C H A P T E R E L E V E N

138 2 0
                                    

"Anong oras ka uuwi?" Pinunasan ko ang lababo na pinaghugasan ko.

"I'm not sure, pero sasabay ako sa'yo mag lunch."

"Sige." Binabaan ko kaagad ng tawag ang kausap ko dahil kailangan kung tapusin ang paglilinis ng lababo-kakatapos ko lang kasi mag hugas.

"Hays." Napahawak ako sa batok ko ng maramdaman ang ngalay, kanina pa kasi ako nakayuko dahil sa paghuhugas at paglilinis sa kung saan saang bahagi ng bahay.

Kanina pa wala si Lexus at wala ng yaya ang naiwan sa mansion niya maliban sa Manang na nakausap ko noong nakaraan.

Ang sabi sa akin ni Manang kanina ay inilipat ang ibang yaya sa ibang bahay, hindi niya naman sinabi sa akin kung bakit pero nakakapagtaka pa rin kung bakit.

Walang inutos sa akin si Lexus na gawin ko ang mga bagay na maglinis o gumawa ng gawaing bahay pero dahil sa naaborido ako sa dumi ay ginawa ko na.

Napatingin ako sa cellphone ko ng tumunog 'yun. Kinuha ko ito at tinignan ang nag text at walang iba kundi si Lexus.

From: Lexus

Bakit mo naman ako pinatayan? 〒⁠﹏⁠〒

Napa kunot noo ako sa sinabi niya kaya dali dali akong nag reply.

To: Lexus

Hindi kita pinatayan, binabaan lang kita.

Senend ko ang message at ibinababa ang phone saka ipinagpatuloy ang ginagawa, pero napatigil din ng tumunog ulit ang cellphone ko.

Kinuha ko ang phone at tiningnan ang message ni Lexus.

From: Lexus

I have a surprise for you.

Huh? Surprise pero sinabi niya.

Nag type naman ako habang kagat kagat ang ibabang labi

To: Lexus

It's not a surprise anymore because you said it already.

Ibinababa ko ang phone at nag lakad para makakuha ng maiinom. Nang makakuha ay bumalik sa lababo at kinuha ang phone dahil nag text na naman siya.

Uminom ako saka ko tiningnan ang senent niyang photo.

From: Lexus

Send a photo.

Enjoy the pandesal my love ୧⁠(⁠^⁠ ⁠〰⁠ ⁠^⁠)⁠୨

Naibuga ko ang iniinom ko ng makita ang litratong senent niya-nag sent lang naman siya ng picture na may walo niyang abs habang kagat kagat ang laylayan ng t-shirt at naka kindat pa ang loko.

Dali dali kung sinave ang senent niya at enedit ito; nilagyan ko ng mga sticker na hello kitty ang mga abs niya at nilagyan ko din siya ng buntot at tenga ng pusa.

Nang matapos kung i-edit ang kanyang litrato ay senent ko ito sa kanya.

To: Lexus

You sent a photo.

Ayan, enjoy my edit. Don't worry, you are cute there, but hello kitty is the best.

Pagkatapos kung i-sent ang message ko ay ipinagpatuloy ko na ang pag punas hanggang sa matapos.

Naibagsak ko ang katawan ko sa sofa dahil sa pagod. "Hays, kapagod."

"Flora."

"Ay palaka," napatayo ako bigla ng may nag salita sa likuran ko.

Hinarap ko siya at tinaasan ng kilay.

Tinaas niya ang kanyang dalawang kamay na parang sumusuko sa mga pulis. "Easy, love." Ibinaba niya ang kanyang dalawang kamay at hinila ako papalapit sa kanya saka ako niyakap. "I miss you."

CBS 3: The Attorney's Accidental Bride Where stories live. Discover now