"Ano sa tingin mo?"
"Siguro oo, kasi hindi ka pala labas, walang kaibigan na pumupunta sayo."
"Ano naman kung walang kaibigan na pumupunta?"
"Wala kabang kaibigan? Ang lonely mo naman."
"Eh bakit mo ba tinatanong?"
"Masama po ba mag tanong miss?"
"May sinabi ho ba ako?" Tinaasan ko pa siya ng kilay ko habang kumakain
"Sungit nga." Bulong ng binata
"Anong sabi mo?" Salita ko
"Wala sabi ko masarap yung pagkain na hinanda ni tita."
Ilang minuto pa siya nag stay sa bahay dahil nakipag kwentuhan pa siya sa magulang ko. Walang masyadong ganap sa buhay ko laging aral, kain, tulog, pasok ng school nakakapagod na sa totoo lang. Maaga ako natulog dahil may pasok pa ako bukas
Nagising ako sa alarm ko ng 8am I need to prepare na para makapasok na sa school, I do my routine at saktong 11:30 am ako umalis ng bahay, sasakay nalang ako ng jeep busy din kasi ang magulang ko sa trabaho kaya wala na silang oras para ihatid sundo ako sa paaralan.
Habang nasa jeep ako nag aaral din ako para mamaya sa lesson namin. Naiinis pa ako dahil biglang may sumisik pa sa gilid ko, masikip na nga siksik pa ng siksik
"𝐀𝐧𝐨 𝐛𝐚 𝐭𝐨 𝐭𝐚𝐧𝐠𝐢𝐧𝐚, 𝐦𝐚𝐬𝐢𝐤𝐢𝐩 𝐧𝐚 𝐧𝐠𝐚 𝐬𝐢𝐤𝐬𝐢𝐤 𝐩𝐚 𝐧𝐠 𝐬𝐢𝐤𝐬𝐢𝐤." pagbulong ko habang nagbabasa.
"I'm sorry malikot yung batang katabi ko." sagot ng pamilyar na boses.
Napatigil ako sa pag babasa sinubukan ko pang wag lumingon sa pinanggalingan ng boses.
𝑾𝒂𝒈 𝒌𝒂𝒏𝒈 𝒍𝒊𝒍𝒊𝒏𝒈𝒐𝒏, 𝒏𝒂𝒌𝒂𝒌𝒂𝒉𝒊𝒚𝒂 𝒎𝒊𝒏𝒖𝒓𝒂 𝒎𝒐 𝒑𝒂.
"Uhh, I'm sorry for bad words" alinlangan kong sagot.
"Okay lang." Sagot ni gab
Lumingon ako sakanya ngumiti lang siya sakin, bumilis ang tibok ng puso ko hindi ko alam kung dahil ba sa hiya o dahil sa kaba kasi mamaya may research kami. I'm prepared but still takot pa din akong magkamali.
"Para po." Sabi ko sa driver ngumiti na lang ako kay gab bago bumaba ng jeep.
Sumalubong agad sakin si milagrosa sa gate.
"Freedom!" Sigaw nito na nakakuha ng attention. Napatakip na lang ako ng muka sa kahihiyan, ang unpredictable talaga nitong babaeng to.
"Milagrosa, anak ka naman ng palaka bakit ka bigla bigla sumisigaw?"
"Kasi naman pagkababa na pagkababa mo sa jeep nakangiti kana" pagsimangot niya "may pogi ba sa jeep kaya abot edsa ang ngiti mo?"
"Bakit kung sabihin kong oo, aagawin mo?" Tanong ko
"Hindi type mo eh"
"Sus, baka ikaw pa maging karibal ko sa mga pogi sa tabi tabi" pang aasar ko
"Tirador ka siguro ng mga pogi"
Napatawa na lang ako sa sinasabi niya, habang nag lalakad kami ang ingay talaga ng kasama ko, nanahimik lang ang mundo ko noong naghiwalay na kami ng landas.
Higit 8 hours din akong nasa school dahil may mga kailangan ayusin para sa foundation day ng school, balak pa nga ako hintayin ni milagrosa pero sabi ko umuwi na dahil madalang na lang ang jeep ng gantong oras.
Ilang minuto na ako naghintay ng jeep pero gaya nga ng inaasahan ko wala ng dumadaan, wala akong choice kundi ang maglakad. Ilang kanto na lang ang lapit ko sa bahay namin ng biglang may humila sakin sa isang madilim na street.
"Ahh! Kidnapper tulong, may rapist dito!" Pag sigaw ko pero tinakpan agad ang bibig ko.
"Shhh, ang ingay mo" sabi ng pamilyar na boses.
Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses, anak ng tinapa si gab lang pala eh
Hinampas ko sakanya ang dala kong bag at file folder "Gago kaba? Ano bang trip mo sa buhay mo?" Galit na giit ko.
Hindi siya naka ilag sa hampas ko sakanya,
pero agad niya naman hinawakan ang kamay ko."Teka lang, paawat ka naman sa pag hampas mo." Salita niya pansin din sa boses niya na naghahabol siya sa paghinga.
"Okay ka lang ba?" Nag aalala kong tanong
Hindi siya sumagot pero na pa upo nalang siya, umupo nalang din ako at agad ko naman kinuha ang tumbler ko at binigay sakanya.
"Hindi na, okay lang ako." Sagot niya
"Isa, inumin mo to."
Tinignan niya lang at kinuha na lang ang tumbler ko
"Ano ba kasing nangyari at bakit nagtatakbo ka?" Tanong ko
"May humahabol sakin, hindi ko sila kilala pero ako ang pinaghihinalaan nila dahil pareho kami ng bag, uniform ng lalaking may atraso dun sa mga tambay." pagpapaliwanag niya
"Eh bakit pati ako dinadamay mo? Ikaw lang pala ang hinahabol pati ako ipapahamak mo."
"Sino bang nagsabing mapapahamak ka pag kasama ako?"
"Hindi paba pahamak tong ginawa mong paghatak sakin? Paano kung pati ako mapaghinalaan nila?" Pagtaas ko ng isa kong kilay.
Nakatitig lang siya sakin ng ilang minuto
"Mukang wala na sila, tara na uwi na tayo." Giit ng lalaki atsaka siya tumayo, binigay niya pa sakin ang kamay niya para alalayan akong tumayo.
Akma ko palang kukunin ang bag ko at yung file folder ay binuhat niya na agad ang mga gamit ko.
"Ako na magbubuhat ng gamit mo, mukang mabigat atsaka peace offering na lang kasi nadamay ka." pagpapaliwanag niya
Hindi na ako umimik dahil sa totoo lang mabigat ang gamit ko, masakit na din sa likod. Ilang minuto kami nanahimik hanggang sa magtanong siya sakin.
"Ilang taon kana nga pala?" Tanong sakin ng lalaki
"16 years old." Sagot ko "eh ikaw?" Pagtingin ko sakanya sa gilid ko, nakatingin lang din siya sakin at mayroon simpleng ngiti sa mga labi.
"19 years old."
Hindi halata na 19 years old lang siya kala ko magka edad lang kami.
"Dapat pala kuya gab ang tawag ko sayo eh." Pagbibiro ko
"Kuya gab talaga ah."
Ilang minuto kami natahimik bago uli ako mag tanong
"So it means nasa college kana?"
"Yeah."
"Anong course ang kinuha mo?"
"BSED, gusto ko maging teacher."
"Pangarap ko din yan nung bata ako pero like what they said 'people change'."
Tumawa nalang siya sa mga pinagsasabi ko.
Natahimik uli kami, mabagal siya maglakad kung tutuusin dapat mas mabilis siya sakin dahil mas mahaba ang biyas niya kumpara sakin.
Nangmaka uwi na kami kinuha ko ang gamit ko sakanya at nag paalam na, hindi naman malayo ang bahay niya samin dahil kung tutuusin kapitbahay lang namin siya.
Nanood lang ako ng mga vlog sa yt ng mag ring ang phone ko.
Message Requests: Gabriel Tuazon
Ang bigat ng bag mo :<𝗚𝗮𝗯𝗿𝗶𝗲𝗹 𝗧𝘂𝗮𝘇𝗼𝗻 𝗦𝗲𝗻𝘁 𝗮 𝗽𝗵𝗼𝘁𝗼
Nang tignan ko yun, may pasa siya sa braso.
Hindi ko sinasadya na mapalakas ang hampas sakanya, I didn't mean it nadala lang ako ng emosyon ko.
✿︎✿︎✿︎

BINABASA MO ANG
Broken Oath (Juramento Series #1)
RomanceMalaya Marie D. Salvador is a high school student who has childhood trauma due to her own relatives, he doesn't know how to heal the wound that her relative did. Not until she meet Ethan Gabriel F. Tuazon who help her to move on and to love her self...