C H A P T E R T W O

242 4 5
                                    

“Bahay mo ba ‘yan?" tanong ko at sinilip si Lexus na ngayo'y nag dra-drive. Nalaman ko lang na Lexus ang pangalan niya ng binanggit ito ng pare sa simbahan.

Hindi ako nito pinansin kaya inirapan ko na lang.

Nang tumigil ang sasakyan ay kaagad akong bumaba at hinawakan ang wedding gown ko. Masyado kasing malaki at may pagka malobo pa siya.

“Help her," napa angat ako ng tingin ng marinig ang boses ni Lexus. Tuloy tuloy lang siya sa paglalakad at hindi man lang ako hinintay.

“Lalaki! Teka lang. Hintayin mo ako!” sigaw ko sa kawalan pero hindi ito lumingon sa gawi ko at tuloy tuloy lang siyang nag lakad at pumasok sa malaking pinto.

“Boss niyo ba ‘yun? Pakisabi nga ‘wag siyang bastos, i-divorce ko ‘yan.”

Hindi ako sinagot ng mga humawak ng gown ko at ng sila'y tumingin sa akin ay nag lakad ako at dumiretsyo sa pinto saka pumasok.

Pagpasok na pagpasok ko pa lang ay bumungad sa akin ang mga lalaking naka black attire na mayroon pang wireless headset sa kanilang mga tenga.

Ngunit kung titignan ang bahay na pinasukan ko ay mas maganda ito sa mga napapanood kung binebenta na bahay sa instagram. Siguro, dito pa lang sa first floor ay mas mas malaki pa sa kwarto ng anak nang boss ng tatay ko.

Mas malawak din siya kumpara sa garden nila. Siguro kung makapunta man ako sa rooftop ng bahay na ‘to. Mas malawak pa dito.

“Ehem. Madam, pina papunta na po kayo ni Sir sa kwarto niya," nakuha ng attention ko ang sinabi ng isang lalaki. Sumunod na lang ako dahil naloloka ako sa mga taong nakapaligid sa akin, ikaw ba naman palibutan ng mga lalaking malaki ang katawan at mga matatangkad pa—siguro mag jo-jowa na lang ako ng isa sa kanila para astig.

Sa malapit na elevator ay doon kami pumunta at ng umaangat ito ay nakikita ko ang bawat palapag na parang billionaire ang nakatira sa bahay na ‘to sa sobrang laki at sa sobrang ganda.

Nang tumigil ang elevator ay lumabas ako pero hindi ko akalain na iiwan nila ako. Nang sila'y umalis ay humarap ako sa nag iisang pinto at dahan dahan itong binuksan.

“Ang linis naman," ani ko ng makita ang paligid.

“Hey, sleep early.”

Napatingin ako sa nag salita at napakunot noo. “Walang honeymoon?” Napatigil siya sa kanyang ginagawa at tumingin sa akin na hindi makapaniwala pero napilitan din iyun ng isang ngiti.

“Do you want us to honeymoon? ” Nag lakad ito papalapit sa akin.

“Ganon naman diba ginagawa after ng kasal," tugon ko at napaiwas sa kanya ng tingin dahil nakalapit na ito sa akin.

“Yeah, but we don't like each other and we don't love each other.”

Napahawak ako sa dib dib ko. “Ouch naman.”

“Why? May masakit ba.” Hinawakan niya ang kamay ko at pinatingin sa kanya.

“Wala naman, nag inarte lang ako hehe," saad ko dahilan para bitawan niya ako.

Tinalikuran niya ako at saka ito humiga sa kama.

“May damit na doon sa C.R para sa pamalit mo.”

“Sige.” Sinunod ko ang gusto nito at makalipas ang ilang minuto ay lumabas ako ng C.R.

“Hey, why are you wearing a towel huh? Didn't I tell you to wear pajamas and a t-shirt.”

“No.”

“Ah sh*t. Go back”

“Hala!” napasigaw ako ng batuhan ako nito ng unan at dahil sa inis ko ay kinuha ko ito at binato rin sa kanya.

CBS 3: The Attorney's Accidental Bride Where stories live. Discover now