C H A P T E R S E VE N

158 2 3
                                    

“Flora, mag luto ka muna, “ napatingin ako kay Lexus ng mag salita siya na sakto namang napa upo siya sa tabi ko at tinignan din ako.

“Anong gusto mo kainin?”

“Kahit ano, basta may cheese.”

“Hala, wala akong maisip na lulutoin na mayroong cheese,” ani ko dahil magiging dinner pa naman namin ang pinapaluto niya.

“Mag isip ka.”

Nag cross arm ako at hinarap siya. “What if fried chicken tayo tapos sawsawan natin is cheese?”

“Seryoso?”

“Ayon lang naisip ko at shaka dinner na ngayon.”

Hindi niya ako sinagot at tumayo s’ya saka nag lakad papuntang kusina.

Samantalang tinaasan ko siya ng kilay at tinignan mulo ulo hanggang paa kahit nakatalikod siya.

“Huwag mo akong tinatarayan dyaan, baka pauwiin kita ng makati.” Napa kunot noo ako sa sinabi niya at napatayo.

“I can see you in the mirror.”

“Hoy, epal ka—ikaw kaya ng una,” ani ko at pumonta sa kung nasaan siya.

Naabotan ko siyang kumokoha ng manok sa ref saka niya ako hinarap.

“Magluto ka ng fried chicken, para malaman ko kung masarap ka ba ma—”

“Ako? Syempre.”

“Patapusin mo muna ako.”

“Ang bagal mo kasi mag salita,” tugon ko at kinuha ang manok sa kamay niya.

“Hugasan mo muna ‘yan, ako na mag aayos ng mga ingredients.”

Gaya ng gusto niya, ay sinunod ko naman.

Maya maya lang ay naririnig ko na siyang umuubo kaya napalapit ako sa kanya at hinagod ang likod niya. “What happened?

“Dahil ba sa harina?”

“Yes, pero hayaan mo na.”

“Hindi ba masakit lalamunan mo?”

“Yeah, ‘wag ka ng mag alala.”

“Epal ka, hindi ako nag a-aalala sayo,” ani ko at nag cross arm.

“Sige, ikaw nagsabi.”

Tinalikuran ko na siya para maka makapag hugas ulit pero napaharap ulit sa kanya ng umobo ulit siya.

“Seryoso bang hindi lang sa harina ‘yan?” ani ko at pinaharap siya sa akin.

“See, nag aalala ka.”

“Kapal.”

Tinalikuran ko siya at ginawa ang mga kailangan gawin upang maka pagluto ng fried chicken. Nang matapos ay nag handa ako ng cheez whiz upang maging sawsawan namin.

“Masarap ba luto ko?” tanong ko at nginitian siya pero hindi siya sumagot, kaya kumain na lang ulit ako.

Habang nakain ay tahimik lang kami hanggang sa matapos at ako na lang ang nag hugas ng pinang gamitin namin samantalang nag linis naman siya kahit gabi na.

“Flora, pag ka tapos mo gaan, ayusin mo mga gamit mo.” Napatigil ako sa ginagawa at napatayo ng maayos saka siya tinignan sa malapit na salamin; napangiti ako ng makita siyang naka pamewang habang nakaharap sa sofa.

“Bakit naman?”

“Lilipat tayo sa ibang kwarto.” Humarap siya sa akin pero napatingin din siya sa salamin kung saan ako nakatingin dahilan para mag katitigan kami sa salamin.

“Pero dito pa rin tayo?”

“Kaya nga lilipat tayo.”

Hindi ko na lang siya sinagot at nagpatuloy sa ginagawa. Nang matapos sa ginagawa ay nag ayos ako at inayos ang mga gamit ko saka sumunod sa kanya.

CBS 3: The Attorney's Accidental Bride Where stories live. Discover now