin at saka nagbitaw ng salitang magpapadurog sa kanyang wasak nang puso, "sana naisip iyan bago mo ako nilapitan noon. Sana naisip mo na ito ang mangyayari kapag nalaman kong ayaw mo naman akong maging pinsan. You are the one who made me feel like this, Kelvin Zack Smith. Hindi na tayo mga bata kaya itigil mo na ang pagpapanggap. Hindi naman tayo magpinsan alam mo yan, pinalaki lang tayong magpinsan."
Iyon lamang ang sinabi ni Sofie saka umalis na at iniwan si Kelvin na hinihiling na sana hindi na lamang niya ito nakilala bilang pinsan niya.
BINABASA MO ANG
Bring Back the Past Operation (Dandelle Georgina's Universe)
RomancePara kay Sofie Tyler ay nasa kanya na ang lahat. Masayang pamilya, magandang career at sobrang mapagmahal na kasintahan pero may kulang pa rin, iyon ang nararamdaman niya. Nangungulila siya sa taong iniwanan niya sampung taon na ang nakakaraan. Paan...