Chapter 20

4 4 0
                                    

Chapter 20


After a year of waiting, the time has come she will walk down the aisle to be with me forever—and be a de Amos.

Reliving all the moments before, I only cared about myself and how my future would be. Synestine was never part of my dreams, but only a fantasy of mine. Sinong mag-iisip na 'yong taong fantasy ko lamang no'n ay nagng parte ng pangarap ko—ng future ko?

"This is Cho! Kayang-kaya mo 'to," pagpapalakas ng loob sa akin ni Tomas.

"Thank you, Tom. Mabuti na lang talaga ay nakahabol ka ng uwi kung hindi ay wala akong best man ngayon." 

Napangisi naman ito. "Pwede ko bang palampasin 'tong importanteng araw na 'to para sa 'yo? Mabuti na lang ay naka-book ako ng mas earliest flight kung hindi ay nasa airport pa rin ako ng Dubai ngayon. Nakakainis na kinancel nila nang biglaan, but here I am now. That's what matters."

"Right! You know I wouldn't forgive you if didn't come to my wedding."

"Kaya nga nandito na ako, bro, 'di ba?" pag-uulit pa niya saka minassage ang balikat ko para pagaanin ang pakiramdam ko. "Alam mo, hindi pa rin ako makapaniwala. . . From talking about her to marrying her. Akalain mo 'yon, 'no? Ang lakas din pala talaga ng appeal mo, pre. Nabihag mo ang puso ng isang Synestine St. Clair. . ."

Napangiti ako. "Kahit ako man, hindi pa rin ako makapaniwala. Ang daming nangyari. Ang daming pinagdaanan. Ang daming mga problemang dumating, pero walang hindi kinakayang lagpasan. Alam mo, medyo madrama na tayo ngayon."

Natawa naman siya. "Wala pa nga 'to sa kalahati, pre. Basta, masaya ako para sa yo."

"I know, at salamat, pre! Sa lahat. . ."

"Walang anuman."

Tinapik ni Tomas ang balikat ko. "It's time to marry the girl of your dreams!"

Humugot ako nang malalim na hininga. Sa ilang sandali ay mangyayari na ang oras na pinakahihintay ko. Matagal naming pinagplanuhan 'to. Maraming hindi pagkakaintindihan at tampuhan ang nangyari, pero sa huli ay naitawid namin at mararanasana namin ang espesyal na araw na ito.

Later on, I heard a few knocks on the door and I knew at that moment, it was time for me to get out of this room and man up. Tumuloy ako sa pinto at pinagbuksan ko naman ito. Bumungad sa akin ang mga magulang ko at labis naman ang tuwang bumabalot sa mukha nila nang makita ako.

Sa yakap pa lamang nila ay ramdam ko kung anong gusto nilang ipaalam sa akin. Even though they don't utter any words, I know how happy they were for me and Synestine. Nang ipinalaam namin ni Synestine ang petsa ng aming kasal, mas excited pa sila kaysa sa amin. Gano'n din naman ang reaksyon ng magulang ni Sy. Kami na napupuno ng kaba sa dibdib habang sila ay excited kung anong susuotin sa araw ng kasal namin.

Before all that happen, ang kinatatakutan ko noon ay kunin ang permiso ng magulang ni Synestine para sa gagawin kong proposal. I already set in mind na sasabihin nilang masyado pang magaa para gawin 'yon at marami pang pagkakataon. isang taong pa lamang ang relasyon namin kaya wala pang kasiguraduhan na magtatagal nga kaming dalawa. Takot na takot ako no'n dahil paano na lang kung hindi pala talaga nila ako gusto para sa anak nila? Na wala ako sa level ni Cameron no'n?

I was flooded with so much thought and anxiety at that time, and I was holding on to a belief that if we were meant to be together, we would be.

And I felt so much relief when they said they let me marry their daughter. Sa super saya ko no'ng mga araw na 'yon ay hindi ko na napigilan ang sarili ko at niyakap ko sila nang mahigpit. They knew at that moment I was ready to make a future with their daughter, and now that the time has come for our journey to begin as husband and wife, it would be so much different.

Painting the Stains of Our Endless JourneyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon