C H A P T E R N I N E

188 4 0
                                    

“Ho!” sigaw ko habang sumasayaw.

Umaga na ngayon at sinusundan ko ang bawat kilos ng mga sumasayaw sa TV, pero ako lang ang mag-isa dito sa kwarto namin dahil may pupuntahan daw si Lexus.

Maaga siya umalis at hindi sinabi kung saan pupunta.

“You can do it.”

“Yeah, I can do it!” saad ko at sumunod sa sayaw nila. “I can do it.”

Parang kanina lang ay nanonood ako ng kuromi ng umalis si Lexus, pero ito ako ngayon, nasayaw sa harap ng TV habang naka pantulog.

“No matter what I do, All I think about is you. Even when I'm with my boyfriend, Boy, you know I'm crazy over you,” kanta ko habang sumusunod sa kanila.

Nag lakad ako habang nakanta at kinuha ang isang walis para mag linis dahil masyadong makalat ang bahay dahil kagabi—walang nangyari sa amin, dahil lang sa mga petals, kaya ako mag lilinis.

Gumewang ako sa harap ng walis at bigla itong ginawang mic. “East Coast, I know you shakin right. Down South, I know you are bouncing, right? West Coast, I know you are walking right. Midwest, I see you swinging right.”

Kinuha ko ang tali sa aking buhok at hinagis iyun saka nagpatuloy sa paglakad habang nakanta. “You don't know what you mean to me.”

Isinarado ko ang pinto ng terrace na sakto na mang nagbago ang kanta saka ako humarap sa isang salamin.

“Mr. Lover lover, mmm.” Nag pogi pose ako at napa kagat ng labi saka ko ginilid ang humaharang na buhok ko sa tenga. “Mr. Lover lover, rrrr girl.” Kinindatan ko ang salamin at nag pose na sumusuko. “Mr. Lover, lover, mmm.”

“Mr. Lover lover,” pagpapatuloy ko at tumalikod sa salamin pero humarap din. “She calls me Mr. Boombastic, tell me fantastic.” Tinuro ko ang likod ko habang nakaharap pa rin sa salamin. “Touch me inna me back,” —saka ko tinuro ang sarili ko—"she says I'm Mr. Ro-mantic.”

Tumingin ako sa pinto at napa takip ng bibig ng makita si Lexus na naka hawak sa pader at ang kanyang isang kamay ay nasa doorknob habang siya'y nakangiti.

“Pogi mo,” saad niya saka siya pumasok at nilock ang pinto.

Samantalang nakatingin lang ako sa kanya hanggang sa makapunta siya ng kusina.

“I ordered some food for our lunch.” Humarap ito sa akin at nameywang.

Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy sa pagwawalis.

Ngunit napatigil ako at napalingon kay Lexus ng tumawa siya. “Bakit ka natatawa? ”

“Paturo nga ng Mr. Lover” nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

Kaagad akong kumuha ng mga petals at binato sa kanya, pero hindi ito umabot sa pwesto niya na ikatawa niya pa lalo.

Tumakbo ako papunta sa kanya dahilan para mag habulan na naman kami.

“Mr. Lover lover, mmm.” Tumigil siya at ginaya ang pose ko kanina.

Napahinto din ako at nameywang.

“Ikaw! ”Hinabol ko ulit siya, pero kagaya ko na hindi magpapatalo ay hindi rin siya nag patalo.

Lumabas siya ng terrace, kaya nilock ko kaagad ang pinto at napangiti ng makita ang paglunok niya.
Akala mo huh, kulong ka taloy.

Dinilaan ko muna siya saka ko siya talikuran at nagpatuloy sa paglilinis. Naririnig ko pa ang sigaw niya habang naglilinis ako pero maghintay siya—It's my time naman to celebrate that I won with our teasing moments.

CBS 3: The Attorney's Accidental Bride Where stories live. Discover now