C H A P T E R F I F T E E N

152 0 0
                                    

"Hindi mo naman sinabi sa akin na birthday ng pamangkin mo,” ani ko at naglagay ng damit sa maleta.

“Ngayon ko lang din nalaman.” Napahinto ako sa ginagawa at tinignan siya. “Seryoso?” Nagkibit balikat siya at nginitian ako.

Bumalik naman ako sa ginagawa ko.

“Pero grabe ‘no, nag pa serve talaga for his birthday.”

“Ganun talaga, si Kuya Felix na ‘yun e.” Si Felix ang tatay ng mag bi-birthday bukas. Pangalawa siya sa kanilang magkakapatid at ngayon ko lang nalaman.

Nakakahiya nga at nag introduce yourself pa sila sa akin kanina tapos tinanong tanong pa nila ako kung kilala ba daw nila ako, bakit hindi daw ako naimik, bakit dahan dahan daw ako kumain, at marami pa silang tinanong.

Hindi ako mabilis kumain kanina dahil hindi ako sanay sa presence nila pero kung wala sila sa paligid ko, baka ako pa ang pinakamaraming nakain na cup cake. Sobrang sarap kasi ng nagawa nila, lalo na si Mommy.

Mother ni Lexus ang nagsabi sa akin kanina na Mommy daw ang itawag ko sa kanya—thankfully nga dahil parang tanggap na nila ako.

Huminto ako sa ginagawa at tinignan siya. “If ever ba na magka anak ka sa ‘kin, ganon din ba gagawin mo?”

Napahinto siya sa kanyang ginagawa at tiningnan din ako.

“Of course, kahit bilhin ko pa ‘yun para sa anak natin, then why not?” napaiwas ako ng tingin dahil sa sinabi niya.

“Love.” Hinawakan niya ang kamay ko, kaya naibalik ko sa kanya ang attention ko. "If we develop something, tell me because I don't want you to keep a secret from me, and I don't want to be like my brothers. I want to see them grow and take care of them.

“Gusto ko na happy family tayo.”

Binawi ko ang kamay ko at umiwas sa kanya ng tingin. “Kahit naman mangyari ang gusto mo, may annulment pa rin naman na mangyayari at shaka—”

“Love, don't say that. Ayoko ‘ng maghiwalay tayo.” Niyakap niya ako at nakaramdam na unti-unti ng nag sisilabasan ang mga luha ko.

I don't know why I feel this way, but kung may mabuo man nga kami, ayokong mawala siya sa amin.

“What if we fall in love with another person?”

“Shh, love.” Tinakpan niya ang bibig ko pero still, naiyak pa rin ako. “Don't you ever say that again; I don't like it.”

Niyakap ko siya ng mahigpit. “Please, Lexus. Don't leave us,” ani ko kahit hindi ako sure kung may mabubuo man kami.

“I will, love. Because you and our future children are precious things in my life.”

Hinarap niya ako at pinunasan ang mga luha ko. “Can you make a promise with me, Love?” Kaagad akong tumongo.

Inalis niya ang kanyang mga kamay sa pinge ko at kinuha ang kwintas sa leeg niya saka ito pinaharap sa akin.

"In this necklace, we will promise that even something will happen to our love story. I'm hoping that we won't forget each other and we won't give up.”

Ibinaba niya ang necklace, saka niya ako hinalikan na tinogunan ko naman. Nang matapos ay napahawak ako sa kwentas na isinuot niya sa akin—sinuot niya sa akin ang kwintas habang nasa gitna kami ng halikan.

“You make a promise.” Tinignan ko siya at napalunok. “Tuparin mo sana.”

“Ikaw din,” aniya saka ako niyakap.

“Love, wala ka na bang naiwan?” Napatingin ako sa nag tanong na ka-kapasok lang sa kotse na sinasakyan ko.

“Oo naman.”

“Good.”

Inayos ko ang seatbelt ko at tumingin sa labas. Mula sa pwesto ko, nakita kung umandar na ang ibang kotse.

Magkakasama kami na natulog sa bahay ni Lexus at magkakasama din na aalis, but in a different car.

Ang sabi ng Mother niya ay magkakasunod lang ang mga sinasakyan namin at may mga police na naka bantay sa amin, may mga guards din daw na nasa bawat gilid ng kotse.

Napatingin ako kay Lexus ng may maalala. “Lexus, wala pala akong passport.”

“Pinagawan ka na ni Kuya Marius,” napa kunot noo ako sa sinabi niya.

“What do you mean?” Napatingin siya sa akin at napa kunot noo, pero tumingin din siya sa harap.

“Nagawan kana.”

“Kaya nga, pero saan nakuha ‘yung mga information ko? ”

Hinawakan niya ang hita ko pero tinapik ko ‘yun.

“Love,” maktol niya pero wala akong pake, kailangan niya muna sagutin ang tanong ko.

“Kinuha ko ang birth certificate mo sa maleta tapos binigay sa kanya kagabi.”

“Kagabi?” Nag cross arm ako at tinaasan siya ng kilay.

“Lumabas ako kagabi kasi may kumakatok, and it's Kuya. Tinanong niya kung may passport ka ba, tapos sinagot ko naman na wala. Tapos ayun, sabi niya kunin ko raw ang birth certificate mo at ibigay sa kanya para magawan ka. Sakto at nakita ko sa isang maleta mo, kaya binigay ko.” Grabe, walang naliligaw na information, halatang gusto niyang mahawakan ang hita ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 02 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

CBS 3: The Attorney's Accidental Bride Where stories live. Discover now