Chapter 2
Days have been weird lately. Maybe it was just me. I don't know.
It's been a few days, but the gimmick that Cameron did last Valentine's Day was still in the mouth of every student around—wishing they got the same surprise from their special someone.
If I've got someone special, I would make it more intimate rather than bringing it to other people, to make them feel so jealous. I'm not the kind of person. I was not too fond of attention.
"May gagawin ka ba tonight, Cho?" tanong ni Tomas. Hindi ko naman siya agad nasagot. Pinalibot nito ang braso sa balikat ko. "May nabalitaan kasi akong event mamayang gabi. Punta tayo."
Hindi ako kumibo. Tila ba'y walang gana sa kung ano man ang gusto niyang ipangbudol sa 'kin.
"Ano, sunduin kita mamaya?" dagdag pa ni Tomas. "'Wag ka umatras. Halos mga ka-school lang din natin ang mga kasama natin."
Napabitaw ako nang malalim na hininga. "Okay."
"Okay? So. . . Sasama ka na sa akin?"
Napabagsak naman ang balikat ko dahil sa tingin ko'y wala naman akong kawala kay Tomas. Tumango naman ako sa kanya at lumapad ang ngiti nito sa labas. Napuo ng excitement ang mukha niya habang ipinaalam sa akin kung anong oras niya ako susunduin mamayang gabi.
The day went by as we headed on to our next classes. It has been a few days since Valentine's Day, but I could still hear some words about Cameron and Synestine that icked me. Why won't people let go of it and move on? Life shouldn't be revolving around those two. If I just knew someone who hated Cameron and his stupid gimmicks, we would get along so much.
Nang matapos ang klase, saktong pagkalabas ko ng room ay may tumawag sa phone ko. Upon checking who it was, I quickly answered it as they might wonder what I was doing and panic would start settling in.
"Hey, pops," sagot ko sa kabilang linya.
"Cholo, buti naman at nasagot mo agad," anito.
"Bakit po? Anong meron?"
"Nagkaroon ng emergency ang isa sa staff natin sa shop. Walang sasalo sa shift niya mamaya at hindi rin naman ako pwedeng umalis ng bahay dahil hindi pa maganda pakiramdam ng mama mo. Pwede ka bang tumao muna sa shop mamaya?"
"Yes, Pa. Walang problema. Didiretsyo na siguro ako ro'n pagkatapos ng isa ko pang klase."
"Sige, Salamat."
"Okay po. Magpagaling po si Mama. Uwi ako sa Sabado."
Narinig ko namang nagsalita si Mama, pero hindi ko masyadong naintindihan. "'Wag ka na raw mag-abala pa."
"Hindi. Pupunta talaga ako," dagdag ko pa.
Bigla namang dumating at pinatong ni Tomas ang braso sa balikat ko. Nang makita niyang may kausap ako ay nag-mouth na lamang ako na kausap ko ang mga magulang ko. Saglit lang nang tapusin ko ang tawag ay bigla ring sumagi sa isipan ko ang plano ni Tomas mamayang gabi.
"Bakit sila tumawag?" taka pa nitong tanong.
"Wala naman," pagrarason ko. "Nangangamusta lang. . ."
"Ah, okay. Basta mamaya, ha! Tuloy na tuloy na 'yon. Nando'n naman si Synestine kaya 'wag ka nang humindi pa."
Napangisi naman ako sa sinabi nito. Nakuha pang gamitin si Synestine sa pangsusuhol sa akin.
"Ano namang gagawin ko?"
"Sus!" Isinanggi nito ang katawan niya sa akin na may kasamang mapanuksong ngiti. "Ito naman! Tatanggi pa, e. 'Di bale. Gagawan natin ng paraan 'yan."
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Anong gagawan ng paraan? Alam mo namang may boyfriend 'yong tao. I wouldn't like to be in a situation kung saan ako pa ang magiging dahilan ng paghihiwalay nila. I'm not that kind of person."