Chapter 4

15 5 0
                                    

Chapter 4


"Bro, late ka na," paulit-ulit na sabi ni Tomas at pagyugyog sa akin. "Ang dami mo naman kasing nainom kagabi?!"

Hindi ko masyadong maintindiha kung anong pinagsasabi niya. Para bang lumulutang ako. Dahan-dahan kong iminulat ang mata ko para tingnan si Tomas, pero silaw mula sa liwanag na nanggagaling sa bintana ang bumungad sa paningin ko kaya kinuha ko ang unan at ipinatong sa mukha ko.

Agad din namang hinila ni Tomas ang unan mula sa akin. Mas ikinagulat ko pa nang kunin nito ang magkabilang braso ko at hinila ako para ibangon mula sa pagkakahiga sa kama.

"Pre, gising na. Male-late ka na sa klase mo. . . O hindi ka papasok?"

"Wala namang pasok ngayon," halos pabulong kong tugon at hindi ko alam kung naintindihan niya rin ang sinabi ko.

Mayamaya lamang ay literal na nagising ang diwa ko nang sinabuyan ako ni Tomas ng malamig na tubig sa mukha ko. Napatitig na lang ako sa kanya habang tawang-tawa naman siya dahil sa naging reaksyon ko.

"What the fuck, Tom?!"

Hindi pa rin naman ito tumigil sa pagtawa. "Tingnan mo? Nabuhayan ka rin. Kailangan na kitang gisingin, e. Malala hangover mo ngayon, boy. Papasok ka pa ba o hindi? Alas y otso na."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya at tatayo na sana ako, pero gumewang pa ako. Nasalo rin naman ako ni Tomas kaya ibinalik niya ako sa pagkauupo. Sa huli ay sinabihan ako nito na huwag munang pumasok sa morning class ko. Nanalangin naman ako na sana walang quiz kung hindi ay malalagot ako nito sa grade ko.

"Bakit ka naman kasi lumaklak ng alak kagabi?" tanong pa ni Tomas matapos akong abutan ng Gatorade kahit alam kong hindi naman 'to nakaka-recover sa hangover. "Ang saya-saya mo pa no'ng mga-close tayo ng shop, e."

Pilit ko namang inalala kung anong nangyari kagabi. Puno nang pagtataka ang namuo sa mukha ko. Wala talaga akong maalala kagabi at hindi ko na rin pinilit ang sarili ko na alalahanin pa dahil mas lalo lang sumasakit ang ulo ko.

"'Wag ka na lang muna kaya pumasok?" suhestiyon ni Tomas sa akin.

Mabilis akong umiling sa kanya. "Hindi pwede, 'no. Um-absent na nga ako sa isa kong klase, e. Kailangan kong pumasok."

"E, kung hindi ka sana uminom ng napakarami kagabi, wala ka sanang malalang hangover ngayon."

"Marami nga ba talaga akong ininom kagabi?" pagtataka ko pang tanong.

Tinawanan naman ako nito at saka napailing-iling. "Naka-tatlong baso ka lang naman ata ng San Mig, e. Tinalo mo pa 'yong iba. Oh well, may rason ka rin nama para uminom ng gano'ng karami. Pinigilan naman kita, pero ayaw mo magpaawat, e."

Humugot ako nang malalim na hininga. "The only thing I remember was after our work at the shop, tumuloy tayo sa campfire party. . . A lot of people were actually there. Some were jumping on the small lit fire. . . And there I saw Synestine kissing her boyfriend."

Napangisi ako nang maalala ko iyong parte na 'yon, pero wala na akong maalala sa mga susunond na pangyayari. Hindi ikinuwento ni Tomas sa akin kung ano pang ginawa kagabi sa campfire party, but he hinted that getting drunk there possibly caught a lot of attention to anyone who doesn't even know I exist.

Nakakabahala rin iyon, pero anong magagawa ko? Nangyari na ang nangyari.

Nagpalipas ako ng ilang sandali hangga't sa napagpasyahan ko nang bumalik sa dorm ko. Magkaiba ang tinutuluyang dorm namin ni Tomas. Mas malayo siya sa campus habang ilang metro lang ang layo ng dorm building ko. Umalis akong mag-isa at tinungo ang daan pabalik sa dorm ko. Nakatungo lamang ako at silaw na silaw sa sikat ng araw.

Painting the Stains of Our Endless JourneyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon