C H A P T E R F I V E

247 4 0
                                    

“Bakla, buhay ka pa pala.”

“Edwina, ‘yang kamay mo,” ani ko dahil hinahampas hampas niya ako sa braso. Kakapasok ko lang kasi ng trabaho ko, hampas kaagad ibubungad.

“Ano nangyari? Tinanggal ka ba? Effective ba ‘yung excuse letter mo? At shaka—”

“Edwina.” Hinarap ko siya. “Sa susunod na lang, kailangan ko pang mag ayos ng gamit ko.”

“Ayan na nga ba sinasabi ko e, matatanggal ka.”

“Hindi kaya, mag aayos lang ako ng gamit ko sa table kasi dalawang araw akong wala.”

“Bakit naman kasi nawala ka ng two days?” Hindi ko na lamang siya pinansin at dumiretsyo sa table ko. Pero ang bakla, sinundan pa ako.

“Edwina, kakabalik ko lang,” saad ko para naman makaintindi siya.

“Sige, ayusin mo ‘yung mga pinapagawa sa ‘yong website—malapit na deedline mo doon,” ani niya bago siya umalis.

Napabuntong hininga na lang ako ng makita ang table ko na mayroong patong patong na folder.

Isa akong web developer na nagtatrabaho sa Aloe Company at ngayo'y nandito dahil nakatakas sa bahay ni Lexus—ayaw kasi ako nito palabasin sa bahay ng walang permission niya, pero kasi hindi ko siya mahanap kanina kaya umalis kaagad ako—buti nga lang at nakalusot din ako sa mga alagad niya. Pero nandito din ako dahil kailangan namin ni Papa ng pang bayad para sa gagastusin namin, especially sa pagbayad sa nakuha naming attorney.

Napa aga lang ng dating dahil kailangan kung gawin ang punishment nila.

Buti na nga lang din at dalawang araw lang absent ko dahil kung tatlong araw ay pwede na akong tanggalin sa trabaho.
 
“Everyone, mag trabaho na kayo!” Napa ayos ako ng upo ng marinig ang boses ng manager namin sa bandang likod ko. Nag madali din akong ayusin ang mga folder.

“Ay.”

Dadampotin ko na sana ang isang folder na nahulog pero may dumampot na no 'n.

Bago ako tumingala ay napalunok muna ako dahil paniguradong bubugahan na naman ako ng apoy ng madrasta naming manager.

Tumingala ako at napangiti sa kanya ng pilit. “Oh, Flora. Ngayon lang ulit kita nakita.”

Binuklat niya ang folder na nakuha niya habang nakataas ang isa niyang kilay at bago niya sa akin iabot ‘yun ay hinampas niya muna sa balikat ko ang folder.

“Tapusin mo lahat ng mga ‘yan ngayon araw, wala akong pakialam kung hindi ka kumain basta matapos mo lang lahat ‘yan.

“Dalawang araw kang nawala at hindi ka special, kaya sumunod ka sa inuutos ko!” na patungo na lang ako sa sinabi niya at dahan dahang kinuha sa kanya ang folder.

“Gusto ko ng maayos na gawa. Naiintindihan mo ba?!”

“Naiintindihan ko po,” walang kautal utal kong sinabi. Kapag kasi kausap ang manager namin ay kailangan walang utal utal kung magsalita dahil kung ganon ay paniguradong sisigawan kami.

“Good. Make it faster," ani niya bago siya umalis.

Habang ako ay binuklat ang ibinigay niyang folder at napanganga ng makita na puro code ang laman—paniguradong kailangan kong gumawa ng isang website na gagamitin ng isang kompanya.

Dumaan ang mga oras na naka focus lang ako sa mga ginagawa ko. Hindi na rin ako nakapag lunch para lang magawa ang mga kailangan tapusin.

Napatingin ako sa phone ko ng tumunog ‘yun. Kinuha ko ito at tinignan ang caller pero hindi ko siya sinagot dahil baka scam lang. Sa pag end ko no’n ay nakita ko ang oras na ikatakip ko ng bibig.

CBS 3: The Attorney's Accidental Bride Where stories live. Discover now