C H A P T E R O N E

245 5 4
                                    

"Halika na kasi Flora, try lang naman natin."

"Ayoko. Gusto ko bumili ng hello kitty toy," sagot ko dahil ayoko naman talaga, mas pipiliin ko pang bumili ng hello kitty or bumili ng mga toy ng jollibee keysa magsuot ng hindi ko gusto.

"Hay nako, 33 years old kana pero 'yang utak mo, pang bata." Humalukipkip pa ito sa harapan ko at tinaasan pa ako ng kilay pero hindi ako nagpatalo at ginaya din siya.

"Gusto ko lang naman kasi pasayahin 'yung childhood ko." Sa totosin kasi ay namuhay akong maging pulubi ng bata ako, ni hindi ko nga magawang mag laro ng chinese garter, tayaan o patintero dahil diring diri ang mga batang nadadaan ko sa kalsada pag dating sa akin.

"Hay nako, tara na kasi. Mabilis lang naman tayo doon."

"Hindi, ayuko. Doon tayo sa may jollibee, balita ko may bagong labas ng mga toy sila," saad ko at hinatak siya papasok sa jollibee.

"Wala naman hello kitty dito."

"Tumahimik ka na lang."

Pumila ako sa walang masyadong tao at naghihintay ng ilang minuto. Nang ako na ang mag o-order ay inorder ko kaagad ang bago nilang labas na mga toy at hindi ang pagkain.

"Pakihintay na lang po."

"Sige." Kinuha ko ang binigay nilang table number stand saka pumunta sa bakanteng upuan.

"Nag order ka ba ng food natin?" napataas ang isang kilay ko sa tinanong nito sa akin.

"Hindi. Laruan lang binili ko."

"Grabe naman, ang bastos huh," saad ko ng nabugoan ako nito ng tubig sa mukha.

"Ikaw kasi e, laruan lang binili mo. Paano kapag may binebenta silang meal na may kasamang toy?"

"I don't care. Toy is more important for me, Stacey." Tinarayan lamang ako nito bilang tugon.

"Fine pero pagkatapos nito pumunta tayo doon."

Napacross ko ang mga kamay ko sa aking dibdib at tinaasan siya ng kilay. "Ayuko."

Hinampas ako nito sa balikat at saka ako tinuro. "Hoy, sinamahan kita dito kaya samahan mo din akong mag suot ng wedding gown. Malay mo, mangyari sa atin 'yung i-kidnap ng isang mayaman at gwapo. 'yung mga nangyayari sa mga movies. Ays, gusto ko rin maranasan 'yun." Nag salumbaba ito na halatang nangangarap sa hangin.

"Huwag ka ngang mag salumbaba, malas kaya 'yan," saad ko saka hinampas ang kamay niya.

"Ikaw talaga napaka oa."

"Hello po, here's your order." Napa ayos ako ng upo ng may pumonta sa pwesto namin na crew.

Nginitian ko siya bilang tugon saka kinuha ang mga laruan ko.

"Oh, halika na. Mag suot na tayo."

"Hays, ano pa nga ba magagawa ko," tugon ko at tamad na napatayo. Siya naman ay parang bulating kumolet ng mapapayag ako.

"Let's go, baby."

"Eww." Tinawanan lamang niya ako bilang tugon.

Pagkalabas namin ng jollibee ay dumiretsyo kami sa malapit na bridal shop.

Pagkapasok namin sa shop ay sinalubong kami ng isang babae na may medida pang nakasabit sa kanyang leeg.

"Hello, welcome to our shop. How may I help you po?" magalang niyang sabi na ikangiti ko naman.

"Dress po," nawala ang ngiti niya sa sinabi ko na hindi ko alam kung bakit.

"Ano ka ba, gown ang mga nandito 'no," bulong sa akin ng kaibigan ko matapos ako nitong kalabitin.

CBS 3: The Attorney's Accidental Bride Where stories live. Discover now